Kabanata XXIX

57 5 0
                                    

Sa Enchantress Forest

Tumakbo si at Luhan palayo sa nagaganap na labanan sa kastilyo ng Enchantress Forest. Wala silang alam kung ano na ang nangyayari sa mga kasama nila at mga tao sa palasyo, hindi rin nila alam kung saan sila tatakbo ni Baekhyun dahil wala silang alam sa lugar kung nasaan sila. Magkahawak ang kamay nila ng biglang isang bangin na pala ang nadaanan nila nahulog si Luhan pababa sa bangin.

"LUHAN!!" sigaw ni Baekhyun habang nakahawak sa puno. "LUHAN!" pinilit niyang umakyat at sabay sumilip kung saan nahulog si Luhan, nakita niyang dumalas ito papasok sa isang parang masukal na na bangin.

"LUHAN SUMAGOT KA! AYOS KA LANG BA!" hindi na maaninag ni Baekhyun si Luhan dahil sa nag tataasang damo. "LUHAAAAAN!" sigaw ni Baekhyun pero wala pa rin siyang naririnig na response kay Luhan.

Napansin ni Baekhyun na may paparating na dalawang demon at kilala niya ang dalawang ito.
"Sehun! Chanyeol!" sigaw ni Baekhyun habang kumakaway pa. Lumapit ang dalawang demon kay Baekhyun. "tulungan niyo ko si Luhan nahulog sa bangin!" nagulat si Baekhyun ng biglang hawakan ni Chanyeol ang braso niya tapos hinila siya nito paalis.

"CHANYEOL! ANG SAKIT! HUY ANO KA BA? KAILANGAN NI LUHAN NG TULONG!" sigaw ni Baekhyun habang pinapalo ang kamay ni Chanyeol. Lumingon siya kay Sehun napansin niya na mapupula ang mga mata nila at para bang mga wala sa kanilang tamang pag iisip.

"Sehun ikaw na ang bahala sa tagapagligtas." monotone na utos ni Chanyeol kay Sehun. Nilabas ni Sehun ang pakpak niya at lumipad pababa sa bangin na pinag laglagan ni Luhan.

"CHANYEOL! BAKIT KAYO NAGKAKAGANITO?" tinulak ni Baekhyun si Chanyeol, para bang hindi na niya kilala ang ama ng pinagbubuntis niya.

Nakita ni Baekhyun sa mata ni Chanyeol na may kung anong kumokontrol sa kanila, dahil ang kilala niyang Chanyeol hindi siya hihilahin ng basta basta.

Hinila ni Chanyeol ang katawan ni Baekhyun palapit sa kanya para hindi ito makatakas.
"sumunod ka nalang bampira! isa ka ng alipin ni Master Kris, kaya dapat sumunod ka lang sa kanya!" tinulak ulit siya ni Baekhyun at mabilis na sinampal ito sa pisngi.

Nagbabakasakali si Baekhyun na magising ito, pero mali siya dahil mas lalo itong nagalit sa kanya. Tinulak siya nito pahiga sa sahig na puno ng tuyong dahon at agad siyang sinakal dahil sa galit.

"chanye-chanyeolwag!" sigaw ni Baekhyun habang pinipilit alisin ang mahigpit na kamay sa leeg niya.

"MAMAMATAY KA!" sigaw ni Chanyeol habang sinasakal si Baekhyun, puno ng bulong mula kay Kris ang bumabalot sa utak niya.

"chanyeol aah chanyeol ako to si Baekhyun aah!" humigpit lalo yung sakal ni Chanyeol. "ah chanyeol si Baekhyun 'to, di ba sabi mo ah! sabi mo!" hirap na hirap si Baekhyun magsalita pero kahit ganun alam niyang maibabalik niya si Chanyeol sa dati niyang pag iisip. "sabi mo ah sabi mo mahal mo 'ko!" sigaw ni Baekhyun bigla namang lumuwag unti unti ang kapit sa leeg ni Baekhyun kaya nagkaroon siya ng pag asa.

"di ba mahal na mahal mo 'ko at yung.." kinuha ni Baekhyun ang kamay ni Chanyeol at pinunta niya sa tyan nito. "mahal mo din yung baby natin..diba?" naiyak na si Baekhyun habang unti unti ng nag iiba ang kulay ng mata ni Chanyeol.

"Chanyeol.." mahinang tawag ni Baekhyun hinawakan niya ang pisngi nito at binigyan niya ng halik sa labi, nanalangin siya na bumalik sa dati si Chanyeol gamit ang pagmamahal niya dito.

"mahal kita" bulong ni Baekhyun "chanyeol please comeback!" pinatong niya ang noo niya sa noo ni Chanyeol habang bumubulong na mahal niya ang binata.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Where stories live. Discover now