[M] Kabanata X

103 9 0
                                    

Note: the following content is rated SPG, includes explicit scenes which may not suitable for young audiences. Read at your own risk and open mindedly.

*****

Alam ni Sehun ang gagawin niya ay labag sa protocol na binigay ni Lay bago nila sinugod ang Vampire's HQ. Hindi na niya kaya ang kamuhian ng mga Himan at Vampires, pagod na siya na maging kalaban sa paningin ng lahat.

Alam niya kapag tinulungan niya si Luhan at natuloy ang propesiya kasama siya, si Kai at ang Kuya niya na mawawala. Hindi na tama ang mga nangyayari, masyado ng maraming inosente ang nadadamay para lang mabuhay ang pinili ni God Universe na mawawala.

"SEHUN SAAN KA PUPUNTA?" sumama lang naman si Sehun sa pagsugod dahil para mailagtas si Luhan sa kamay ng kapatid niya at sa mga Demons na gusto siyang patayin.
Nilabas ni Sehun ang mga pakpak niya nago ito tuluyang lumipad, sinawalang bahala ang mga tanong ni Kai.

'I will not let them break the prophecy'

"SEHUN!" tinawag ni Kai si Sehun dahil sa pag aakalang nawawala na sa sarili si Sehun. Lumipad si Kai para harangan si Sehun. "NABABALIW KA NA BA? ITUTULOY MO TALAGA ANG PLANO MO? NAPAKA MAKASARILI MO NAMAN!" Tumigil si Sehun sa paglipad dahil sa pagharang ni Kai.

"Kai, umalis ka jan...ililigtas ko si Luhan" tinulak ni Sehun si Kai at mabilis na lumipad papunta sa likod na parte ng Vampire's HQ, pumunta siya sa isang parte ng HQ na may wasak.

Nakita niya si Lay kaya nagtago sa isang puno, hindi niya kakayaning laban si Lay ang mahalaga mailigtas muna niya si Luhan.

Nakita niyang may kausap si Lay at mabilis na pinatay ito. Walang alam si Sehun na may pinatay si Lay sa loob kaya nung umalis ito at nung pumasok siya sa parteng yun ay laking gulat niya nung may nakita siyang isang babaeng nakadapa at hindi lang siya basta basta babae, siya si Levin ang dating namumuno sa mga Humans. Lumapit si Sehun kay Levin, pinulsuhan niya ito pero wala na itong buhay.

Hindi makapaniwala si Sehun na pinatay niya ang dating pinuno ng mga Humans.

Nakaramdam ng Vampire sense si Sehun at narinig din niya ang pagkatok na nanggagaling sa closet. "tulong..aah"

Narinig ni Sehun ang boses ni Luhan kaya agad niyang binuksan yung pinto ng closet at bumungad sa kanya ang takot na takot ito.
"luma—lumayo ka sa akin" tinulak siya ni Luhan at nanghihinang lumabas at umiyak nung makita niya ang babaeng nakahiga sa sahig.

Takang taka si Sehun kung bakit tinawag niyang 'Mama' si Levin. Napag isip isip ni Sehun na kung Mama ni Luhan si Levin, ibigsabihin ay apo si Luhan ni God Universe. At yun na rin ang dahilan kung bakit siya ang napili bilang tagapag ligtas.

Nakarinig ng mga yabag ng paa na papalapit sa kanila si Sehun kaya agad niyang inalalayang makaupo si Luhan.

"ililigtas kita" yan ang pinangako ni Sehun kay Luhan nung sinabi niya ang mga salitang yun. Mabigat ang bawat paghinga ni Luhan at napansin ni Sehun na hirap na hirap na itong huminga kaya dinala na niya ito sa safe house niya, pinagawa ito ni Sehun para sa sarili niya dahil kapag nahihirapan siya at gustong mapag isa ito ang unang lugar na pinupuntahan niya. Para sa kanya safe haven niya ang lugar na ito. Malayo sa realidad, malayo sa lahat.

Hindi alam ang gagawin ni Sehun kay Luhan, nakahiga ito sa pahabang upuan pero mabigat pa rin ang bawat pag hinga niya. Pawis na pawis siya kahit na sobrang lamig ng lugar.

Sigaw ng sigaw si Luhan habang nakahawak sa tyan niya at parang doon nanggagaling ang sakit.

"Luhan nagugutom ka ba?" hindi sumagot si Luhan pero binase ni Sehun sa kinikilos niya na nagugutom ito. "saan ako kukuha ng dugo?" bulong ni Sehun sa sarili, kahit siya nag papanic na rin.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Where stories live. Discover now