Chapter 1: Alyssa Virgo Shin

395 6 22
                                    

Alyssa's POV

Managers building

"Please introduce yourself, young lady." Sabi ng assistant ni mom. Nag aaply kasi ako ngayon ng trabaho. Tumayo ako at inayos ang dulo ng skirt ko "Ako po si Alyssa Virgo shin, 22 years old. I've just graduate in the course of business management and i am the only daughter of Mr. and Mrs. Shin..." Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil kumikirot parin ang dibdib ko sa lahat na nangyaring trahedya sa aking ama.

Ako si Alyssa. Madaldal, medyo lutang minsan hehe, mabait sa kapwa at tsaka mapagmahal. 6 na taon palang ako pero marami na akong nalalaman tungkol sa 'business industry' dahil gusto ko maging katulad ni mommy, maaga akong nagsimula ng pag aaral kaya maaga din akong nakapagtapos.

Kulay itim na may pagkabrown ang kulay ng buhok ko at hanggang siko ko ito, kapag nasisinagan ito ng araw nagiging brown ito, may pagka singkit ang aking mga mata dahil half chinese ako. 23 ang waist line ko at tsaka 5.6 ang height ko at medyo payat ng konti, yung katamtaman lang.

Bago daw nawala si daddy malaking pera ang nawala mula sa kompanya, dahil sa isang kataksilan. Leonor, pangalan ng taong sumira sa magandang kapalaran ng buhay namin. Dahil sa kanya nawala si dad, dahil sa inggit at kagustuhang gumanti na dapat hindi niya ginawa.

Alam namin na sampung taon na ang nakalipas pero hindi parin kami sumusuko na makamit ang kagustuhan naming mahanap si dad. Sana makita na namin siya. Sana buhay pa siya, sana.

Yan ang palagi kong dinadasal, nakamit ko nga ang mga mumunting pangarap ko pero ang pinakagusto ko namang pangarap ay hindi ko makamit ng husto. Palagi kong dinadasal na gusto ko ng makita si dad, pero wala. Wala talaga.

*****flashback*****

"Mom nasaan na po ba si daddy? " malungkot na sabi ko kay mom.
"Ahm, anak. Hindi pa kasi na hahanap ang daddy mo. Di bale anak dadating siya, dadating siya." sabi ni mom. "Ano po ba talaga ang nangyari sa atin?" Tanong ko sa kanya. Lumapit sa akin si mom.

"Habang nasa bakasyon kasi tayo kasama ang daddy mo, lumubog ang barkong sinasakyan natin. at hindi parin siya nahahanap. Pero wag kang mag alala anak, hahanapin ko siya at magbabayad ang lalaking gumawa nun satin" sabi ni mom at kinurot ang pisngi ko "Wag kang mag alala mommy, tutulungan kita." At niyakap ko siya.

*****End of the flashback*****

Bumalik ako sa realidad at nagsalita na si ma'am "Ahm, Ms. Shin it's ok. Kung ayaw mong ituloy, you may sit." Sabi ni ma'am kaya umupo nalang ako. Hanggang sa natapos na ang interview, pumunta ako ng stairs para bumili ng makakain dahil naririnig ko na ang mga kulisap sa aking tiyan. "Ring-ring" nagulat ako nang tumunog ang aking cellphone.

Me: hello mom?
Mom: oh anak, kamusta?
Me: ok lang naman po ako mom, bakit po pala kayo tumawag?
Mom: Your Kuya Andres has a new update about Leonor.
Me: po? Eh ano po daw ang balita? May balita na po ba kay dad?
Mom: pasensya na anak pero wala pa kaming may nakitang trace sa imbestigasyon sa daddy mo. Patuloy paring nag iimbestiga pero may nakukuha nanamang pera si Leon mula sa kompanya. Mahigit kalahating milyon nanaman ang nakuha niya pero clear naman daw ang CCTV at wala ding trace o ni anino at bakas niya.

Nanginig ang buong katawan ko, lungkot at galit ang nararamdaman ko.

