Chapter 33: Kidnapped

36 1 0
                                    

Alyssa's Pov

Bumalik na kami sa opisina. At eto ako ngayon computer, ballpen at papel nanaman ang kaharap. "Love, may meeting ako kay Mr. Fuentes. Tatawag lang ako sayo or di kaya itetext nalang kita." Sabi niya sakin at hinalikan ako.

Akmang aalis na sana siya. "Asul, sandali!" pigil ko sa kanya. "I love you, mag ingat ka!" Sabi ko sa kanya. "I love you too, and no swear words ok?" Sabi niya sakin kaya napatango ako.

Mabilis na lumipas ang oras at biglang. May nagtext...

Ash: hey sweetheart, Pumunta ka ng parking lot. Hintayin kita dito.

Agad kong iniligpit ang mga gamit ko at nagreply ako sa kanya.

Me: Asul, papunta na ako. Wag kang mainip ha, I love you.

Nagmamadaling kinuha ko ang bag ko at bumaba na. Pagkadating ko sa parking lot, tila walang tao at hindi ko rin nakita ang kotse ni Ash. Nagulat ako nang bigla may tumakip sa ilong ko ng panyo na may matapang na amoy. Nanghina ako dahil sa amoy na nasinghap ko mula sa panyo "A-asul" yan ang huling sambit ko bago ako mawalan ng Malay.

Ashton's Pov

Nang makarating na ako sa office, wala na dito si Aly ha. Naiwan ko kasi ang phone ko kaya binalikan ko at ang Sabi naman daw ni Cara kanina pa umalis yun.

Pagkapasok ko sa opisina ko, wala na ang phone ko. Baka niligpit na niya yun, agad akong bumaba at sumakay ng kotse. Pero may kutob ako, para kasing bumigat bigla ang pakiramdam ko. May Mali eh.

Nang makarating ako ng bahay. "Oh, Ash. Bakit hindi mo kasama si Aly?" bungad ni Mommy Addi sakin kaya napantig ang tenga ko. "Where the hell is Aly?!" sigaw ko at narinig ako ni Daddy Samuel.

"Anong nangyayari dito?!" nakakunot noong bungad ng Dad ni Aly samin. "Si Aly po kasi, pagdating ko ng office wala na daw siya dun. At ang sabi ni Cara she hurriedly went down to the garage" Sabi ko at napasabunot ako sa sarili ko.

"ring-ring" tunog ng phone ni Mr. Samuel kaya sinagot niya ito.

Third Person Pov

Agad na kinuha ni Samuel ang phone niya at sinagot ang tawag ni Cara.

Cara: Sir, nakita po sa CCTV na nagmamadaling pong bumaba si Ma'am sa parking Lot. Yun lang po ang huling record ng CCTV footage tila nabura po ang recording nung 4 hanggang 5 o'clock.

At ibinaba na ni samuel ang tawag
"Alam ko na kung sino ang may kagagawan nun. That bullshit!" sigaw ni Ash at Dali daling Pumunta ng kotse.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni samuel sa kanya habang naghahanda siya. "Sa Warehouse ng mga Valencia" Sabi ni Ash at nagsimula nang paandarin ang kotse at nagmaneho.

Sa isang silid naman nakagapos si Alyssa. Itinali siya sa isang upuan at walang paring Malay. "Sa wakas, nakuha din kita Alyssa Shin" nakangising Sabi ni Mr. Valencia habang tinitignan ang inosenteng mukha nito.

"Buti na ngalang at nakalabas ako sa kulungan, puro kasi mga gunggong ang kasama ko dun. Buti nalang at magaling ka, wag mong kalimutan ang deal natin Mr. Valencia." Sabi ni Olivia habang papalapit sa kanya kaya napatayo ito. "Siguradong papunta na yon. Konting antay nalang dadating na yan" Sabi ni Mr. Valencia kay Olivia at tumawa pa ang mga ito na tila ba'y nasisiraan ng bait. Hanggang sa nawala na ang presensya nilang dalawa.

Pilit namang kinuha ni Aly ang maliit na kutsilyo sa kanyang bulsa. Hinubad niya ang tali niya sa kamay pati narin sa paa kailangan niya lang makakuha ng tiyempo na buksan ang pinto upang makatakas ngunit nandyan parin ang dalawa sa labas ng pinto.

"Alyssa!" dinig niyang sigaw ni Ash. "Asul" naiiyak na Sabi ni Alyssa, hindi niya makita ang presensya ni Ash dahil ni isa walang bintana ngunit hindi masyadong makapal ang pader kaya dinig parin ang ingay sa labas.

Hingal na Hingal si ash na Dumating sa pinto ng warehouse halos madapa na ito sa kakatakbo. Agad niya itong sinira at pumasok sa loob habang si Samuel naman ay nakasunod lamang sa kanya.

"Ash, dito lang ako sa likod mo." Sabi niya kay ash. "Ashton!" sigaw ni Aly habang hawak ni Olivia ang kamay niya sa likod na nakatali. "Ngayon, pipili kayo kung sino ang unang, mamamatay. Si Aly, si ashton o si Samuel?" sarkastikong Sabi ni Olivia.

"Patayin mo na ako! Bitch!" sigaw ni Ash kay Olivia "Eh kung unahin ko kaya ito" Sabi ni Olivia sabay tutok ng baril sa ulo ni Aly. "Ako ang Patayin mo! Pakawalan mo siya!" sigaw ni Ash habang umiiyak.

"Ash patawarin mo ako!" sigaw ni Aly kay Ash habang umiiyak silang dalawa. "Putangina mo! Patayin mo na ako!" sigaw ni Aly kay Olivia. "Iputok mo na para matapos na ang kagaguhang to!" sigaw ni Aly kaya "BANG! BANG!" putok ng baril galing sa itaas na bahagi ng Warehouse. Kasama iyon ni Mr. Samuel na sniper.

Agad namang tumakbo si Alyssa papunta kina Ash "Asul!" sigaw ni Aly habang papunta siya sa kanila. Duguan na ang dalawa ngunit hindi masyadong malala ang Tama ni Olivia, buhay parin siya. Kinuha niya ang Baril at pinaputok. "Alyssa!" natamaan si Alyssa dahil tumalikod siya, tinamaan siya sa dibdib at medyo malalim ito. "BANG! BANG!" tunog ng baril ni Samuel ngunit hindi niya natamaan si Olivia dahil Agad naman itong tumakbo.

"A-asul, wag mong P-pababayaan ang mga anak natin. Mahal na mahal ko k-kayo" nanghihinang sabi ni Aly kay Ash. "Hindi! hindi ka mamamatay Aly!" naiiyak na Sabi ni Ashton sa kanya.

"P-patawarin mo ako kung nasabi ko ang m-mga ganong Salita. S-saka pwedi ka namang magmahal ng iba. B-basta alagaan mo lang a-ang mga anak n-natin" Pilit na Sabi ni Aly kahit siya'y nahihirapan na.

"Hinding hindi mangyayari ang mga sinasabi mo Aly, magpapakasal pa tayo!" sabi ni Ash habang patuloy paring dumadaloy ang mga luha nito. "Dad, Mahal na mahal ko kayo ni Mom" nakangiting sabi ni Aly kay Samuel. "Anak, wag kang magsalita ng ganyan!" sabi ni Samuel habang umiiyak.

"I love you A-Ashton Blue Lee" yun ang huling sinabi ni Alyssa nang mawalan na siya ng Malay. "ALYSSA!" buong lakas na sigaw ni Ashton kaya agad niya itong binuhat at sinakay sa kotse kasama ni Samuel.

Foul Play Between LoveWhere stories live. Discover now