Kabanata II

121 10 0
                                    

"kaibigan o pinilit mo lang siya?" sabi ni Baekhyun sa kaibigan niyang si Kyungsoo. Binalita niya na nakipag kaibigan na siya kay Luhan.

"nakausap ko lang siya saglit, siguro okay na yung simula." Sabi ni Kyungsoo.

"pakilala mo ako sa kanya bukas ha? bakit kasi di mo ako sinama kanina." gusto man ni Kyungsoo na isama niya si Baekhyun kanina pero hindi talaga pwede dahil alam niya kung gaano ka daldal ni Baekhyun baka mas lalo pang lumayo so Luhan sa kanila.

Ang dahilan kung bakit gusto nilang mapalapit kay Luhan dahil si Lujan ang susi. Siya ang may kapangyarihan na makapipigil sa propesiya. Kaya naman gusto nilang makuha agad ang loob ni Luhan.

Natigil sa paglalakad si Baekhyun habang hinihimas ang tyan niya.
"Kyung nagugutom ako"

Napa rolyo nalang ng mata si Kyungsoo dahil kahit kailan talaga hindi kayang magpigil ni Baekhyun.
"umuwi na tayo, sa dami ng tao na nakapaligid sa atin baka di mo pa mapigilan ang sarili mo."

"hindi sa gusto ko ng dugo ngayon, pagkain ng mga tao ang gusto ko.. burger." sabi ni Baekhyun na may nakakalokong ngiti kay Baekhyun.

Pero bigla nagiba ang pakiramdan nilang dalawa dahil sa isang malakas na pwersa na agad nilang naramdaman. Sigurado silang dalawa na mga demons ang nasa paligid nila at hindi na sila nakapagtataka dahil madalas silang gumala sa kalaliman ng gabi katulad nito para humanap ng mabibiktima.

"Tignan mo nga naman, little vampires are here." Sabi ni Kai, isang Demon at kasama nito ang kaibigan niyang si Sehun.

Matagal ng kilala ni Kyungsoo at Baekhyun ang dalawa dahil sila ang mga alagad ni Lay ang pinuno ng mga Demons.

"Kai tara na." sabi ni Sehun habang nakahawak sa balikat ni Kai.

"alam mo Sehun kanina mo pa ako pinipigilan, pati yung sa cute na nagbabantay ng tindihan kanina pinigilan mo ako, makikipagkilala lang naman ako."

Nagtaka si Kyungsoo sa sinasabi ni Kai medyo sumama ang pakiramdam niya tungkol dito.


"wala talaga kayong dala no? pag nalaman ng mga tao nandito kayo for sure..deads kayo!" sabat naman ni Baekhyun, napansin na ni Kyungsoo na tumaas ang tensyon nila kaya kinalabit niya sa balikat si Baekhyun para pigilan to. Hindi nila kayang makipaglaban sa mga Demons lalong lalo na ngayon na may mission silang pangalagaan si Luhan.

"bakit? kayo din naman? kaya kayo nasa labas kasi you guys are looking for a blood to suck!" sabi ni Kai, nanlisik ang mga mata habang nakangisi pa ito.


"for your information burger! kakain kami ng burge—" tinakpan agad ni Kyungsoo ang bibig ni Baekhyun dahil nagbabadya na talaga ang away nilang dalawa ni Kai. Hinila niya si Baekhyun papunta sa isang convenient store.

Pagpasok nila agad niyang binitawan si Baekhyun para sermonan.

"Baek pwede tigilan mo na yung pakikipag sabatan kay Kai, alam mo namang walang kontrol ang isang yun."

"ikaw man sabihan niya ng 'little vampire' di ka maiinis!" nag cross arm siya. "di kami close!"

Napailing nalang si Kyungsoo, napatingin sila sa paligid ng convenient store nagtaka sila dagil walang tao sa loob.

"nasaan yung nagbabantay dito?" pagtataka ni Baekhyun habang naglakad silang dalawa sa paligid ng store.

"hindi kaya may ginawa yung dalawang yun." hula ni Baek, pero iba ang pakiramdam ni Kyungsoo. May naamoy siyang Vampire?

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Kde žijí příběhy. Začni objevovat