Kabanata XXXVI

49 5 0
                                    

"Queen Yeri ano bang ginagawa mo dito? bakit mag isa ka? mabuti nalang narinig ka namin" tanong ni Sehun habang inaalalayang makatayo si Yeri. Nag lilibot libot si Sehun at Chen sa paligid ng HQ ng mga Demons para humanap ng paraan para makita si Luhan. Bumalik sila sa HQ ng mga Demons para makahanap ng kahit anong pwede pang magamit sa nasunog na gusali na pwedeng mag hint sa kanila kung nasaan si Luhan. Tapos sakto namang may narinig silang humihingi ng tulong kaya agad nila itong sinaklolohan.

"ah excuse me Queen Yeri" tinawag ni Chen si Yeri dahil may nakita niya ang magandang Demon na nakahiga sa sahig "kasama mo ba 'to?" tanong ni Chen habang nakaturo.

"ah oo kasama ko siya..tinulungan niya ako kanina.." sabi ni Yeri lumapit siya sa Demon na tumulong sa kanya sabay hinawi niya ang buhok nito, nakapikit ang mga mata nito na may mahinang paghinga. Umupo lang si Yeri sa tabi ng Demon tapos nag concentrate siya tapos binigay niya lahat ng pwersa ng katawan niya sa kamay niya na bigla itong nagliwagan sa paligid na tuluyan ng kinain ng kadiliman. Pinagala ni Yeri ang mga palad niya sa sugat ng demon, nagulat si Sehun at Chen sa nakikitang pagpapagaling ni Yeri sa mga sugat ng babaeng Demon.

"okay na siya" sabi ni Yeri, dumilat naman ang mata ng babaeng Demon umupo siya wala siyang nararamdamang sakit sa pagkakakalmot ng Devamp sa kanya.

"you healed me?" tanong ng demon kay Yeri.

"yup" maiksing sabi ni Yeri bago siya mawalan ng malay at mabuti nalang nasalo ito ng Demon kung hindi sumubsob na sa lupa.

"Queen Yeri!" nagaalalang sigaw ni Sehun. Dahil dun dinala na ni Sehun at Chen si Yeri at ang magandang Demon sa HQ na kasukuyang tinutuluyan nila.

*****

Sa Demon Headhunter's HQ

Pagpasok sa gate ng sasakyan nila Sehun sa headquarters, natakot agad ang magandang demon dahil nasa headquarters siya ng mga taong pumapatay sa mga katulad niya.

"bakit tayo nandito?" tanong ng magandang Demon mula sa passenger seat, nakaunan sa mga hita niya ang walang malay na si Queen Yeri. Nag dadrive si Sehun at sa tabi niya si Chen. "wag kang mag alala ligtas ka dito.."

"siguraduhin niyo lang kundi ako mismo ang papatay sa inyo, I killed nine devamps earlier at kayang kaya kayong patayin ngayon" nagulat si Sehun at Chen sa inasal ng magandang Demon.

Pagdating nila sa loob dali daling binuhat ni Sehun si Yeri tapos dinala niya agad ito sa clinic kung saan nagpapahinga ang daan daan na Vampires at Humans. Sinalubong agad sila ni Minseok tapos pinahiga nila si Yeri sa isang hospital bed, agad chineck ni Minseok at pinulsuhan si Yeri.

"napagod lang siya, kailangan niya lang mag pahinga" sabi ni Minseok "ano bang nangyari sa kanya?" tanong nito tumingin siya sa tatlong demon na nakatayo sa tabi.

"she...she saved me..I don't know what she did pero ginamot niya yung sugat ko sa likod na ginawa ng Devamp"

"pero sino ka ba talaga? at bakit mo kasama si Queen Yeri? nasaan ang mga kapatid niya?" sunod sunod na tanong ni Sehun.

"ako si Yoona, nakita ko lang siya sa gubat mag isang hinahanap ang tagapagligtas.."

"tagapagligtas? you mean Luhan?" tanong ulit ni Sehun, nagtataka siya na bakit hinahanap ni Yeri si Luhan.

"oo, sino pa ba? so alam niyo na, aalis na ako..kayo na ang bahala sa kanya." tumalikod siya at nag lakad paalis.

"wait hindi mo na siya hihintaying magising?" napatigil sa paglalakad si Yoona dahil kay Minseok "pati may sugat ang kamay mo." tumingin si Yoona sa sugat niya na kung hindi pa sinabi ni Minseok ay hindi niya napansin.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Where stories live. Discover now