Chapter 18: unexpected Visitor

47 2 0
                                    

(Baka malito po kayo sa mga Pov hehe)

Alyssa's Pov

Nakauwi na kami ng bahay, Nandito kami ngayon kumakain sa hapagkainan nang biglang May tumunog na "Ding-dong" tunog ng doorbell. Akmang tatayo na sana si mom "Ako na mom" sabi ko kay mom at pumunta sa gate upang buksan ito.

"Hija, ikaw na ba yan?!" si tita Addison. "Hello po tita Addi, na miss ko po kayo" sabi ko sa kanya at nagbeso kaming dalawa.

Siya si Ms. Addison Tang, matalik na kaibigan ni mom mula pa nung bata pa sila. Pumunta siya ng states upang maka recover sa lahat ng nangyari sa kanya, namatay kasi ang anak niya at ayon sa kanya kung buhay lang sana ang anak niya sing edad lang ito ni ash.

Maitim at mahaba ang kanyang buhok, chinita, madaldal din katulad namin ni mom at tsaka mapagmahal. Base sa hubog ng kanyang katawan, parang hindi siya nagkaanak. Ganda niya kasi eh.

"Aly, sino ba yan--" hindi na naituloy ni mom ang sasabihin niya dahil nagulat siya kung sino ang bisita namin ngayon. "Addi!" sigaw ni mom at niyakap nila ang isa't isa.

"Kailan ka pa umuwi?" tanong ni mom kay tita habang lumalakad kami papasok ng bahay.

"Kaninang Umaga lang, Parang may bisita kayo ah" sabi ni tita. "A-ah siya nga po pala si Ashton, boyfriend ko po" nahihiyang sabi ko kay tita. Lumapit ng konti si tita at may binulong siya sakin "Ang galing mo namang pumili hija" bulong niya sakin sabay kindat kaya tumawa ako ng mahina.

Tumayo si ash at pumunta malapit sakin "Ahm, good evening po. I'm Ashton and I'm Aly's boyfriend. Nice to meet you po" pakilala niya kay tita addi. "I'm Addison Tang but you can call me tita Addi" nakangiting sabi niya kay ash.

Ashton's Pov

Parang may kakaiba akong naramdaman, parang nakilala ko na siya dati and i have a very light feeling right now.

"Ahm, Mrs. Tang can i ask?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami "Not Mrs. Hijo just miss and please don't be so formal, as what I've said earlier just call me tita addi" pagtatama ni tita kay ash na nakangiti.

"I'm sorry miss-- i mean tita Addi. Pero can i please ask you a question?" nakangiting sabi ko sa kanya. I think I'm a little bit rude.

"Ahm, I'm sorry tita Addi. Just forget about it" sabi ko sa kanya at nagsimula nang kumain. "By the way Addi, dito ka nalang magstay. You can stay at the guest room and Ash you can sleep with Aly, in her bedroom. Wala namang masama dun dahil magboyfriend at girlfriend naman kayo" sabi ni mom.

Alyssa's Pov

"Alam mo mom ang daldal mo talaga" mataray kong sabi kay mom kaya natawa si tita habang nakanguso si mom. "Yes!" bulong ni Ash habang nakangiti ng malapad.

"Oh ba't ang saya mo?" bulong ko sa kanya dahil nag uusap din sina mom at tita addi. Tumayo si Ash "Ahm, excuse po tita and mom. May you two excuse us?" pahintulot ni ash kina mommy at tita.

"Sure mga anak, oh siya sige na. Enjoy your date ha!" nakangiting sabi ni mom at naramdaman ko na umiinit ang pisngi ko kaya tinakpan ko ang mukha ko.

Addison's Pov

Sino kaya tong batang to. Parang nakilala ko na siya dati eh "Oh addi, naka move ka na ba" malumanay na sabi ni ella "Maybe not quite yet pero ano pa ang magagawa ko."

Bago ko itinuloy ang sasabihin ko napa buntong hininga muna ako. "Siguro kung buhay sana ang anak ko, kasing edad lang siya siguro ni Aly at tsaka ni Ashton." sabi ko kay ella.

Alyssa's Pov

Nandito kami ngayon sa garden. Lumalakad, Tahamik at hindi kami kumikibo. Bigla akong nakaramdam ng lamig kaya nanginig ang katawan ko.

Ibinaling niya ang pananaw niya sakin kaya napansin niya na nagiginaw ako. Lumapit siya sakin at ipinuwesto niya ako sa harap niya.

Tinakpan niya ako ng jacket niya kaya dalawa kami ang nagsiksikan sa jacket niya. "Thank you love" sabi ko sa kanya na nakatingala at nakangiti.

Hinalikan niya ang ulo ko at niyakap ako ng mahigpit habang nasa iisang jacket kami nakapulupot.

"Bakit ang tahimik mo love?" tanong ko sa kanya "I just want to enjoy this moment" sabi niya sakin. "You know What Love, I'm very lucky to have you in my life" Sabi niya sakin at hinalikan ang noo ko kaya napangiti ako.

Hindi parin kami kumalas sa posisyon naming dalawa kaya "Pasok na tayo" nakangiting alok ko sa kanya at pumasok na kami.

"Oh? Kamusta ang date?" tanong ni tita Addi samin. "ayos lang naman po tita" sagot ni Ash kay tita Addi.

Mabilis na lumipas ang oras. Pumunta na kami ng kwarto ko upang makapagpahinga na kami, akmang bubuksan na sana ni ash ang pinto "Teka sandali, aayusin ko muna ang mga gamit ko." sabi ko sa kanya at pumasok ako ng kwarto.

Naalala ko kasi si pochi na nandon sa kama kaya agad ko itong niligpit at nilagay sa cabinet. Mahirap na, baka magselos.

"You can come in now" sabi ko sa kanya kaya pumasok na kaming dalawa. Nilibot niya ang kanyang paningin na parang sinusuri ang kwarto ko.

Humiga kami sa kama, tumalikod ako sa kanya at pinatay ko na ang ilaw. Kahit na matagal na kaming magkasama, naiilang parin ako hindi ko nga alam kung bakit.

Foul Play Between LoveWhere stories live. Discover now