Kabanata XXV

64 6 0
                                    

D-13 before the 30th sunrise

Makalipas isang gabi natapos rin ang pag paparusa kay Kyungsoo, Kai, Chen, Chanyeol at Sehun. Iniwan na sila ng mga Devamps at ni Tiffany. Wala na ang mga kadena nila sa kamay at paa, pero kahit naman wala ang mga ito hindi pa rin nila kayang makatakas dahil sa pagod at gutom nila.

Ubos nila ang pag asa nilang makatakas pero isa lang ang pwede nilang magawa yun ay ang maghintay sa mangyayari.

Tumayo si Kai para lapitan si Kyungsoo na nakadapa sa malamig na sahig, sira na ang mga damit nila sa likod dahil doon lahat ang tama ng mga latigo sa kanila. Nakapikit na si Kyungsoo habang mabibigat ang bawat paghinga, sa kanilang dalawa ni Kai si Kyungsoo ang mas malala ang sugat sa likod. Tinulungan niyang makaupo si Kyungsoo habang maingat na pinayakap niya sa sarili katawan, pinahinga ni Kyungsoo ang ulo niya sa balikat ni Kai. Hindi kayang tignan ni Kai ang mga sugat sa likod ni Kyungsoo.

"I'm sorry" bulong ni Kai sa tenga ni Kyungsoo, hinalikan nito ang sintido nito, nagsisisi na siya na iniwan niya sa Kyungsoo.

Kumilos na din si Chen para puntahan si Minseok, binuksan niya ang selda nito at agad na chineck yung likod niya dahil hindi pa naghihilom yung dati niyang sugat nadagdagan nanaman ulit ang mga ito.

Pinuntahan din ni Baekhyun si Chanyeol na nakadapa sa tabi ng magkayakap na si Kyungsoo at Kai.
"Huy chanyeol gumising ka dyan!" tinapik ni Baekhyun ang pisngi nito para magising at agad naman na umupo si Chanyeol at ininda yung sakit na nanggagaling sa likod niyo.

"AAAH!" sigaw ni Chanyeol, dahil bukod sa sugat na iniwan ng Demons na hindi pa nagaling nadagdagan nanaman ito ng bagong sugat.

"oh sh!t! okay ka lang ba?" nagaalalang tanong ni Baekhyun habang tinitignan yung mga sugat sa katawan ni Chanyeol. Natuwa naman si Chanyeol dahil sa tingin niya hindi masyadong marami yung sugat na nakuha ni Baekhyun. Tumingin si Baekhyun sa mukha ni Chanyeol at nakita niyang nakangiti ito kaya tumingin siya ng masama dito.

"bakit nakangiti ka pa dyan?"

"wala naman, okay ka lang ba?"

"of course hindi!" masungit nitong sagot, tumayo si Baekhyun na siyang inalalayan naman ni Chanyeol ang braso niya para makatayo.

"nasaan ba talaga si Luhan?" tanong ni Sehun.

"walang nakakaalam kahit isa sa amin, bigla nalang siyang nawala nung dumating si Lay at Kris sa bahay ko." sagot ni Chanyeol, napabuntong hininga nalang si Sehun at nag alala sa mga nangyayari.

*****

"okay lang ba siya?"

"check mo baka patay na siya?"

"ano ka ba? tignan mo nahinga pa siya!"

"hayaan nalang natin siya, kailangan niya ng pahinga!"

Nagising ang diwa ni Luhan nung may narinig siya maliliit na boses ng babae, kahit nakapikit siya nakikita niya na maliwanag ang lugar na kung nasaan siya. Kaya tinakpan niya ang mata niya gamit ang mga palad niya bago dumilat. Nagtaka siya dahil sobrang liwanag ng lugar nakasuot nalang siya ng boxer at hospital gown.

《 A/N: witwiw wow legs ni Luhan!! IM SORRY IM SORRY HAHAHA! 》

'patay na ba ako'

isip ni Luhan dahil base sa mga nababasa niya sa libro ganito daw ang itsura ng langit. Nawala sa pag iisip si Luhan nung makita niya ang dalawang babae sa isang tabi.

"Irene? Joy?" bigkas ni Luhan nung makita niya ang mga dating classmate, ngumiti ang dalawang babae dahil sa wakas gising ang binabantayan nila.

