Kabanata XXVI

60 5 0
                                    

D-12 before the 30th sunrise

Sa Enchantress Forest

"PLEASE PALABASIN NIYO AKO!" sigaw ni Luhan mula sa puting kwarto na pinag iwanan sa kanya ni Irene at Joy. Hihingi siya ng tulong sa kanila para sa mga insonteng Humans at Vampires na pinarurusahan ni Lay. Hindi niya mabuksan ang pinto dahil sa mga wala itong kahit anong doorknob may isang malaking bintana lang ito na mataas, isang kama at mesang maliit.

"PALABASIN NIYO AKO!" pinipilit katukin ni Luhan ang pinto, ng biglang bumukas ito pero walang kahit sino siyang nakita na nagbukas ng pinto. Automatic itong bumukas para sa kanya, lumabas si Luhan unang tapak palang niya kinilabutan na siya sa lamig ng buting sahig. Pinagmasdan niya ang paligid niya purong puting hallway lang ang nakikita niya, hanggang sa naramdaman niya na nag iba yung tinatapakan niya. Naging green na damo ang tinatapakan niya kaya tumingin siya sa paligid at naging luntian ang mga ito, nakita niya ang isang community ng mga sorceress. Napapaligiran ang lugar ng mga puno, halaman, isang falls sa gilid at mga bulaklak, parang isang paraiso yan ang naisip ni Luhan.

"I think I'm already dead" bulong ni Luhan habang pinagmamasdan ang paligid.

"Welcome to Enchantress Forest, Luhan" Lumapit si Irene kay Luhan "I am Irene, Queen of Enchantress." pakilala ni Irene, namangha si Luhan dahil biglang may koronang magically appeared sa ulo nito, may mga puting diamonds ito sa paligid na talagang kumikinang kapag nasisinagan ng araw.

"hindi pa rin talaga ako makapaniwala na isang Reyna ang classmate ko na laging nag yayaya sa akin mag videoke." mabilis na sabi ni Luhan.

Napangiti lang si Irene habang inaalala yung mga magagandang bagay na nagawa niya habang binabantayan niya si Luhan. Para sa kanya ang videoke ang pinaka paborito niya.

"anyway gusto kong umalis dito.."

"bakit? delikado na ngayon sa labas, panigurado akong mas malakas na si Lay ngayon na sumapi na sa kanya si Kris ang leader ng mga Devamp."

"pero paano yung mga kaibigan ko, at yung mga ibang tao at vampires?"

"Luha,  sana ay naiintindihan mo kaming mga sorceress, hindi namin gusto na magulo at sumali sa kahit anong gulo..mas gusto namin ang mabuhay sa peaceful and full of harmony like this place."

"akala ko ba gusto niyong bumawi sa mga nagawa niyo sa vampires, I think this is the time to do that please help them.."

Tumingin si Irene sa mga sorceress na ngayon ay nakatingin na sa kanila ni Luhan. Hindi niya kayang mawala ang mala paraisong lugar na ito at ayaw niyang may mamatay na kahit isa sa kanila. Yun nga ang naging dahilan nila kaya lumayo na sila sa mga Humans, Vampires at Demons para umiwas sa mga gulo at hindi niya hahayaan mawala ang kapayapaan sa kanila.

Tumingin si Irene kay Luhan.
"Luhan, this is our paradise and look around you this is my people..hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanila na masama matagal na kaming tumalikod sa kasamaan at ayaw na namin bumalik sa pagiging marahas. I'm sorry Luhan, but I can't grant your request." sabi Irene.

"Then let me go..because out there is my people and friends as well..like you hindi ko din sila pababayaan."

"Luhan, hindi pwede...masyadong malakas ang mga kalaban mo hindi mo sila kaya.."

"but atleast I tried to save them.."

"what if mapatay ka nila? hindi mo ba naisip na ang pag-stay dito ang last resort mo kung ayaw mong mamatay at magwagi ang kadilim sa mundo." hindi na nakaimik si Luhan dahil tama ang mga sinabi ni Irene, pero naawa siya sa mga Human at Vampires lalo na sa mga kaibigan niya na kasalukuyang nahihirapan ngayon. At the same time gusto pa rin niyang makita si Sehun for the last time. "oh baka may iba ka pang dahilan kung bakit gusto mo talagang umalis?" dagdag ni Irene.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Where stories live. Discover now