Chapter 24: A ghost?

43 3 0
                                    

Ashton's pov

Mabilis na lumipas ang buwan at nandito ako ngayon sa dati naming bahay mag isa, uuwi ako mamaya sa bahay nina aly dahil magpapacheck up daw siya.

Excited na nga akong magkababy but of course hindi ako papayag na isa lang, kailangan kambal o di kaya triplets.

Kinuha ko ang mga pictures na naipon ni Hades nung mga nakaraang araw, picture ng--- Lalaking kasama ni mommy sa picture. May kasama siyang babae na nakamask at tsaka nakajacket.

Kailangan kong malaman kung sino siya at kung sino rin ang kasamang niyang misteryosong babae.

Di kaya si mommy yun, there's a possibilty. Agad kong kinuha ang phone ko upang malaman kung ano pa ang nalalaman ni Hades tungkol sa mga nakuha niyang mga litrato.

Me: Hades tell me, sino ang lalaking nasa picture? At sino ang babaeng kasama niya?
Hades: Siya si Mr. Rio ching, he's the son of Mr. Acer ching which is one of the richest business man. Meron siyang kapatid, si Mrs. Ella shin.
Me: wait what did you just say?! Mrs. Ella Shin?!
Hades: That is based on my investigation.
Me: ok, just call me whenever you have any updates.

Yung mommy ni Aly at tsaka si Rio ching, magkapatid?! Dad needs to find out about this. Kinuha ko ang phone ko at nagdial.

Me: Dad you need to go here immediately i have some important news to discuss with you, dito ka lang pumunta sa dating bahay. I'll wait for you.
Dad: Yes son, I'll be there in a minute.

Leonor's pov

Nandito ako ngayon sa kotse nagdadrive ng taimtim. Ano ba ang nangyayari sa buhay namin, ang gulo. I hope na maaayos na ang lahat ng to--

Nabali ang pag iisip ko nang biglang may nakita akong isang babae na patawid kaya inihinto ko ang kotse. Nakabelo siya, at naka all black ang damit, nalaglag ang kanyang Belo dahil sa lakas ng hangin-- hindi pweding magkamali ako, dahil siya ito. "Olivia??!!" halos lumundag ang kaluluwa ko dahil sa nakita ko.

Lalabas sana ako mula sa sasakyan pero agad siyang tumakbo. Am i hallucinating? Napaparanoid lang ba ako?

Hanggang sa nakarating na ako sa dating bahay namin. Agad kong nakita si Ash na abalang abala sa kanyang ginagawa.

"Dad, you're here" sabi niya sakin kaya mas lumapit ako sa kanya. "What is it son?" tanong ko sa kanya.

Ashton's Pov

Masyado namang maliit ang mundo, lahat na lang ay konektado. "Dad, ito ang lalaking kasama ni mom sa litrato. Mr. Rio Ching brother of Mrs. Ella Shin" sabi ko sa kanya.

"I've seen your mother, habang nagdadrive ako may isang babaeng tumawid muntik ko siyang masagasaan kaya inihinto ko ang sasakyan k-kaya nahulog ang kanyang Belo at hindi pweding magkamali ako. Nakita ko si Olivia" nauutal na Sabi ni dad.

"I-i don't know what to say" these are the only words that came out from my mouth. "We need to make sure if it's her" Sabi ni dad.

"okay dad, just call me if you need help" alok ko sa kanya. Umupo siya sa couch at kinuha niya ang laptop mula sa mesa.

Itinype niya ang name ni Rio, maraming larawan na naglitawan. Tinignan ni dad ang mga impormasyon tungkol sa kaniya, isa siya sa may pinakamayamang pamilya dito sa pilipinas.

"Ring-ring" tunog ng phone ko kaya nagpaalam ako kay dad na lumabas muna.

Me: Yes love?
Her: Nasaan ka na love, bakit ang tagal mo?
Me: Wag ka ng umiyak pupunta na ako diyan saglit na lang love.
Her: uwi ka ha, mamaya may Ibang babae ka na diyan.
Me: Oo uuwi na ako, kasama ang babae ko
Her: Ano?!! Hoy Asul sabihin mo na agad kong may babae ka para mailayo ko na ang anak ko sayo!
Me: Easy darling, easy. Pano ko naman magagawa yan eh ikaw lang naman ang babae sa puso ko.
Her: Naku Asul, tigil-tigilan mo ako ha! Puputulin ko talaga yan kapag malaman ko! Yari ka Talaga mamaya sakin! Aabangan ko kayo ng babae mo!
Me: Eh pano tayo makakapag--

Hindi ko na na ituloy ang sasabihin ko nang biglang niyang ibinaba ang tawag. Parang masisira ang eardrums ko dahil sa kanyang boses.

Bakit kaya naging bipolar siya ng mga nakaraan araw, biglang iiyak tapos magtatampo, Maya maya nama'y magpapasweet.

"Uwi ka nalang sa inyo son, ako na ang bahala dito. Take care of your wife and your baby, and congratulations" Sabi ni dad sakin kaya niyakap ko siya. "Thank you dad, mag iingat ka. Tsaka hindi lang baby dad, babies" pagtatama ko na nakangisi kaya ngumisi din siya at tuluyan na akong umalis.

Nang makarating ako sa bahay, bumaba ako sa sasakyan at Pumunta sa pintuan. Pagkabukas ko dito ay agad na tumambad ang kanyang Mukha.

Alyssa's Pov

3 months na akong buntis, heto ako ngayon naghihintay kay Ash, magpapacheck up kasi kami mamaya. 3 months palang akong buntis ngunit ang bigat bigat at ang laki laki na ng tiyan ko.

Nang marinig ko ang kanyang kotse, agad akong Pumunta sa pinto upang abangan siya.

"Ano?! San na ang babae mo ha?!" sigaw ko sa kanya. "Ano ka ba love, joke lang naman yun!" Sabi niya sakin sabay kamot sa kanyang batok.

Agad na lumiwanag ang Mukha ko dahil sa reaksyon niya "Anak, tignan mo ang cute-cute ni daddy" Sabi ko sa kanya sabay kurot sa kanyang pisngi.

"Ano ba yan love, nung mga nakaraang araw natatakot na ako sa mga reaksyon mo. Ano bang nangyayari sayo?" tanong niya sakin.

"Palagi mo nalang ako pinagsasabihan, palagi nalang akong makulit" Sabi ko sa kanya habang umiiyak

"Love naman, Ilang beses ka kayang umiiyak sa isang araw? Mamaya niyan baka mapano ka." Sabi niya sakin, niyakap niya ako at hinalikan ang ulo ko.

"Hinding hindi na ako maghahanap pa ng iba, ikaw lang sapat na. Lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal na mahal kita" Sabi niya sakin sabay halik ng mabilis.

"Talaga? Siguraduhin mo lang na totoo lahat, sinasabi ko sayo puputulin ko Talaga yan!" mataray kong Banta sa kaniya.

"wag naman love, sige ka wala ng magpapaligaya satin." Sabi niya sakin habang patuloy paring yumayakap.

"Ang bunganga mo Talaga!" Sigaw ko sa kanya at kumalas sa pagkakayakap niya sakin, sinampal ko ng mahina ang kanyang bibig pero natawa lang ito.

Foul Play Between LoveWhere stories live. Discover now