Chapter 23: He's here

40 3 0
                                    

Alyssa's pov

May naririnig akong padating na sasakyan kaya dali-dali kong tinignan kong sino yun pero hinawakan ako ni Ash.

"Easy love, baka mapano ka" sabi ni Ash habang hinahawakan ang kamay ko at Tumungo kami sa gate upang malaman kung sila mom na ba yun.

"Dad?!" sigaw ko nang makita ko siya. Niyakap namin ang isa't isa ng mahigpit. "Pasensya kana anak ha, I've missed you at saka ang laki laki na ng prinsesa ko" sabi ni dad, kumalas ako sa pagkayakap niya.

"Ahm, may i know him?" sabi ni dad at alam kong si Ash ang tinutukoy niya. Lumapit si Ash samin "Ahm, hello po. I'm Ashton Blue Lee and I'm Aly's boyfriend" sabi ni Ash at nag abot ng kamay kay dad.

"Nice to meet you" sabi ni dad na nakipagshake hands sa kanya. "Dad, may sasabihin po sana ako sa inyo" sabi ko kay dad pero hindi siya umimik.

"Dad, buntis po ako" nakayukong sabi ko kay dad. Ngumiti siya kaya nawala ang kaba ko. "Congrats my princess, sana hindi ka muna nabuntis. Bubuntisin ko pa sana si mom mo" sabi ni dad na nakangisi.

Napadaing si dad dahil kinurot siya ni mom. "Ikaw tanda, umiiral na naman ang pagkamanyak mo" mataray na sabi ni mom sabay batok kay dad kaya napakamot ito.

Si Ash naman tawang tawa "Ikaw lalake, kapag umiral din ang pagkamanyak mo ganyan din mangyayari sayo" sabi ko sa kanya habang ang dalawa kong kamay ay nasa bewang ko.

"Sadista!" sabay na sabi ni ash at ni dad at nag apir pa ang dalawa. "Ewan ko sa inyong dalawa, magsama kayo. Tara na nga mom" sabi ko at umalis na kami ni mom. Hayst, salamat sa diyos  buo na ang pamilya ko at wala na akong problema. Natupad na ang pinakamalaking pangarap ko.

Ashton's pov

Nandito kami ngayon sa garden  nina Aly kasama ko ang daddy niya "Ahm, Mr. Lee mahal mo ba talaga ang anak ko?" tanong niya sakin.

"Yes sir, i love her coz that's what my heart says" sabi ko sa kanya. "Siguraduhin mo lang, wag na wag mong sasaktan ang anak ko if you don't want to go to hell" Banta sakin ni Sir.

"Makakaasa po kayo sir" sabi ko sa kanya at tinapik niya ang balikat ko. "By the way sir, do you mind if you join me drinking?" aya ko sa kanya.

"Sure, tito nalang. Sir is to formal for me" Sabi ni tito sakin kaya palihim akong ngumisi at pumasok na kami sa loob.

Ella's pov

Mabuti nalang at nakita na namin si Samuel, kailangan naming makakuha ng ebidensya laban kay rio. Nakakapagtaka lang kung sino yung kasama niya at parang nakita ko na yung coat na suot niya nung ipinasa ko ang posisyon ko kay Aly. Kinuha ko ang phone ko upang tawagan si stefi.

Me: Any updates about rio?
Stefi: He has a companion, its a lady pero hindi ko makita ng maayos ang itsura niya. Siya ang babaeng nasa venue noong coronation.

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni stefi. Ano nanaman bang kalokohan ang gagawin ng gunggong kong kapatid, kailangan kong malaman kung sino ang babaeng kasama niya.

Me: Gawin mo ang lahat para malaman kung ano ang plano nila. Tawagan mo nalang ako kung kinakailangan.

At ibinaba ko na ang phone, hindi pweding tatayo lang ako dito kailangan kong malaman kung ano ang pakay ng babaeng sinasabi ni stefi.

Aly's pov

Nandito ako sa couch ng sala, nagpapahinga dahil parang pagod na pagod ang katawan ko. Nakita ko si mom na may kausap sa phone niya kaya nagtaka ako.

Tatanungin ko na sana siya pero biglang dumating ang dalawa. "why don't we throw a party for tito?" sabi ni ash. "Nice idea hijo, so shall we?" sang ayon ni mom kay ash at kumuha ito ng wine.

"Kapag Talaga alak ang pag usapan eh go na go ka eh no?" mataray na Sabi ni mom kay dad kaya napangisi ito.

Masaya kaming nagsalu-salong lahat, mabuti naman at nagkamabutihan ang dalawa. Mukha kasing nag q & a yung dalwang yun kanina.

Sana ganito nalang palagi yung walang problema, masaya at tsaka taimtim ang buhay ng isa't isa. Salamat naman sa diyos dahil hindi niya pinabayaan ang ama ko.

"Asul tama na yan, baka maparami ang inom mo" suway ko kay ash, hinalikan niya ang noo ko at ibinaba ang basong hinahawakan niya kanina.

"Ok love" sagot niya sakin. Umakyat na kami sa taas para makapagpahinga na kami. Hindi pa naman siya masyadong natamaan pero dehadong namumula na siya.

"Oh, parang natamaan ka yata ah. Namumula ka kasi eh" sabi ko sa kanya nang makahiga na ako sa kama. "No I'm not, ganyan lang talaga ako kapag nakainom. Tisoy ako, kaya ganun" sabi niya sakin at nahiga na siya.

Nang makahiga na siya, ipinatong ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at  kinurot ko iyon "Ang cute cute talaga ni daddy" sabi ko sa kanya. "Daddy, hmm ang sarap naman sa tenga" sabi niya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

Tinaas niya ang baba ko at hinalikan ako. Napasagot ako sa mga halik niya, para akong mawawalan ng hangin dahil sa uri ng paghalik niya. 

Foul Play Between LoveWhere stories live. Discover now