"kaya ko na 'to" tuluyan ng umalis si Yoona ayaw na niyang magtagal sa lugar ng mga kalaban niya, para sa kanya enough na nailigtas niya si Queen Yeri para makatulong sa pagkawala ng mga Demons sa mundo. At ang pagkasira ng samurai niya ang sign na kailangan na niyang tumigil at tanggapin na mawawala na ang lahi niya na never niyang ginustong mapabilang.

*****

"Sehun?" sabi ni Yeri, yan ang una niyang nabanggit pagdilat pa lang mga mata niya. Nakita niya si Sehun na naka cross arms habang nakatayo sa dulo ng kamang niya, nagtataka si Yeri kung nasaan siya at kung bakit seryoso ang tingin sa kanya ng demon.

"Queen Yeri may alam ka ba kung nasaan si Luhan?" tanong ni Sehun hindi na siya makapag hintay pa dahil gustong gusto na niyang malaman kung nasaan si Luhan.

Umupo si Yeri at tumingin sa paligid.
"teka nasaan ba ako? nasaan yung kasama ko?"

"PWEDE SAGUTIN MO NALANG AKO KUNG NASAAN SI LUHAN!" nagulat at natakot si Yeri sa pagsigaw ni Sehun. "YERI!" hinampas ni Sehun ang footboard ng kama ni Yeri kaya muli itong nagulat at natakot. "SABIHIN MO NA KUNG MAY ALAM KA!" napapikit si Yeri habang yakap yakap ang mga tuhod at nakasiksik siya sa headboard ng kama niya sa takot.

"SEHUN!" napadilat si Yeri nakita niya si Minseok na lumapit sa kama niya "Sehun ano ka ba! tinatakot mo siya!" sabi nito kay Sehun para ipalam sa kanya na hindi nadadaan sa sigaw at galit ang lahat.

"pasensya na Queen Yeri...stress lang siya paghahanap kay Luhan, pero okay ka na ba?" tumango lang si Yeri at umupo sa kama.

"sorry..." sabi ni Sehun nung na realize niya nadala lang siya ng galit niya at nung nakita niya na natakot si Yeri sa kanya. Na mimiss na kasi talaga niya si Luhan at gustong gusto na talaga niyang makita si Luhan.

"o-okay lang.." sabi ni Yeri. "si Luhan" tumingin si Minseok at Sehun kay Yeri hinintay kung anong information about kay Luhan ang sasabihin niya "nakausap ko si Luhan nung isang araw..pero ngayon ko lang nalaman na may kapanyarihan akong kunausap ng mga nilalang kahit sa isip lang"

"sabi ni Luhan nasa lugar siya ng mga Devamp" nakahinga si Sehun ng maluwag ng malaman niya na buhay pa si Luhan. "humihingi siya ng tulong...humingi ako ng tulong sa mga ate ko pero hindi nila ako pinakinggan kaya ako nalang ang naghanap sa inyo kasi alam ko kung buhay pa si Queen Irene ito din ang gagawin niya..kaso hindi niya ako kasing galing" tumulo ang mga luha ni Yeri dahil sa mga kapalpakan na nagawa niya at sa gulong nangyari sa kanya "hi-hindi ko talaga kaya na lumaban kahit para kay Luhan at sa sarili ko..."

"Queen Yeri" sabi ni Sehun tumingin si Yeri kay Sehun na puno ng luha ang mga mata, sa isip isip ni Sehun parang bata si Yeri sa pag iyak niya pero "Ikaw ang pinaka matapang na Sorceress na nakilala ko"

Nagliwanag naman agad ang mukha ni Yeri sa sinabi ni Sehun.
"Ta-talaga?" sabi nito habang sumisinghot singhot pa.

Tumango naman si Sehun at ngumiti.
"hmm, dahil sa sinabi mo binigyan mo kami ng pag asang mahanap si Luhan..kaya thank you for helping us! I owe you big time Queen Yeri!"

Umiyak ulit si Yeri dahil sobrang saya niya na nakatulong siya kay Luhan at alam niya na masaya si Irene sa accomplishment niya.

Umalis na si Sehun para ipaalam sa mga Demons ang nalaman niya kay Luhan. Iniwan nalang niya si Yeri kay Minseok.

"alam niyo ba kung nasaan yung kasama ko kanina?" tanong ni Yeri kay Minseok pagkatapos niyang umiyak.

"ah si Yoona ba? umalis na siya..ayaw mag papigil eh."

"so Yoona pala name niya, hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya sa pagtulong niya sa akin." sabi ni Yeri habang nakasimangot at nanghihinayang na hindi nakilala ang magandang demon.

"ah oo nga pala..pwede bang mag stay nalang ako dito?"

"ha? bakit naman?" nagtatakang tanong ni Minseok dahil sa pagkakaalam niya may bagong tirahan ang mga sorceress.

"ah well you see...I kinda runaway kaya hindi na akong pwedeng bumalik sa amin hehe" napakamot nalang ng ulo si Yeri habang tumatawa.

"ah ganun ba? okay lang na dumito ka nalang..." napangiti si Yeri.

"excuse me?"

"Yoona!" sigaw ni Yeri tapos tumakbo siya palapit kay Yoona at niyakap ito, masaya siya makita ulit ang taong nagligtas sa kanya. "ah Minseok!" lumingon si Yeri kay Minseok na gulat na gulat sa paghawak sa kamay niya nito. "pwede ba dito nalang din si Yoona!"

"ah hindi hindi ako pumunta para magtagal dito..mag thathank you lang ako sayo Queen Yeri sa paggamot mo sa akin." lumingon si Yeri kay Yoona.

"okay na yun!" tapos lumingon ulit si Yeri kay Minseok.

"alam mo ba Minseok, magaling makipaglaban si Yoona...SHE KILLED NINE DEVAMPS!" nagulat din si Minseok sa sinabi ni Yeri at the same time namangha sa ginawa ni Yoona.

"I can only do that If I have my samurai..hindi ko na magagawa yun." nalungkot si Yoona dahil naalala nanaman niya ang pagsira ng devamp sa samurai niya.

"ano ka ba! wag mo ng isipin yun I believe magagawa mo pa yun kahit walang samurai ang galing mo kayang makipaglaban..like this" sumipa sipa at suntok si Yeri sa ere na ginagaya ang mga moves ni Yoona.

Napailing at natawa nalang si Yoona at Minseok sa ginagawa ni Yeri.

*****

Selucent's 2018 notes:

HAYAN ALAM NA NI SEHUN! OMG! HAHAHA! EXCITED NA AKO SA NEXT CHAPTER! I HOPE YOU LIKE TODAYS CHAPTER!

Kita tayo sa susunod na kabanata!
Don't forget to vote and send some feedback! Thank you!

Love, selucent.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Where stories live. Discover now