Chapter 37: Peaceful

45 2 0
                                    

Alyssa's Pov

Lumipas ang dalawang taon naging tahimik na ang buhay namin at heto kami ngayon Naglilinis kami ngayon ng bahay namin at ang kambal naman ay andun sa Bahay kasama nila mommy at daddy. Mabuti naman ay tumira na sila mama at papa sa ibang bahay, yung katabi ng bahay namin nila mom at dad para daw hindi masyadong malayo.

"Alyssa, kanino galing to?!" tanong ni Ash at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano ang sinasabi niya, naku patay na!

"A-ah ano kasi, nanggaling yan sa F-first love ko" nauutal na Sabi ko sa kanya lumapit siya sakin kaya napayuko ako nagulat ako nang bigla niya ako hinalikan pero bakit?

"Hi Ella, nice to meet you" Sabi niya sakin habang hapit niya ang baywang ko. "Ikaw si Luke? Pero pano?!" nagtatakang tanong niya. "Teka sandali I have something for you" Sabi niya sakin at kumaripas ng takbo sa kwarto naming dalawa. Siya ang first kiss ko? At siya rin ang First Love ko?

Nang makabalik siya "Tumalikod ka may isusuot ako sayo" Sabi niya sakin kaya sinunod ko siya nang maisuot niya ito sakin. Ito ang kwintas na nawala ko nung dati!

*****flashback*****

"Halika ka anak, punta tayo ng jewelry store bibilhin natin ang nawala mong kwintas siguradong nandyan yan" Sabi ni mommy sakin habang hawak-hawak ang aking kamay. Ilang oras palang ang nakalipas bago kami nagkita ni Luke.

"Yehey!!" tuwang tuwa ako nun dahil mabibili ko ulit ang kwintas na gustong gusto ko. Pumasok na kami sa jewelry store. "Ahm ma'am, pumili lang po kayo. Magaganda po ang mga jewelry namin" Sabi ng isang babae. "meron pa po ba yung kwintas na limited edition. Yung may A na pendant?" Tanong ni Mom sa babae.

"Yun na lang po ang last na necklace, nag iisa lang po siya dahil sa mga gemstones na nakalagay dun." Sabi ng Babae. "Anak sorry ha, wala na daw. Last na yun. Bibili na lang tayo ng bago" sabi ni mom. "Ayos lang naman mom. Bili mo nalang ako ng crinkles tsaka salted caramel na ice cream" sabi ko kay mom kaya napangiti ito.

*****End of the Flashback*****

"So you're luke?" tanong ko sa kanya na nakangiti at hinalikan niya ako. "Well, I was your first kiss" sabi niya at muli akong hinalikan. "Eh bakit Luke ang sinabi mo?" tanong ko sa kanya. "Eh ikaw bakit Ella ang sinabi mo?" tanong niya pabalik sakin. "Ah kasi bawal daw Sabi ni mom" Sabi ko sa kanya at hinalikan niya ako.

"Aly may sasabihin ako sayo" sabi niya sakin. "Naku Asul, wag mong sabihing may babae ka?! O di kaya may anak ka sa ibang babae?!" sigaw ko sa kanya na nakapamaywang. "Love naman, grabe ka Talaga sakin" sabi niya sakin na nakanguso.

"Tigilan mo ako Asul! Lalayasan Talaga kita!" Banta ko sa kanya. "Gagahasain muna kita" Banta niya sakin na nakangisi kaya pinalo ko siya sa braso niya.

"Naalala mo ba nung time na may gustong kumuha sayo, yung sa bahay niyo?" Sabi niya at may kinuha sa bulsa niya. "Remember this" yung Knife?!

"Wag mong sabihing ikaw rin yun?!" Sabi ko sa kanya habang nakahalukipkip ang mga braso ko.
"I guess we're meant to be" Sabi niya sakin habang papalapit at muli nanaman akong hinalikan.

"Planado na namin yun kasi narinig ko si dad na ipapadakip ka daw niya so I called The BADS" Sabi niya at muli nanaman akong hinalikan. Binuhat niya ako papuntang couch pero hindi niya hinayaang maputol ang halikan namin.

Inihiga niya ako sa couch ng marahan, pumaibibaw ako sa kanya nang biglang "Oy! Grabe Talaga si Miss beatiful at si Boss" nagulat ako dahil nandyan pala sila at kasama nila ang mga anak namin na tinatakpan ni Hades at ni Cara ang kanilang mga mata.

Muli nanaman akong hinalikan ni Ash "Hayaan mo na sila, baliw lang Talaga ang mga yan" Sabi niya at Muli nanaman akong siniil ng halik kaya nawala ako sa aking sarili.

"Tito Hades, why Asul kiss mommy?" tanong ni Ardie kay Hades kaya napabalikwas si Ash. "Shit!" Sabi ni Ash at tumayo. "Tss, of course Asul loves Mommy" sabi naman ni Ariea, Talagang matalino Talaga si Ariea kaysa kay Ardie.

"Jusko besy! Grabe Talaga kayo, yan tuloy nakita kayo ng kambal" Sabi ni Cara kaya napatakip ako sa mukha Ko. Nakakahiya!

Nilapitan ni Ash ang kambal "Asul, you have a lipstick on your mouth" Sabi ni Ardie, naramdaman ko naman na biglang uminit ang pisngi ko. "Love ko kasi yung mommy niyo kaya hinalikan ko siya" Sabi niya at ibinaling ang tingin niya sakin.

Pinahid niya ang mga kumalat na pisngi sa kanyang bibig "Sa Susunod kasi wag ka nalang maglilipstick" Sabi ni Ash sakin habang nakangisi.

"Diba dapat sa kama niyo yan ginagawa" Sabi ni Ariea samin kaya nanlaki ang mga mata ko. "Gray!" suway ko sa kanya kaya yumuko ito.

Lumapit si Ash at nag apir pa kay Ariea kaya nagkasalubong ang kilay ko "Where did you learned that?" tanong ko sa kanya. "Tito Hades" Sabi niya sabay turo kay Hades.

Binatukan ito ni Cara "Walanghiya ka! Pati bata tinuturuan mo!" Sabi ni Cara sa kanya kaya napakamot siya "Eh Tinanong niya kasi ako kung saan daw pumupunta sila Tita Ella at Tito Samuel habang naghahalikan sila, alangan naman na sagutin ko siya na sa bubong sila pupunta" paliwanag ni Hades.

Naku ang tanda-tanda na ng mga yun! Napa face palm nalang ako sa sinabi ni Hades at napatawa nalang sila.

Mabilis na lumipas ang Araw at nandito ako ngayon sa bahay namin ni Asul, kasama nina mommy, daddy, mama at papa.

"lola, lolo, ama, apa look at our drawing" Sabi ni Ardie kina lolo at lola nila.

Lolo at lola ang tawag nila kila mommy at daddy Samantala naman kina Mama at papa, Ama at Apa ang tawag nila.

Tinignan nila ang drawing ng mga ito. "Mommy and daddy are having a baby" Sabi ng kambal, nung una hindi pa nila naunawaan ng maayos ang sinabi ng kambal ng biglang na bilaukan si Ash "Buntis ka?" tanong ni Ash sakin na tila ba'y gulat na gulat.

Tumango ako kaya napasigaw sila mommy, agad naman akong hinalikan ni Ash. "Ahm, Asul. Diba Sabi ko sayo sa room niyo na yan gawin" Sabi ni Ariea kaya natigilan kami sa sinabi niya. "Gray, saan mo natutunan yan?" tanong ni Mom sa kanya.

"Kay Tito Hades, I asked him kung saan kayo pupunta ni lolo while you we're kissing" paliwanag ni Ariea sa kanila. "Yan kasi eh" singit ko sa kanila napaubo na lamang si Dad.

Foul Play Between LoveWhere stories live. Discover now