Me: gusto niyo po bang pumunta ako diyan, ilang yapak lang naman  papunta diyan.
Mom: no need anak
Me: sige po mom, wag kang mag alala kaya ko po ang sarili ko. Mag ingat po kayo mom, mahal na mahal ko po kayo. See you later.
Mom: ikaw rin alyssa, tandaan mo na mahal na mahal din kita

Tsaka ibinaba ko na ang phone ko. Pumunta ako ng canteen at bumili ako pagkain. Habang kumakain ako biglang lumapit si cara sa akin, yung bestfriend ko "Hi besy, kamusta? Parang gumanda ka yata ah?" Panunukso niya. "Para kang sira Ewan ko sayo, kumain ka na nga lang diyan!" Naiinis kong sabi sa kanya. Ayoko ko kasing sinasabihan ako ng mga ganyang bagay.

Ilang minuto na ang lumipas tahimik kaming kumakain pero "Aly alam mo, kanina kapa tinitignan ng lalaking yon, especially yung isang yun. Yung pogi." Sabay nguso sa kabilang mesa kung saan may isang grupo ng mga lalaki na nakatingin sa direksyon namin ni cara. "Hayaan mo nalang." Sabi ko sa kanya "Asus! Kunwari kapa. Pero infairness ah, may itsura naman." Sabi niya na kinikilig.

Kaya hindi ko nalang pinansin. Hindi ko naman maiwasan na tumingin sa kanila, naiilang kasi ako eh. "besy, sige mauuna na ako. Uuwi pa kasi ako" sabi ko sa kanya sabay tayo. Akmang hahalikan ko na siya sa pisngi nang biglang nagsalita siya "Sige na, at baka matunaw kapa." Sabi niya sabay nguso sa mga lalaking nakatingin sakin at tuluyang umalis na ako.

Pauwi na ako mula sa opisina, naglalakad lang kasi ako dahil malapit lang naman ang bahay namin mula sa building. Taimtim akong lumalakad pero parang may nagmamasid sa akin, hindi pa naman masyadong madilim pero wala naman akong nakikitang tao sa paligid. Huminga ako ng malalim at ipinagpatuloy ang paglalakad 'baka guni-guni mo lang yon' sabi ng isipan ko.

Nang makarating ako sa bahay, dali dali akong naglakad ng mabilis. May naaamoy kasi ako. "Nana!" Sabi ko nang makita ko na nagluluto si nana at niyakap ko siya mula sa likuran. Siya ang nag alaga sakin simula ng bata pa ako, si Nana Belinda hindi pa naman siya masyadong matanda mga mid 40's at wala siyang asawa at anak inshort 'matandang dalaga'. "Oh aly andyan ka pala, oh tila pawis na pawis ka ah. Sige na pumasok ka na sa kwarto mo at magbihis. Ihahanda ko lang ito at tsaka hintayin mo lang ang mommy mo ah, mamaya andyan na yan." Sabi niya.

Umakyat na ako at nagbihis. Naka loose t-shirt lang ako tsaka naka shorts. Dali dali akong bumaba dahil naririnig ko ang busina ng sasakyan ni mommy kaya bumaba na ako. Nakita ko si mom mula sa pinto kaya nilapitan ko siya "Hi mom, kamusta?" Sabi ko sabay halik sa pisngi niya "Ok lang naman anak, ikaw kamusta ang interview mo?" Sabi niya "Ah ok lang naman po mom, sige na po kain na po tayo nagluto kasi si nana ng buttered shrimp." Sabi ko sabay ngiti ng malapad sa kanya.

Habang kumakain kami "Ahm mom, kamusta nga pala ang imbestigasyon?" Tanong ko kay mom dahilan nang napatingin siya sa akin "Wala pa namang mahalagang impormasyon anak." Sabi niya at pinagpatuloy ng kumain "Wag kang mag alala mom, maghahanap din ako" malungkot na Tumango lang si mom at kumain na kami ulit.

Foul Play Between LoveWhere stories live. Discover now