Kabanata XXXIII

60 6 0
                                    

"abot kamay ko na siya..." bulong ni Baekhyun habang sinisisi ang sarili sa pagkuha ni Lay kay Luhan, hinagod lang ni Chanyeol ang likod nito para pakalmahin.

"dapat pinatay ko na siya!" impit na sigaw ni Sehun habang nanghihinayang sa mga dapat na ginawa niya nung kasama pa niya si Lay.

"ano ba wag na tayong magsisihan! wala namang mangyayari..ang mabuti pa pumunta nalang tayo sa lungga ni Lay baka doon lang niya dinala si Luhan." suggestion ni Kyungsoo, sumangayon naman ang lahat. Gamit ang teleportation lumabas na sila ng Enchantress Forests at pumunta na sila sa Headquarters ng mga Demons.

Nadatnan nila na nagsisilikas na ang mga bihag at lahat sila pinasasakay sa armored van. Lumabas din si Minseok at Chen na malungkot, halata sa mga mata ni Chen na galing ito sa pag iyak.

"Minseok!" lumapit si Kyungsoo kay Minseok. "anong nangyayari?"

Napatingin si Minseok sa likod ni Kyungsoo.

"Nasaan si Junmyeon? si Luhan?" natahimik lang silang lahat hanggang sa nagsalita si Baekhyun.

"hindi namin nakita si Junmyeon at si Luhan...nakuha siya ni Lay"

"ANO!? paanong nangyari yun?" gulat na tanong ni Minseok, hindi niya maiwasang mag isip ng masasamang bagay na pwedeng gawin ni Lay sa tagapagligtas.

"dinaya niya si Sehun...gumamit siya ng teleportation para sa dalhin si Luhan kung saan..hindi namin alam kung saan sila pumunta.." sagot ni Baekhyun.

"ano bang nangyari dito? bakit wala ng mga Demons?" tanong ni Chanyeol habang natingin sa paligid, kahit pakiramdaman niya wala siyang nararamdaman na mga presence ng mga halimaw na demons.

"ubos na sila...inubos ni Chen." kinuwento lahat ni Minseok ang mga nangyari, kaya nalinawan silang lahat kung bakit malungkot si Chen.

Nagsama sama na silang lahat, pumunta sila sa Headquarters ng mga demon hunters. Para doon planuhin ang susunod nilang  gagawin.

"hinahanap na ng mga demon hunters si Junmyeon at nag liligtas ng mga Vampires at Humans, kaya ang plano na natin ngayon ay hanapin ang mga hayop na Devamp na yan at si Lay!" sabi ni Chen, hindi siya pwedeng mamatay ng hindi napapatay ang Devamp na pumatay sa kaibigan niya.

Kumain na muma silang lahat bago magpatuloy sa plano. Nakalatag na sa mesa ay fried chicken lang at kanin pero para sa kanila ito ang the best na pagkain ng tao.

"Sehun kumain ka din para magkalakas ka." sabi ni Kai nung napansin niyang hindi kumakain si Sehun.

"hindi ko kaya" walang buhay niyong sabi, hindi niya makayang kumain, habang hindi niya alam ang nangyayari kay Luhan.

"paano mo maliligtas si Luhan kung pinababayaan mo ang sarili mo! tandaan mo may siyam na araw nalang tayo bago magtagumpay si Lay, mas kailangan mo ng lakas para makatagal ka hanggang sa araw na yun.." sabi ni Chanyeol napa buntong hininga si Sehun habang nag uumpisa ng kumain, na realize niya na tama ang mga sinabi nito. Magpapalakas siya para kay Luhan at gagawin niya lahat wag lang mabali ang propesiya at wag lang mamatay ang pinakamamahal niya.

Pagkatapos nilang kumain at magpaka busog, pumunta na sila sa mga mission nila. Ang tatlong Vampires na sina Minseok, Baekhyun at Kyungsoo ay pumunta sa clinic para tumulong sa paggamot sa mga Vampires at Humans na sugatan.

Habang si Sehun, Kai, Chanyeol at Chen naman ay pumunta sa conference room para doon mag plano ng mga gagawin nila.

Plano nilang balikan ang Headquarters ng mga Demons para puntahan ang satellites nila, titignan nila baka may makuha silang information galing sa ibang headquarters ng demons.

"I just want to raise a question!" sabi ni Chanyeol habang nakataas ang kanang kamay nito.

"what?" sagot ni Chen.

"Wala ba kayong napansin na weird late, I mean kapag nakikipag laban tayo?" tanong ni Chanyeol.

"weird? what do you mean?" tanong ni Sehun.

"I mean..weird like me lumakas ako lalo I killed a Devamp then after ko makipag laban hindi man lang ako napapagod.." sabi ni Chanyeol.

"ako din, I almost killed a devamp earlier kaso nakatakas siya.." sabi ni Chen

"naramdaman ko din yan, nung kalaban ko si Hyung halos matalo ko na siya kanina.." sabi ni Sehun.

"teka bakit ako lang ang hindi nakakaramdam nito?" sabi ni Kai na may pagtataka.

Nagkibit balikat nalang ang tatlo dahil hindi rin nila alam kung bakit nangyari yun. Pero ang mahalaga may pagkakataon na silang matalo ang mga devamp at si Lay kapag nakita na nila ulit ang mga ito.

*****

D-9 before the 30th sunrise

"MWHAHAHAAHAHAHA!" tawa ng tawa si Lay habang pinagmamasdan ang tagapagligtas na naka kulong sa isang pahabang kulungan. May kadena ang leeg, kamay at paa ng mga ito may busal din ang bibig niyo para hindi magingay.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Luhan.

"ang hirap mong makuha Luhan, pero sadyang panig talaga sa akin ang tadhana dahil kahit gaano man kahaba ang habulan natin...sa akin ka pa rin mapupunta.." monologue ni Lay, habang nakaupo sa tapat ng kulungan ni Luhan.

"But you won't remove the fact na...talo ka ng kapatid mo sa laban!" lumingon si Lay, nakita niya si Kris na nakadapa sa sariling kama habang pinupunasan ni Tao ang mga dugo sa sugat ng likod nito dahil pagkaputol ng pakpak niya ni Chanyeol. Inaamin niya na mas malakas si Chanyeol sa kanya at natalo siya dito pero hindi yun ang naging dahilan niya para sumuko sa laban nilang dalawa.

Nakaligtas siya dahil pakpak lang naman ang nawala kay Kris, pero hindi ang kapangyarihan niya na mag teleport.

"muntik na rin ako matalo ng isang half human half demon kahapon.." sabi ni Tao, nainis ito dahil ang laban nila ni Chen ang unang pagkakataon na tumakas siya sa isang laban. Wala siyang inuurungan at wala siyang hindi na tatalo, sobrang nagtaka siya sa lakas ni Chen.

"let them be nasa atin na si Luhan at hinding hindi nila tayo mahahanap" pagkatapos makuha ni Lay si Luhan pumunta agad siya sa Headquarters ng mga Devamp. Naisip ni Lay ang planong pumunta sa Headquarters ng mga Devamp kapag naubusan na sila ng option o kapag malapit na silang matalo. Akala nila hindi mangyayari 'to at ang akala nila sila na ang pinaka malakas sa lahat.

"so anong gagawin natin dito? wait and kill him? then what? maghahari ka sa mundo? paano mo gagawin yun kung ubos na ang mga alagad mo" tanong ni Kris.

Tumingin si Lay kay Luhan at pinagmasdan ito.
"no, I still got a thousand of them" ngumisi si Lay habang nakatingin kay Luhan.

"That's why I like your plans!" sabi ni Kris kasunod nito ang pagtawa nila ni Tao.

****

Selucent's 2018 notes:

THANK YOU FOR READING GUYS! I HOPE YOU LIKE IT! MAMAYA MAG UUPDATE ULIT AKO! DONT HESITATE IF MAY TANONG KAYO OR REQUEST SA AKIN HA? SEND ME MESSAGE OR ANYTHING! THANK YOU!

P.S. I HAVE AN ASIANFANFIC ACCOUNT : selucent I published my oneshots as well. If you know "incestuous" one shot I will continue it on AFF! you can check it!

Kita tayo sa susunod na kabanata!
Don't forget to vote and send some feedback! Thank you!

Love, selucent.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें