Chapter 26: An intense face off

42 2 0
                                    

Ashton's Pov

Mabilis na lumipas ang araw, nandito ako ngayon sa kotse. Alam kong wala akong rights na sundan si Tita Ella pero kinakailangan. Narinig ko kasi siya na pupuntahan niya ang kanyang kapatid na si Rio.

Masama kasi ang kutob ko, nandito ako ngayon sa isang malaking warehouse dito kasi huminto ang sasakyan ni mom.

Third Person's Pov

Sa isang silid, Naka upo sina Ella at Rio sa upuan, may lamesa sa gitna nila at Kulay gray ang paligid. Tanging ilaw lamang ang sumisikat sa kanilang dalawa, Samantala sa kabilang silid naman si Ash nakatago, malapit sa pinto upang marinig niya ito ang pag uusapan ng dalawa.

"Anong kailangan mo?" tanong ni ella kay Rio. "Kailangan ko ng Pera, kung hindi mo ibibigay ang perang hiningi ko pasasabugin ko ang kompanya mo" Banta ni Rio sa kanya at may ipinakita itong remote na halatang nagkokontrol ito ng bomba na nasa kompanya.

"Here" Sabi ni Ella na walang emosyon sabay abot ng bag sa kanya. "10 billion, sabihin mo sakin. Sino ang babaeng kasama mo palagi" ta ong sa kanya ni Ella.

"That's none of your business my dear sister" sarkastikong sagot niya kay Ella na mas kinainis nito. "Tell me, or you'll die to hell" Sabi ni Ella sabay tutok ng baril kay Rio.

"Ano? Sige, iputok mo kung gusto mong ibulok ko sa impyerno ang kompanyang pinaghirapan mo." Banta ni Rio kay Ella.

Bumukas ang pinto at agad na bumungad ang presensya ng isang babae na nakaitim na gown. "Olivia?!" napako ang posisyon ni Ella dahil sa nakita niya. Habang nasa kabilang silid naman ay si Ash na gustong kumawala ngunit hindi pa iyon ang tamang oras.

"Well hello dear Mrs. Shin, long time no see. Pasensya na kung nagulat kita at tsaka Pasensya din kung ngayon lang ako dumating nagmula pa kasi ako sa hukay. Mabuti naman at alam mo na  kung sino ang kumakalkal ng Pera mo sa kumpanya." sarkistikong Sabi niya kay Ella habang nakangisi.

"San na ang Pera Rio?" tanong ni Olivia kay Rio. "Oh nga pala nakalimutan ko, congrats nga pala sa anak mo at sa anak ni addi" Sabi niya kay Ella. "Anong pinagsasabi mo?!" tanong nito kay olivia.

"Wag ka namang magpakatanga, sabihin mo kay Ashton na wag na wag niyang gagamitin ang pangalan ko bilang nanay niya dahil nasusuka ako sa tuwing naririnig ko na anak ko siya." Sabi nito kay Ella.

"Wala ka Talagang puso!" buong pwersang sigaw ni Ash sa kanila na ikinagulat nila. "BANG! BANG! BANG!" tunog ng baril ni Ash.

Dalawang Tama ang natamo ni Rio, isa sa leeg at isa sa ulo. Habang ang isa ay tumama sa balikat ni Olivia. Tumakbo si Olivia dala ang Pera habang si Rio naman ay naiwan na wala ng Malay.

"Salamat Ash, alam Kong nasaktan ka dahil sa mga sinabi ni Olivia ngunit ang pinagtataka ko lang, ina mo raw si Addi" Sabi ni Ella kay Ash. "Dad needs to find about this, mauna na kayong umuwi and Please take care of Aly and my babies." Sabi ni Ash at tuluyan ng naglaho.

Nang makarating na ito sa kinaroroonan ng kanyang ama. "Dad, buhay si mom at Sabi niya anak daw ako ni Addi. Pero sino si Addi?" nagtatakang tanong ni Ash sa kanyang ama.

"Siya ang kapatid ng mommy mo, ngunit pano nangyari yun?!" Sabi ng dad niya. Parehas silang naguguluhan dahil sa lahat ng nangyayari.

Third Person's Pov

Nandito ngayon si Olivia sa isang silid, sa bahay nila ni Rio. Pagka bukas niya ng bag na nakuha nila ni Rio mula kay Ella. "Bullshit!" sigaw niya at tinapon ang mga pekeng Pera na nakalagay sa bag. "BANG! BANG! BANG!" putok ng kanyang baril na tumama sa pader.

'walang hiya sila! Magbabayad sila! Hindi ko hahayaang maging masaya silang lahat! Magdudusa sila sa impyerno!' yan ang sinasabi ng isip ni Olivia. Puno ng galit ang puso niya kaya sabik na sabik siya na makaganti sa kanilang lahat.

Alyssa's Pov

"Mom, San po kayo galing at bakit kayo may dugo!" Natatarantang tanong ko kay mom. "Patay na ang Tito Rio mo. Pauwi na si Ash, kung hindi niya ako sinundan baka wala na ako ngayon" paliwanag ni Mom kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

Hindi ko alam kung anong ang nangyayari, ang alam ko lang ay si Leonor ang may kagagawan ngunit bakit pati si Tito kasama dito.

Lumipas ang Ilang minuto. "Hindi si Leonor ang gumagawa ng lahat, ang kanyang asawa at si Rio ang may pakana ng lahat" paliwanag ni mom.

Napakasama nila, pinaikot nila kami sa kanilang mga palad. Kawawa naman si Leonor, Kailangang malinis ang kanyang pangalan.

Maya-maya, dumating na si Ash kaya agad akong Pumunta sa pinto. "Love!" sigaw ko at niyakap ko siya ng mahigpit. "Ayos ka lang ba, nasaktan ka ba?" naiiyak na tanong ko sa kaniya.

"Love, wag kang umiyak. Nandito ako buhay na buhay" Sabi niya sakin sabay halik sa noo ko. Mabuti nalang at walang nangyari sa kanya na masama.

Foul Play Between LoveWhere stories live. Discover now