Chapter 12: no regret

61 2 0
                                    

Alyssa's Pov

Umaga na. Kakagising ko lang at tinignan ko siya. Akmang kikilos na ako "Aray!" ang sakit ng puson ko. Yan talaga siguro kapag first time mo no? Natutulog parin siya ng mahimbing at ang amo ng kanyang mga mukha. Nilaro ko ang kanyang buhok. Oo may nangyari samin at hindi ko pinagsisisihan yun.

"Alam mo ash, hindi ko talaga pinagsisihan na may nangyari satin kahit na masakit. At alam ko naman na mahal mo ako at ganun din ako. Sana hindi na tayo magkahiwalay no? at sana ganito nalang tayo palagi" sabi ko sa kanya at hinalikan ko ang noo niya.

Kinuha ko ang kumot at ipinulupot ko ito sa aking katawan. Pero nang akmang babangon na sana ako ng kama ng bigla niya akong hablutin dahilan na napahiga ako ulit sa kama. Nakatalikod ako ngayon sa kanya

"Dito ka na muna, mamaya na" sabi niya sakin habang nakayakap sakin ng mahigpit, ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa bewang ko at siniksik ang kanyang ulo sa balikat ko. Gising na pala siya.

"Asul magbibihis na ako. Sige na bumangon na tayo para makapagluto na ako" sabi ko sa kanya pero mas hinigpitan niya pa ang pagkayakap "No, mamaya na. Round 2 na muna tayo" bulong niya sakin, bigla naman akong nakaramdam ng pananayo ng mga balahibo ko.

"R-round two ka diyan, ang sakit kaya! eh kung kurutin kaya kita diyan!" Sabi ko sa kanya. "Fine, ito na babangon na." natatawang sabi niya sakin.

Kukunin ko na sana ang kumot mula sa hubad kong katawan pero nakalimuatan ko na andon pala siya "Anong tinitingin mo diyan tumalikod ka nga!" Suway ko sa kanya "but why? But i already touched that--" hindi ko na ipinagpatuloy ang sasabihin niya at hinampas ko siya ng unan.

"ang bunganga mo talaga! Ang aga-aga Ang bastos eh no!" Sigaw ko sa kanya, oo alam ko naman na may nangyari na samin pero syempre nahihiya parin ako noh!

"Pano ako naging bastos, eh hindi naman ako nakahubad. Baka nga kapag naghubad ako ulit--" hindi ko na tinuloy ang sasabihin niya "bahala ka diyan" pagtatampo ko sa kanya.

Pumunta nalang ako ng cr para dun magbihis. "*toktoktok*, babe please, look. I'm sorry, naglalambing lang naman ako" rinig ko sabi niya mula sa pinto pero hindi ako sumagot.

Nang lumabas na ako mula sa cr, dali dali akong naglakad para hindi niya ako maabutan.

Ashton's Pov

Bago ko siya sinundan nagbihis muna ako. Pero nakatopless parin ako at nakashorts, eh ang init kasi.

"Oy sorry na, I'm just joking" sabi ko sa kanya habang hinahabol ko siya. Pero tinignan niya lang ako at muling naglakad papuntang sala "baby, sorry na" lambing ko sa kanya pero hindi niya parin ako pinapansin "Oh, LQ ba?" Bungad ng mommy ni Aly samin "Ewan ko sa kanya" sagot ni aly sa mom niya.

Lumapit ako kay tita at nagmano "Tita, pano na? Eh nagtampo kasi siya sakin eh." Sabi ko kay tita sabay kamot sa batok ko. "teka-teka may nangyari ba?!" tanong ni tita habang nakangiti ng malapad, nahiya naman ako sa tanong ni tita. "a-ah ano kasi tita" yan lang ang lumabas na mga salita mula sa bibig ko dahil nahihiya kasi ako.

"Naku ayus lang yan hijo, atat na atat na kasi akong magka apo. At tsaka syempre kailangan niyo ng magpakasal. Ok lang na nauna na ang baby kaysa sa kasal ang importante mahal niyo ang isa't isa." sabi ni tita sakin.

"ah ano kasi tita, hindi pa kasi kami" sabi ko sa kanya sabay kamot ulit sa batok ko. "Ano kaba ayus lang, wag kang mag alala sasagutin karin niyan" sabi ni tita habang nakangiti kaya ngumiti rin ako.

"Nga pala hijo, simple lang yan, bigyan mo lang ng crinkles tsaka salted caramel na ice cream. Mawawala na ang pagtatampo niyan" sabi ng mom ni ara

"Sige po tita, bibili muna ako. Ah by the way tita, sorry po kung nakaka abala po ako dito pero mamaya uuwi naman po ako" nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba hijo syempre pag magiging husband kana ng anak ko, dito ka na titira kaya dapat masanay kana." Sabi ni tita sakin na ikinahiya ko.

"o-oh siya sige po tita, alis muna ako" sabi ko na nakayuko. Akmang aalis na ako ng biglang nagsalita si tita "ahm hijo, one more thing. Mommy o mama nalang ang itawag mo sakin" sabi ni tita sakin na nakangiti.

"sige po tita--i mean mom!" Sabi ko kay mom at umalis na. Buti nalang boto sakin yung mommy niya, it's just I'm scared na malaman Nila na Yung ama ko ang dahilan Kung bakit nawawala ang daddy ni Aly.

Bakit ba kasi nagkakaganyan si dad, he's not thinking straight since mom passed away. When mom passed away, i was bothered why didn't i felt tribulation when she died.

Oo mommy ko siya, but there's something inadequate between our relationship as mother and son, since i was a kid i didn't felt her love, everytime na lumalapit ako sa kanya pinagtatabuyan niya ako.

And one more thing, when i saw the body of my mother lying in her coffin parang hindi siya yun, o dahil baka sa pagkadurog lang ng mukha niya. But isn't that too much, sino bang tao ang gustong mandurog ng mukha ng kapwa niya tao. At parang wala namang kalaban si mommy na makakagawa ng ganyan sa kanya.

Nang makabalik na ako sa bahay Nina Aly. "Baby, sorry na" sabi ko kay Aly sabay yakap sa kanya pero umiwas siya "ewan ko sayo, hindi mo ako madadala sa ganyan!" Sigaw niya sakin. Dahilan na nagpout ako.

Alyssa's Pov

Ewan ko sa kanya. Once kasi magtampo ako, matagal pa para mapawi ito. Hindi naman sa maarte ako, gusto ko lang talaga magpalambing hehe. Sarap kaya magpalambing.

"Oh anong paandar nanaman yan?" Pagtataray ko sa kanya pero hindi siya sumagot. "Tingnan lang natin kung hindi aandar to" nakangisi niyang sabi. May kinuha siya sa isang supot, at inabot ito sakin.

Ice cream?! At tsaka crinkles?! Agad ko itong kinuha at ngumiti ng malapad na malapad. "Bibigay din naman pala!" Sabi niya "kakainin ko lang to, pero hindi parin tayo bati!" Sigaw ko sa kanya.

"Edi kukunin ko na ulit yan, o di kaya mag round 2 nalang kaya tayo?" Sabi niya habang ang isa niyang kamay ay nasa baba niya na parang nag iisip. "Umayos ka nga, isusumbong kita kay mommy!" Sigaw ko sa kanya.

"Eh pano ka magsusumbong kung wala yung mommy mo dito?" Sabi niya sakin na nakangisi. Shit nakalimutan ko na may trabaho pala si mom! At tsaka hindi pa nakakauwi dito si nana kaya kaming dalawa lang.

"Oh, ba't ka natahimik" sabi niya habang papalapit sakin. "A-asul anong gagawin m-mo?!" Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. Napako ako sa posisyon ko, gusto Kong magsalita pero parang walang may lumalabas sa bibig ko at parang blanko yata ang isipan ko.

"Isa! Lumayo ka." mariin Kong Suway sa kanya pero Mas inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. "lalayo Lang ako Kung bati na tayo" sabi niya sabay ngisi.

"sige na nga, nakakainis ka eh!" sabi ko sa kanya at pinalo ng mahina ang kanyang dibdib. "bibigay din naman pala" sabi niya sakin na nakangiti.

"kiss mo nga ako" sabi niya sakin na nakanguso. Sinamaan ko muna siya ng tingin at hinalikan ko siya ng mabilis.

"Ang bilis naman, dapat ganito" sabi niya at biglang sinakop niya ang aking labi ng mapusok.

"i love you" Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "pero, bumigay ka parin" pagpapatuloy niya na nakangiti at tinusok pa ang tagiliran ko. "Isa pang panunukso, hindi na talaga kita papansinin" sabi ko sa kanya pero tumawa Lang siya.

"sinong hindi bibigay sa kagwapuhan ko?" tanong niya sakin at nagpogi sign pa talaga ha! Ay naku yabang talaga Hahaha, pero ang cute-cute.

Kinurot ko ang pisngi niya "oh? Anong nangyari sayo, eh akala ko ba galit ka sakin?" nagtatakang tanong niya "eh ang cute-cute mo kasi" Sabi ko at Kinurot ang kanyang mga pisngi.

Sana ganito nalang kami palagi no? Yung walang problema, tapos Yung laging naglalambingan. Hayst, swerte ko talaga dahil dumating siya sa buhay ko.

Foul Play Between LoveWhere stories live. Discover now