Chapter 34: Cothurnus?!

33 3 0
                                    

Third Person Pov

Nakarating si Ella sa hospital, naiwan sina Olivia at Leon upang bantayan ang kambal "Nasan ang anak ko?!" naiiyak na tanong ni Ella kina Ashton. Nadatnan niya naman na nakayuko si Ash habang sinasabunutan ang sarili niya. "Ashton, anong nangyari?!" pasigaw na tanong ni Ella sa kanya habang patuloy paring dumadaloy ang kanyang mga luha.

"Sweetheart, calm down. It's fine, everything's gonna be ok" Sabi ni Samuel kay Ella at niyakap ito mula sa likuran habang hinihintay nila kong ano na ang kalagayan ni Alyssa.

Biglang lumabas ang doctor. "Kailangan po natin ng blood type na b rh positive. She lost a lot of blood kaya kailangan natin ng--" hindi na naituloy ng doctor kanyang sasabihin dahil biglang tumayo si Ash "Ako, b ang blood type ko at rh positive ako" seryosong Sabi ni Ash at sinunod si doc.

Mabilis na lumipas ang oras. Bumalik nanaman si Ash sa pag aantay "Ring-ring" tunog ng phone ni Ella. Kaya sinagot niya ito at niloud speaker.

Olivia: hello Ella, ang taas ng lagnat ng kambal hindi namin alam ang gagawin namin. Kanina pa sila iyak ng iyak.

Agad na lumapit si Ash kaya inabot ni Ella kay Ash ang kanyang phone.

Ash: Pumunta kayo dito, dalhin niyo ang kambal ako ang bahala sa kanila.

At pinatay na ang tawag, ibinalik niya ang phone ni Ella. Ilang minutong paghihintay at nakarating na ang dalawa kasama ang kambal.

Agad silang kinuha ni Ash at nagtungo sa isang private room. "Mga anak, nandito na si Daddy. Hintayin nalang natin si Mommy, gigising na yun mamaya. Alam niyo ba mahal na mahal kayo ni Mommy." naiiyak na Sabi ni Ash sa kambal habang natutulog ang mga ito.

Hanggang sa napapikit si Ash at tuluyan ng nakatulog. Nagising si Ash. "Bantayan mo muna ang kambal siguraduhin mong walang may mangyayari sa kanila. Alam mo na ang mangyayari sayo kung sakali mang may mangyari sa kanila diba."

Walang pagdadalawang isip na tumango ang nurse dahil natatakot ito kay Ash. Lumabas si Ash mula sa room. Nakita ni Ash na nag uusap silang lahat kasama si doc kaya Pumunta siya sa kinaroroonan nila.

"Medyo hindi pa maayos ang kalagayan ni Aly, maraming dugo kasi ang nawala sa kanya kaya hindi pa siya nakakarecover. Hindi pa ako sigurado if makakarecover na ang patient dahil Medyo malala pa ang vital signs niya" Sabi ng doctor kaya nagkasalubong ang mga kilay ni Ashton.

"Binabayaran ka dito ng maayos! Gawin mo ang lahat para mabuhay ang Asawa ko!" sigaw ni Ash at kwinelyuhan ang doctor. "Ashton Enough!" sigaw ni Leon kay Ash habang pinipigilan niya ito.

"Doc, emergency!" sigaw ng isang nurse mula sa operating room. Binitawan siya ni Ash at Dali dalli siyang Pumunta ng operating room. "Nauubusan na siya ng dugo" Sabi ng isang nurse. Ginawa ng nurse lahat ng makakaya nila hanggang sa medyo naging stable ang condition ni Aly.

Bumalik ulit ang doctor at muling nagsalita. "A-ah, yung lungs niya ay na infect dahil sa bulletshot wounds that leads to lack of air in her airway pero wag kayong mag alala gagawin po namin ang lahat" nanginginig na sabi ng doctor.

Pinuntahan ulit ni Ash ang kambal, para malaman kung ano ang kalagayan nila. "Mabuti naman at madali kang kausap" sabi ni Ash sa Nurse habang nakayuko ito at takot.

Pumunta si Samuel sa room kung saan naroroon si Ash upang sabihin na may problema nanaman sila. "Ashton, nakawala si Mr. Valencia ang akala nila ay patay na ito" sabi ni Samuel at napabuga ng hangin.

"Masamang damo Talaga ang gagong yan" Sabi ni Ash habang bumibigat ang kanyang mga hininga. "Ako na ang bahala sa kanya" Sabi ni Ash at Lumabas.

