Chapter 5: Leonor?

79 3 0
                                    

Third Person Pov

'Shit, pano nagawa ni dad yun?! Hindi! Hindi pwedi! Hindi ko hahayaang may gawing masama si dad sa kanya!' Sabi ng isipan ni Ashton. Kinuha niya ang kamay ni Aly pero nasa pagdadrive parin ang consentrasyon niya.

"Tandaan mo, sakin ka na ngayon. I may be possessive and don't you dare make me jealous if you don't want to release my beast, Aly." Sabi ni Ash sa kanya habang patuloy paring nagmamaneho.

"At Hindi ko hahayaan na may manakit sayo" pagpapatuloy niya Pero tinitigan lang siya ni Aly. Alam niyang naguguluhan ang dalaga pero ginagawa niya lang ito dahil pinoprotektahan niya lang kung anong sa kanya at dahil mahal niya ito.

Unknown's Pov

*****Flashback*****

Papasok ako ng office, maraming tao ang nakapalibot sa office ni Mr. Shin at hindi pa nakauwi ang asawa ko ah, kahit ni isang tawag wala. May nakita akong nakahandusay na babae, agad ko itong nilapitan dahil napakapamilyar ng suot ng babae na nakahandusay.

Agad akong lumapit--Hindi!!! "Olivia!!" nakita ko na nakahandusay sa office ni Mr. Shin ang bangkay ng asawa kong si olivia. Durog ang kanyang mukha, papatayin ko ang sino mang gumawa nito! "hindi totoo to! Hindi!" galit na sigaw ko.

May naririnig akong mga yapak at tinignan ko kung saan nanggagaling ang tunog na yun "Mr. Shin bakit nandito po sa inyong office ang asawa ni Mr. Rivera?" tanong ng isang reporter sa kanya pero hindi niya sinagot. Labis ang galit ko sa kanya dahil pinatay niya ang asawa ko. "Ikaw!! Ikaw ang may kasalanan!! Magbabayad ka, magbabayad ka!!" galit na galit kong sigaw sa kanya habang pinipigilan ako ng mga pulis.

"Mr. Rivera, let me tell you. Hindi ako ang may kagagawan niyan. At wala akong responsibilidad dahil hindi siya isa sa mga empleyado ko. And i don't want to see your face in my office. EVER. AGAIN!" sabi niya sakin. "tandaan mo ito Mr. Shin, magbabayad ka!!" sigaw ko sa kanya at tuluyan na siyang umalis.

*****End of the flashback*****

Dahil sa kanya nawala ang pinakamamahal ko, at ang pinaka malala pa ay pinagbintangan nila akong nagnakaw sa kompanya. Eh ni isang katiting ng pera ni hindi ko nga magawang nakawin, kalahating milyon pa kaya! Oo aminado ako, na ako ang may kasalanan ng pagkawala ni Mr. Samuel Shin pero wala akong alam sa perang ninakaw. Buti nalang pekeng pangalan ang nilagay ko sa biodata dahil kung hindi, siguro ay nakakulong na ako ngayon.

"Dad, tell me. Ikaw ba ang dahilan kung bakit namatay si Mr. Shin?!" Sabi ni ashton na nakatiim bagang. Hindi ko siya sinagot dahil ayoko ng balikan pa ang nakaraan at gusto ko lang maghiganti sa asawa niya dahil hindi pa sapat na siya lang ang nawala, gusto ko ring sirain ang buhay ng asawa niya kaya gagamitin ko ang anak nila dahil mahihirapan ako kung sasaktan ko siya ng physical.

"Dad answer me?!" Sigaw niya "Eh kung sabihin kong ako, may magagawa ka?!" Galit na Sagot ko sa kanya. "Dad naman eh! Why did you do that?!" Sabi niya habang papalapit sakin.

"Edi para san pa? Gusto ko lang naman na ipaghiganti ang nanay mo. Pero hindi pa sapat na si Samuel lang ang nawala, gusto ko mawala na silang lahat. Kaya gagawin kong sandata ang anak nila laban sa kanya" sabi ko na nakangisi.

Sisiguraduhin kong magdudusa sila ng anak niya "Don't you dare dad! I won't let that happen. Subukan mo lang dahil kakalimutan ko na ama kita" sabi niya at tuluyan nang pumunta sa kwarto niya. Kinuha ko ang phone ko upang tawagan ang assistant ko.

