"oo nga" bumuntong hininga ulit Kyungsoo bago mag ready umalis.
"sige alis na ako Luhan, kung gusto mong dalawin ang Mama mo okay lang naman basta bumalik ka agad dito okay?"

Tumango lang si Luhan at ngumiti.
"Thank you, Kyungsoo."

Ngumiti lang si Kyungsoo bago tuluyang umalis, naghanda naman si Luhan para madalaw na niya ang Mama niya sa infirmary.

Laking gulat ni Luhan nung makita niyang nakaupo na ang Mama niya sa kama nito, malayong malayo sa huling kita niya dito.

"Ma, okay na ba kayo?"

"oo anak, ikaw? ayos na ba yung tulog mo?" hinawakan ni Luhan yung kamay niya at ngumiti.  "anak lagi kang mag iingat ha? kapag wala na ako marami ng poprotekta sayo dito, dahil nandito ka na sa lugar na nababagay sa atin." paalala ng Mama niya, dahil sa lumipas na tatlong araw nakita niya kung paano nila alagaan si Luhan at siya mismo.

"Ano bang pinagsasabi mo Ma? bakit parang nagpapaalam ka na? walang mawawala okay?" niyakap ni Luhan ang Mama niya at niyakap siya nito pabalik at sa unang pagkakataon naramdaman ni Luhan ang yakap ng isang ina.

"I love you anak."

"I love you too Ma."

Sobrang saya ni Luhan walang mapagsidlan. Sinamahan ni Luhan ang Mama niya sa infirmary hanaggang makatulog ito. Kinaumagahan sabay silang nag breakfast ng Mama niya at nagkwentuhan pa sila tungkol sa mga bagay bagay na madalas gawin ni Luhan nung mga bata pa siya.

"ALERT!ALERT!"

Naudlot ang kasiyahan ni Luhan nung marinig nila ang isang napakalas na ingay na nagmumula sa mga intercom ng kwarto nial. Napatakip silang dalawa sa mga tenga nila dahil sa malakas na tunog biglang bumukas ang pinto at lumabas si Kyungsoo.

"Luhan, mag stay lang kayo dito ha? secure ang lugar na 'to!"

"anong nangyayari Kyungsoo?" umaalingawngaw pa rin ang malakas na tunog sa paligid.

"Lumusob ang mga Demons at hinahanap ka nila!" sabi ni Kyungsoo.

Aalis na sana siya nung biglang pinigilan siya ni Luhan.
"HA? SAAN KA PUPUNTA!?" tanong ni Luhan, natataranta na siya.

"para protektahan ka, so I just need you to stay here! Understand?" sinara ni Kyungsoo ang pinto at sinicure ang paligid.

Nakaramdam ang Mama ni Luhan ng isang malakas na presensya, pinilit niyang bumangon sa kama sabay hinila niya si Luhan papasok sa isang closet at mabilis na tinulak ito sa loob.

"Ma anong ginagawa mo?!" sigaw ni Luhan, hindi maiwasan mataranta ni Luhan dahil sa ginagawa ng Mama niya kasabay pa ng kaguluhan na nangyayari sa labas.

"wag kang lalabas dito, wag kang magiingay" sabi ng Mama ni Luhan bago nito hinalikan ang noo nito. "I love you" sabi nito tapos ngumiti, sinarado ang pinto at agad na linock ang pinto.

"Anak wag kang mag iingay ha? please." sabi nito kay Luhan bago magkaroon ng napakalakas na pagsabog mula sa pader ng Infirmary.

Breaking the Prophecy [ EXO FANFIC ]Where stories live. Discover now