Kabanata XXII

70 6 0
                                    

D-15 before the 30th sunrise

Hanggang ngayon nawawala pa rin si Kai at Kyungsoo, kaya naglakad lakad sila at sinundan ang ilog hanggang sa mapunta sila sa isang highway na wala namang dumadaan na mga sasakyan.

"hindi mo na ba talaga kayang lumipad or mag teleport?" tanong ni Kyungsoo habang naglalakad sila sa highway.

"oo nga hindi ko alam kung bakit pero parang nawawala na yung mga kapangyarihan ko." basta paggising ng umaga ni Kai hindi na niya maramdaman ang pakpak niya sa likod pati kakayahan niyang makapunta sa ibang lugar nawala na. "bakit ba kayong mga vampires wala kayong kapangyarihan na tulad namin."

"we are all human, kaming mga vampires cursed lang naman kami na dugo lang ang hahanapin namin at maging imortal para maging pagkain namin ang mga Humans kaya wala naman kaming ibang kakayahan kundi basahin ang isip ng isat isa"

"aaaaah, ganun pala? pero kaya mo bang basahin ang iniisip ko?" tumigil sila sa paglalakad tumingin si Kyungsoo sa mga mata ni Kai para mabasa ang iniisip niya.

Dumilim na ang paligid dahil sa ulan na marahil ay malapit nang bumuhos.
"hindi ko kaya" sabi ni Kyungsoo. "ano bang iniisip mo?" tanong ni Kyungsoo.

"wala," tumingin si Kai sa malayo dahil may nakita siya na isang cabin "uy may bahay oh tara dun nalang tayo mag stay malapit ng umulan" hinawakan ni Kai ang kamay ni Kyungsoo tapos tumakbo sila papunta sa isang bahay na nakatayo sa tabi ng daan. Kumatok sila kaso walang tao rito, chineck din lahat ng pinto ni Kyungsoo walang natira sa loob.

Sakto naman bumuhos ang napaka lakas na ulan, pagkulong at pagkidlat kaya na stuck nanaman silang dalawa sa bahay. Walang kuryente ang bahay kaya tanging ilaw mula sa kandila ang nagbigay liwanag sa kanilang dalawa.

"okay ka lang ba Kyungsoo?" lahat ng kinatatakutan ni Kyungsoo nasa iisang lugar ang kulog, kidlat at ulan.

"this sounds pity but takot talaga ako sa ulan, kulog at kidlat!" tumawa ng konti si Kyungsoo tapos lumapit siya kay Kai habang nakaupo ito sa sofa.

"ano pa bang kinatatakutan mo?" tanong ni Kai sumandal ito at pinagmasdan lang ang likod ni Kyungsoo.

"wa-wala na" sagot ni Kyungsoo. "ikaw ba? may kinatatakutan ka ba?" tanong ni Kyungsoo, pinakikiramdaman lang nito ang bawat paghinga ni Kai.

"sa ngayon, magmahal yan ang kinatatakutan ko"

Natawa naman si Kyungsoo dahil sa sinabi ni Kai, dahil para sa kanya yun na ang pinaka lame na narinig niya.
"magmahal? bakit naman?" natatawang tanong ni Kyungsoo.

"takot akong ma-attach sa mga bagay at ayokong ma attach ang mga bagay sa akin, lalo ngayon na malapit na akong mawala..I want to leave no trace at all." hindi na napigilan ni Kyungsoo ang umiyak dahil sa mga sinabi ni Kai na realize niya na kapag nawala ito ay may malaking parte ng buhay niya ang mawawala.

"ayaw mo palang mag leave ng kahit ano, bakit mo pa sinabi na may gusto ka sa akin? hindi ka ba natakot na baka mainlove ako sayo?"

Tumawa lang si Kai, hindi pa rin niya napapansin na umiiyak na si Kyungsoo.

"ikaw na may sabi na hindi ka maiinlove sa katulad ko, Demon"

Natawa naman si Kyungsoo dahil naalala niya ang sinabi ni Baekhyun na wag siyang mag salita ng tapos, ito na nga yung sinasabi niya.

"bwiset" pinunasan ni Kyungsoo ang mga luha niya sa pisngi tapos lumingon siya kay Kai para makita nito na nasasaktan siya.

"huy bakit ka umiiyak?" napaangat si Kai at agad na pinunasan ang mga luha ni Kyungsoo.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora