Chapter 19: Addison's past

45 2 0
                                    

Addison's Pov

*****Flashback*****

Nandito ako ngayon sa bahay naglilinis ng kwarto ko, madami na kasi ang kalat eh. "(Toktoktok), Addi may pupuntahan tayo mamaya. Maghanda ka ng susuotin mo" Sabi ni Ate Olivia mula sa pinto kaya binuksan ko ito.

"Bakit Saan tayo pupunta? Kasama ba si Papa?" nakakunot noo kong tanong sa kanya. "Hindi daw siya sasama dahil may meeting siya mamaya kaya aalis siya" Sabi ni Ate sakin kaya tumango ako.

Makalipas ang Ilang oras, gabi na "Halika na, umalis na tayo" Sabi ni Ate. "San ba Talaga tayo pupunta, sigurado kabang hindi magagalit si papa?" tanong ko sa kanya habang nasa kotse na kami.

"Oo nga, basta malalaman mo rin" Sabi niya kaya natahimik ako hanggang sa nakarating na kami sa sinasabing pupuntahan namin.
Nandito kami ngayon sa isang bar,  Maraming taong nagsasayawan at nag iinuman.

"Ahm ate, gusto ko nang umuwi. Hindi kasi ako sanay sa mga ganitong lugar" sabi ko kay ate olivia. "Sige, pero bago ka umuwi uminom muna tayo kahit Isang baso lang" nakangiting sabi ni ate olivia.

Pumunta kami sa bar counter at umupo kaming dalawa ni ate. "Ahm, can you please give us a drink?" tawag ni ate sa waiter. "Inumin mo na yan." sabi ni ate kaya sinunod ko siya.

Nang maubos ko na ang inumin na binigay ni ate. Bigla akong  nakaramdam ng kakaiba, parang nahihilo ako, nasusuka at parang mainit ang pakiramdam ko.

"A-ate nahihilo ako" nanghihinang sabi ko kay ate. Pero hindi ko maimulat ang mga mata ko. Tila nagliliyab sa apoy ang katawan ko na parang sinusunog "Ang init!" sigaw ko. May dalawang lalaki na humawak sa dalawang kamay ko.

"B-bitawan niyo ako! Sino kayo!" sigaw ko sa kanila, hindi ko maintidihan kung ano ang nangyayari sakin.

Hanggang sa Nagising ako na walang saplot sa isang higaan may dalawang lalaki sa gilid ko at natutulog sila. Akmang babangon na ako napapikit ako dahil sa pananakit ng katawan ko.

Tumakas ako mula sa kwartong yun. Nanghihina at umiiyak. Malayo din ang nilakad ko at kahit na wala akong masyadong lakas patuloy ko paring pinipilit ang sarili ko.

Nang makarating ako sa isang police station tinawagan ko sina papa. Lumipas ang ilang oras nakarating na sila "Ate! Papa!" sigaw ko sa kanila at agad ko silang niyakap habang umiiyak.

"Anong nangyari sayo anak?!" galit na usal ni papa habang magkayakap kaming dalawa "P-pa na r-rape ako ng dalawang lalaki" doon ka na ibinuhos ang lahat nang nararamdaman kong kirot dahil sa lahat ng nangyari.

"Ate, bakit mo ako iniwan?" tanong ko sa kanya habang patuloy parin akong umiiyak "Hindi kita iniwan Addi, sa totoo nga nakidnap din ako" sabi ni ate sakin.

"Ate sorry, sorry kung hinusgahan kita agad" sabi ko kay ate habang humihikbi, niyakap ko siya ng mahigpit "Ate, wag na wag mo na akong iwan ha" sabi ko kay ate.

Doon nagsimula na magbago ang ugali ni ate. Sa akin ni dad ibinigay ang posisyon niya pati narin ang kompanya at dapat si ate ngayon ang sa posisyon ko dahil mas matanda siya sakin.

"Olivia san ka pupunta?!" tanong ni papa kay ate dahil parang aalis ito. "Olivia!" sigaw ni papa pero hindi parin siya nakikinig. "Ano ba?!" sigaw ni ate nang hablutin siya ni papa.

"Kailan mo pa ako naging anak?! Diba puro kamalasan lang ang dala ko sa buhay ninyo?!" sigaw ni ate kay papa pero nakatingin siya sakin. "Don't talk to me like that! I'm still your father!" sigaw ni papa sa kanya.

"Tama na papa" sabi ko kay papa habang inaawat ko siya. "Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo?! Ikaw nga ang mas nakakatanda pero ikaw pa 'tong pasaway sa inyong dalawa!" sigaw ni dad kay ate.

"Edi sana hindi nalang kita naging ama!" sigaw ni ate kaya "PAK" tunog ng palad ni papa na dumampi sa pisngi ni ate.

"Pa tama na!" sigaw ko kay dad pero hindi parin ito nakinig sakin. "At ikaw naman, wag ka nga mag inarte Diyan dahil alam kong sa loob ang kulo mo!" sigaw ni ate sakin at padabog siyang umakyat sa kwarto niya.

Isang araw, "Addi, nasan ang ate mo?!" Sabi ni papa habang abalang-abala sa paghalughog ng buong bahay. "Hanapin niyo siya!" sigaw ni dad sa mga kasambahay at napasabunot na lamang ito.

Mula noong araw na yun, hindi na namin nakita si Ate. Naging mas iretable si papa simula noon, hindi na rin siya lumalabas sa office niya hanggang isang araw.

"Ate?!" nagulat ako nang biglang dumating si ate "Addi" sabi niya sakin at niyakap niya ako ng mahigpit Masayang masaya ako nung araw na yun dahil bumalik na siya samin. "Kamusta kana ate?!" sabi ko sa kanya at kumalas siya sa pagkayakap ko.

"Heto, nag away kami ng asawa ko" bago ipinagpatuloy ni ate ang sasabihin niya napabuntong hininga siya. "Addi, buntis ako" sabi niya sakin kaya nakaramdam ako ng saya.

"Congrats ate, so buntis na tayong dalawa kaya quits na tayo" natatawa kong sabi kaya natawa din siya "Ah addi nasan si papa?" nagtatakang tanong niya.

"Ah, nandon siya sa office niya, simula kasi nung umalis ka parati nalang siya nandun." sabi ko kay ate at pilit na ngumiti kaya pinuntahan niya ito. Nang makarating na kami sa office ni papa.

"Papa? " bungad ni ate kay papa at niyakap niya ito. "Olivia anak, kamusta kana?" nasasabik na tanong ni papa sa kanya. "Ayos lang po ako pa" sabi ni ate at niyakap niya ulit si papa.

"Ah pa, may sasabihin po sana ako" sabi ni ate kay papa at nakita ko sa mukha ni papa na nagtataka siya. "Pa, buntis po ako" ngumiti si papa pero hindi ko maintindihan kung masaya ba siya o galit.

Mabilis na lumipas ang panahon. Nandito ako ngayon sa hospital kakapanganak ko lang kaya nandito ako ngayon sa isang hospital room nagpapahinga.

May pumasok na doctor kaya umusad ako upang makaupo ng maayos. "Doc, nasaan po ang anak ko?" tanong ko habang nakangiti ako.

Pero nakita ko na parang naging malungkot ang mukha ng doctor kaya nagtaka ako at para bang kinakabahan ako. "I'm sorry Miss Tang but i have to say this. Wala na po ang anak mo" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang mga salitang yon.

"B-bawiin mo ang sinabi mo! N-narinig kong umiyak siya!" nanginginig kong sigaw sa kanya. Pumasok si ate at nakita ko sa itsura niya na nagulat siya. "Doc, ano pong nangyayari?!" nagtatakang tanong ni ate.

"Wala na siya ate" sabi ko kay ate habang umiiyak kaya lumapit siya sakin.

*****End of the flashback*****

Mula noon nagfocus nalang ako sa kompanya at napag isipan Kong Pumunta sa states para iunlad pa ang kompanya ko.

Ang pinakamasakit pa sa lahat ay pumanaw na din si ate, tila napakabilis ng mga pangyayari. Hindi ko inaasahan na ganoon ang mangyayari sa kanya.

Foul Play Between LoveWhere stories live. Discover now