Kabanata VII

66 8 0
                                    

"ILABAS LAHAT NG DEMONS! HANAPIN NIYO SI LUHAN AT DALHIN NIYO SA AKIN!" galit na galit na utos ni Lay sa lahat ng mga alagad niya. Nakakatakot ang mga pwede niyang gawin, tahimik si Lay pero may mga plano siya na unpredictable.

"Sehun, Kai, Chanyeol maiwan kayo." tumayo ang tatlo sa harap niya.

"kayo lang ang aatasan kong pumunta sa school hintayin niyo siya at sigurado akong papasok siya" tumingin sa si Lay kay Sehun. "Ikaw Sehun, nakipagkilala ka sa kanya pero hindi mo naramdaman na siya ang hinahanap natin!" sigaw ni Lay kay Sehun.

"walang kwenta talaga ang half human na katulad mo!" napayuko nalang si Sehun para pigilan ang galit na dumadaloy sa puso niya, hinding hindi niya ginusto maging Demon. Sukang-suka na siya sa Demon na dumadaloy sa katawan niya.

"umalis na kayo, please magandang balita lang ang ibalita niyo sa akin ah!" nagbow ang tatlo kay Lay bago lumabas ng trono ni Lay.

"Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang mga Tao." parinig ni Chanyeol kay Sehun habang nakangisi ito. Sa inis ni Sehun ginamit niya ang braso niya para itulak si Chanyeol sa pader at sakalin.

Pero imbes na masaktan tumawa lang uto at ngumisi kay Sehun.
"Still hot tempered." sabi niyo kaya mas hinigpitan ni Sehun ang pagkakasakal sa kanya, inis na inis na si Sehun sa kanya at sa napaka yabang nitong ugali.

"Sehun tama na yan." saway ni Kai sa dalawa. "wala kang mapapala sa lalaking yan, pinanganak na mayabang yan." binitawan ni Sehun si Chanyeol dahil tama ito, may mas importanteng bagay siyang tapusin kesa makipag away sa kanya.

Pinagpag ni Chanyeol ang nagusot na damit.
"bakit totoo naman ang sinasabi ko" nagsmirk siya habang hinihimas ang leeg niya "hindi ka mapagkakatiwalaan ni Master Lay, kasi may awa at pagmamahal dyan sa puso mo!"

"teka" lumapit si Kai kay Chanyeol "hindi ba ikaw yung napabalitang nagkagusto sa isang Vampire? hindi ba pagmamahal yun?" tumingin si Chanyeol ng masama kay Kai tapos lumapit kay Sehun bago tuluyang umalis.

"teka totoo ba yun Kai?" tanong ni Sehun dahil hindi niya nabalitaan ang bagay na yun kahit kanino.

"Oo, si Baekhyun kilala mo?" tumango si Sehun. "madalas daw niyang sinusundan si Baekhyun, biruin mo may nagkagusto sa napakaingay na bampirang yun." sabi ni Kai, natawa siya ng konti dahil hindi siya makapaniwala na nagkagusto si Chanyeol sa isang Vampire at hindi basta basta Vampire si Baekhyun pa ang matalik niyang kaaway.

Samantalang si Sehun ay nalinawan na sa nararamdaman niya dahil hindi pala kakaiba nararamdaman niya, hindi lang pala siya nakakaramdam ng pagmamahal.

Biglang naalala ni Sehun ang mga ngiti ni Luhan na sobrang nakakahawa at hindi niya mapigilan ang sarili niya kundi ngumiti din idagdag pa ang mga nagniningning na mga mata ni Luhan. Yun ang hinding hindi malilimutan ni Sehun.

"dude bakit nakangiti ka jan?" napabalik sa malalim na pag iisip si Sehun dahil sa pag akbay ni Kai sa kanya.

"wala tara na!"

Hinila ni Sehun si Kai palabas ng HQ.
Pumunta sila sa school na parang mga normal na students at si Chanyeol parang isang normal na prof. Hinihintay nila kung dadating si Luhan.

"Ang tagal niya ah, malapit ng mag bell." sabi ni Chanyeol habang pabalik balik sa paglalakad.

"baka alam na niya na hinahanap natin siya." tumingin si Chanyeol kay Sehun ng masama.

"hindi pwede!dapat nung nakilala ko siya sa klase sinakal ko na siya at binitbit papunta kay Master Lay." naiinis niyang sabi, hindi naramdaman ni Chanyeol ang vampire sense kay Luhan nung pagkikita nila.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Where stories live. Discover now