Akmang magda-dial na si Ash Biglang sumulpot si Leon "Ash alam ko kung ano ang binabalak mo. Tumigil ka na anak, ibigay mo na ang trono mo kay Mason" pakiusap ni Leon sa kanya ngunit hindi siya nakinig sa sinasabi nito at muling nagdial kaya napasabunot nalang si Leon sa kanyang sarili.

Ash: Blue Ashed Devils, makinig kayong lahat sakin. Hanapin ninyo si Mr. Valencia, wag niyo siyang patayin. I need him alive.
Aiden: ngayon ko lang ulit narinig ang boses mo ah. Namiss kita tsaka na miss ko din si Ms. Beautiful.
Ash: Shut the fuck up Aiden, ibigay mo na ngalang kay Mason ang phone baka mabugbog pa kita pag magkita tayo.
Mason: Need help?
Ash: Narinig mo naman ang sinabi ko diba?
Mason: Coz naman, you're such an impatient
Hades: Akin na nga yan, kaming bahala Ashton wag mo nalang pansinin ang mga gagong to.

At binaba na ni Ash ang tawag. "Ash, Ilang beses na kitang sinabihan na itigil mo na yan. Magiging mas mapanganib lang ang buhay ninyo" Suway ni Leon sa kanya.

"Wag mo na akong pakialaman dad, alam ko ang ginagawa ko" Sabi ni Ash. "Sabihan mo nalang si mom na bantayan ang kambal, babalik ako" dagdag ni Ash at tuluyan ng umalis.

Nandito siya ngayon sa headquarters ng Blue Ashed devils at agad na bumungad ang nakagapos na si Mr. Valencia. "Asul! Namiss kita" sigaw ni Aiden at niyakap nito. "Get off me Aiden, kunin niyo nga ang gagong to" naiiritang Sabi ni Ashton sa kanya.

"Mukhang umuusok na ang ilong mo ah. Ano? Upakan na natin?" nakangising Sabi ni Mason kay Ash. "Siguraduhin niyo lang na hindi niyo siya mapapatay" Sabi ni Hades sa kanila. "Makakapagtiis pa naman ako, Ewan nalang ko nalang kay Ash" Sabi ni Mason.

"Edi pigilan natin" Sabi ni Aiden. "May utak ka pa din pala no?" natatawang tanong ni Mason. "Fvck you Mason!" sigaw ni Aiden kay Mason.

Sinimulan na nilang apat na bugbugin si Mr. Valencia, halos hindi na ito makilala dahil sa pagkakabugbog nila dito. Pinigilan na nila si Ash na pulang pula na sa sobrang galit dahil baka mapatay nila ito.

Hanggang sa bumalik silang Apat sa hospital.

Nagtaka sina Olivia at addi sa tatlong kasama ni Ash. "Let me introduce to you, Moms and dads. The Blue Ash Devils" Sabi ni Ash sa kanila.

Parang napakalagkit ng titig ni Addison kay Mason, parang may balak ah. Napakagat labi si Addi ng napatingin siya sa biceps nito. Napaiwas ng tingin si Addi nang biglang lumapit si Mason sa kanya "Hi miss gorgeous, I'm mason. And you are?" tanong ni Mason kay Addi.

"My name is Addi not gorgeous" sabi ni Addi kaya napangisi si Mason at lumapit siya kay Hades. "Hades, sino siya? Ang Ganda ah" tanong ni Mason habang ang tinitignan parin si Addi. "Gago, nanay ni Ash Yan" sabi ni Hades kay Mason kaya napakamot ito sa batok niya. "Malas ko naman" sabi ni Mason sa kanyang sarili.

"Ahem!" napaubo si Leon dahil sa nakita niyang pagtitig ni Addi kay Mason. Mukhang may naaamoy akong selos ah.

Kaya nabali ang pag iisip nito at inirapan si Leon, "Selos ka noh? Yan kasi wala kang abs" bulong ni Addi kay Leon. "Anong wala? Baka patanuyan ko sayo mamaya" Sabi ni Leon na nakangisi kaya napaiwas nalang si Addi ng tingin.

Agad na lumapit sila sa operating room nang makita nilang nagkakagulo ang mga nurses. "TOOOT" flat line na ang heart rate ni Aly kaya napasugod si Ash sa loob. "Alyssa!" sigaw ni Ash at napahagulgol. Iiwan na nga ba Talaga ni Aly ang kanyang pinakamamahal niyang si Asul, ang kambal at yung mommy at daddy niya? Parang napakasaklap naman ang nangyayari sa pamilya nila.

Foul Play Between LoveWhere stories live. Discover now