"Hi Luhan!" bati ni Joy habang kumakaway ng konti.
Na mangha si Luhan dahil ngayon lang niya nakita si Irene at Joy na nakasuot ng isang magandang damit na parang mga diwata may mga flower crowns sila sa ulo may magagandang accessories. Mula ulo hanggang paa kapwa kumikinang ang magkaibigan.

《A/N: Red Velvet ang may ari ng mga brilyante ng encantadia HAHAHAHA JOKE LANG JOKE LANG! HAHA!》

"Nasaan ako? nasaan ang mga kaibigan ko?" tanong ni Luhan, umupo siya sa kamang hinihigaan niya.

"wala ka bang naaalala?" tanong ni Irene, umiling lang si Luhan at pilit inaalala ang mga nangyari bago siya mapunta sa lugar kung nasaan siya "your friends were taken by demons, sorry but we don't have the rights to save them..we only care is you Luhan"

Gulong gulo ang isip ni Luhan dahil sa mga sinasabi ni Irene.

"ano bang mga sinasabi niyo? pati ano yang mga suot niyo? sino ba talaga kayo?" sunod sunod na tanong ni Luhan.

"we are Sorceress at nandito ka sa Enchantress Forest" nagulat si Luhan dahil sila ang sumumpa sa mga Vampires, pinilit niyang lumayo sa kanila pero nahulog siya sa kama. "are you okay? wag kang mag alala we are GOOD sorceress." lumapit si Irene at Joy kay Luhan para tulungang makatayo, nahawak niya ang mga kamay nito malambot at nakakalma ang awra ng dalawa. Umupo ulit si Luhan sa kama at tumingin sa kanila na puno ng pagtataka.

"we've been watching you and protecting you from demons, we get along with Humans and as much as possible to you, pero we trusted too much Vampire and Demons to be around you kaya ngayon it's time for us to move..nung nakita namin na malapit ng lumapit ang mga pinuno ng demons sa bahay ni Chanyeol gumawa kami ng paraan para makuha ka namin." explain ni Irene.

"pero bakit niyo ginagawa 'to? di ba kalaban kayo ng mga Vampires dahil kayo ang gumawa ng mga Vampires, kayo ang sumumpa sa amin?"

"let's say to ask for forgiveness in what our ancestors did from the past, our generation change a long time ago...kaya nung nalaman namin na ikaw ang may kakayahang makapigil sa propesiya, bumuo na kami ng mission para maging ligtas ka lagi."

Nalinawan na si Luhan sa mga nangyayari pero hindi pa rin mawala sa isip niya na mag alala sa mga kaibigan niya at ang mga tao at Vampires na pinahihirapan ni Lay.

"kaya simula ngayon mag stay ka na dito, ligtas ka dito hanggang dumating ang 30th sunrise." sabi ni Irene.

"pero paano yung mga kaibigan ko? yung mga insonteng tao at Vampires na nasa labas?" nagaalalang tanong ni Luhan.

"I'm sorry Luhan wala kaming maitutulong sayo about dyan, ang mission namin ay protektahan ka lang...I need you to stay here!" explain ni Irene.

"while innocent people is being killed out there!" sigaw ni Luhan, hindi siya makakapayag na walang ginagawa habang nahihirapan ang mga kaibigan niya sa labas.

"Luhan, ito rin ang gusto ng mga kaibigan mo, ito rin ang gusto nilang gawin mo..ang maghintay" yan ang huling sinabi ni Irene bago sila umalis ni Joy palabas sa puting kwarto ni Luhan.

Kahit anong pilit na kumbinsi ni Luhan na magtiis sa mga nangyayari ay hindi niya magawang hindi mag alala sa mga nilalang sa labas. Para siyang nababaliw sa kakaisip na sana bumilis ang araw para matapos na ang lahat, pero biglang sumagi sa isip niya si Sehun dahil hindi niya ito makikita bago siya mawala. Iniisip pa lang ni Luhan na hindi na niya makikita ang binata ay nanlulumo na siya.

Nahiga muna si Luhan sa kama at huminga ng malalim at pinikit ang mga mata para ikalma ang sarili.

*****

Selucent's 2018 notes:

Another Update today! eto na si Luhan kanina niyo pa hinahanap eh HAHAHA! THANK YOU SA PAGBASA!

Kita tayo sa susunod na kabanata!
Don't forget to vote and send some feedbacks! FOLLOW ME AND LETS BE FRIENDS! Thank you! ♡

Love, selucent.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon