Kabanata IX

83 9 0
                                    

Sa Vampire's HQ

Paggising ni Luhan agad niyang kinusit mga mata sabay tumingin sa orasan na nasa pader. Pansin niya na napahaba ang tulog niya.

Tumingin sa paligid si Luhan napansin niya ang isang tray na pagkain na hindi niya nagagalaw.

"Anong araw na ba?"  tanong ni Luhan sa sarili.

Bigla namang bumukas ang pinto at nilabas nito si Baekhyun na may dala dalang bagong set ng pagkain para kay Luhan.

"O!gising ka na pala!" masayang sabi ni Baekhyun, sabay lapag ng tray sa mesa tapos umupo siya sa kama at tumingin kay Luhan. Napaisip si Luhan kung winter na ba? dahil ngayon lang niya nakitang naka-turtleneck sweater si Baekhyun. Dahil summer pa lang nung nakatulog siya. "3 days ka ng tulog, okay na ba yun?"

Naputol sa pagiisip si Luhan dahil sa sinabi ni Baekhyun.
"3 days?! seryoso?" gulat na sabi ni Luhan.

"Oo, at 3 days na ring napapanis ang pagkain mo" tumawa si Baekhyun ng mahina. "pero wag kang magalala okay pa rin ang lahat wala pang nakakaalam na nandito ka" malumanay na sabi ni Baekhyun.

Napansin ni Luhan ang pagiging matamlay nito, ibang iba sa Baekhyun na nakilala niya bago siya makatulog.

"okay ka lang ba Baek?" nagaalalang tanong ni Luhan.

"Oo okay lang" ngumiti siya pero alam ni Luhan na may bumabagabag kay Baekhyun, nag-try basahin ni Luhan ang iniisip niya pero clear lang ang thoughts ni Baekhyun halatang pinaghandaan niya.

"kumain ka na" sabi ni Baekhyun bago tumayo at kuhain yung mga lumang pagkain na nakatray tapos diretso lang siyang umalis.

Bumaba sa kama si Luhan, nakita niya ang isang pamilyar na maleta, binuksan niya ito nakita niya ang mga gamit niya.

"Luhan!" gulat na bumungad si Kyungsoo nung mabalitaan niyang gising na si Luhan.

"KYUNGSOO! Bakit?"

"wala lang gising ka na pala..oo nga pala pumunta kami sa bahay niyo para ikuha kayo ng mama mo ng gamit" nung nabanggit ni Kyungsoo ang Mama ni Luhan agad siyang nag alala dito.

"kamusta si Mama?" agad na tanong ni Luhan.

"okay naman, stable pa rin siya, wag kang mag alala nandito si Doctor Minseok para bantayan siya." nakahinga ng maluwag si Luhan, buti nalang talaga nandyan si Doc Minseok. "okay ka lang ba? may iba ka bang kailangan?"

"ah wala na, okay lang ako...pero nag aalala ako para kay Baek, nandito siya kanina pero parang may problema siya, okay lang ba siya?"

Napabuntong hininga lang si Kyungsoo.
"napansin mo rin pala, simula kasi nung bumalik siya para mag-rounds sa paligid ng HQ three days ago naging ganyan na siya minsan nga  tulala pa siya..tinatanong ko siya pero sinasabi niya okay lang daw siya, hindi ko mabasa iniisip niya kasi sobrang blanko niya kapag kausap ko siya."

"hmmm, sobrang unusual naman nun." pagtataka ni Luhan. Wala naman din magawa si Kyungsoo kung ayaw ni Baekhyun magsabi sa kanya kaya hinahayaan na muna niya ito hanggang sa maging ready na siya mag open up ng problema niya.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Место, где живут истории. Откройте их для себя