Mr. Lee: Hire an assassin, kunin niyo ang anak ni Mr. Shin at dalhin niyo sa rest house. Wag na wag kayong papalpak.

At tsaka ibinaba na ang phone ko. Magdudusa sila, gusto kong makita na magmakaawa si Mrs. Shin sa harap ko.

Ashton's POV

Hindi maari, hindi! Gagawin ko ang lahat para protektahan siya. Unang kita ko palang sa kanya, iba na ang nararamdaman ko. She is a special woman who speaks a lot, she is unique, simple, Charming and beautiful. Pero hindi ko inaasahang mahuhulog ako sa kanya kahit alam kong malalagay sa piligro ang buhay niya kapag tuluyang nahulog na kami sa isa't isa. Kinuha ko ang phone ko at nagtext sa kanya.

Bahala na kung mahuhulog na kami sa isa't isa, kaya ko naman siyang protektahan. Alam kong dadating ang araw na malalaman niya na ang ama ko ang may kagagawan ng lahat. Pero wag na wag silang magkakamali na pigilan kaming dalawa, kung ayaw nilang makita ang pinaka matinding hagupit na maari kong gawin.

Kinuha ko ang phone ko at nagdial ipang tawagan ang backup ko.

Ash: Blue Ashed Devils, may mission tayo. Magkita tayo sa Headquarters.
Mason: Mukhang magiging halimaw nanaman si Mr. Lover boy ah.
Aiden: Basta pagkatapos nito tutulungan niyo ako kay Ms. Beautiful ha?
Ash: Fvck you Aiden!
Hades: Shut up, you two. Don't worry Ashton, pupunta kami.

At ibinaba na ang phone Ko.

Aly's POV

Kumakain ako ng tahamik nang biglang nag vibrate ang phone ko. 'A call from Unknown number' sino naman kaya to?

Unknown: Nakauwi ka na ba? Take care of yourself ha. I love u. Mag iingat ka at Tandaan mo na akin ka na.
Me: Oo na nakauwi na ako, kanina pa. Hay naku. Ikaw rin mag ingat. At wag kang mag alala kaya ko ang sarili ko.

At ibinaba ko na ang phone ko.

'Mr. Chingchong' yan ang inilagay kong contact name sa kanyang number. Eh kasi half chinese naman talaga siya eh kaya ayun. Nag aaply rin kasi siya sa kompanya namin kaya medyo may alam din ako tungkol sa kanya. Gwapo naman talaga siya, hindi lang talaga ako makapaniwala sa mga sinasabi niya na gusto niya raw ako pero ilang araw palang ang lumipas bago kami unang nagkita diba?

"dugdug-dugdug" naririnig kong tibok ng puso ko. Pero halatang seryoso talaga siya sa mga sinasabi niya, ang hindi ko lang talaga maintidihan ang mga nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya.

Hay naku, ano ba tong mga nararamdaman ko. Simula ng magkita kami parang nawawala na ako sa sarili ko. Matulog nalang kaya ako, kaysa istress ko pa ang sarili ko sa pag iisip dahil lang dun at baka mabaliw pa ako sa kaiisip. Ipinikit ko na ang aking mga mata.

Nagising ako nang biglang tumunog ang phone ko "Ring-ring" rinig kong tunog ng cellphone ko kaya kinuha ko at sinagot ito.

Me: hello mom
Mom: ahm anak pasensya na ha, hindi muna ako uuwi diyan pero pauwi na diyan si kuya andres mo upang bantayan ka. Siguraduhin mong nakalock ang lahat ng gates diyan anak ha? Goodnight, i love you.
Me: Sige po mom kaya ko na po ang sarili ko. I love u mom. Ingat din po.

At ibinaba ko na ang phone. Pumunta ako ng kusina para kumuha ng pagkain dahil nagugutom ako. Pero may naririnig akong ibang tunog, parang may nagbubulungan. Kinabahan ako bigla, pero kinuha ko ang kutsilyo at nagmanman kung may ibang tao.

May humawak sa balikat ko at may itinutok na baril sa likuran ko kaya itinusok ko sa kanya ang kutsilyong hawak ko pero may narinig akong putok ng baril at may naramdaman akong tumutulo na likido sa balikat ko. Madilim dahil dim light lang and tanging umiilaw sa kusina namin.

Foul Play Between LoveWhere stories live. Discover now