Chapter 30: Matched

42 0 0
                                    

Alyssa's Pov

First day ng kambal sa bahay namin. Kaya nandito kami ngayon ni Ash sa garden habang buhat ko si Ardie at buhat niya naman si Ariea.

"Alam mo Asul, nagmana talaga sayo si Ariea." Sabi ko sa kanya kaya napatingin ito sakin. "Syempre naman, ako kaya gumawa sa kanila" Sabi niya nakangisi at kumindat pa.

"T-tumahimik ka na nga lang diyan! Ang bunganga mo Talaga eh no! Mamaya niyan kung anu-ano na ang mga sinasabi ng anak mo dahil sayo." suway ko sa kanya.

"Sungit mo naman love, buntis ka ba?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya "Anong buntis?! Kakapanganak ko lang, tapos sasabin mong buntis ako?!" sabi ko sa kanya.

"Grabe Talaga ang mommy niyo mga baby, Sungit na sadista pa. Tignan niyo lang papaluin niya ako mga ngayon--Aray!" napadaing siya dahil pinalo ko ang braso niya.

Narinig ko namang humalakhak ang dalawa "Hahaha kampi sakin ang mga anak mo" natatawang sabi ko sa kanya kaya napakamot ito sa batok niya. "Grabe naman kayo kay daddy, sakit kaya mamalo si mommy" sabi nito sa kambal habang nakanguso.

"Gusto niyo bang ikiss ko si mommy? Para naman mabawasan ang pagkasadista at pagkasungit niya" sabi nito sa kambal kayo tumalikod ako.

Nabigla ako nang bigla niya akong iniharap ng sapilitan at Hinalikan ako. Hindi na ako umangal pa dahil alam ko naman sa sarili ko na gusto ko rin.

Nang kumalas kami, tumatawa parin ang dalawa na tila ba'y tuwang tuwa sa pinaggagawa namin.

"See mommy. The twins want us to kiss" Sabi niya sakin "Heh! Dinadamay mo pa Talaga ang kambal para lang sa diskarte mo" Sabi niya sakin pero kinindatan niya lang ako. "Love you love" Sabi niya sakin at dehadong namula ang pisngi ko Dali sa sinabi niya.

"I love you too, Asul ko" Sabi ko sa kanya kaya hinalikan niya ako. "ring-ring" tunog ng cellphone niya. "Panira!" sabi niya kaya natawa ako. Iniabot muna ni ash sakin si Ariea para masagot niya ang tawag.

Third Person Pov

Ang wrong timing naman ng tawag na yun. Pabugso naman nitong sinagot ni Ash.

Ash: dad, tsk such a wrong timing.
Dad: Sorry son, pero I have a good news for you. That bitch is not your mom, Addison Tang is your biological mom Ash. Pupunta ako mamaya diyan, sasabihin ko sa kanya ang katotohanang ipinagkait satin.

Wala nang may nasabi si Ash at Ibinaba niya na ang phone. Tumulo ang kanyang mga luha kaya nagtaka si Aly.

Alyssa's Pov

Nakita ko siyang umiyak kaya nagtaka ako. "Nana, paki bantay po muna ng kambal" Sabi ko kay Nana at inabot ko ang kambal sa kanya. Lumapit ako kay ash upang alamin kung anong nangyari.

"Love" mahinang sambit ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Hinayaan ko muna siyang kumalma hanggang sa tumigil na siya sa pag iyak.

"24 years! 24 years niya akong niloko! She drugged her own sister just to make her bullshit plans!" sigaw niya sabay patak ng mga luha niya. Napaiyak ako dahil sa kanya, ang sakit sakit makitang nasasaktan ang taong mahal mo.

Alam kong nahihirapan siya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Niyakap ko ulit siya, naaawa na Talaga ako kay Ash. Grabe naman kasi ang ginawa ni Olivia sa kanila.

"Son, Aly" bungad ni Mr. Lee samin kaya napatayo ako habang si Ash naman Umupo parin. "Hello po Mr. Lee" nahihiyang bati ko sa kanya habang pinapahid ang mga luha ko. "Aly, just call me Papa. You're going to be the wife of my son" Sabi ni Dad sakin.

"O-ok po, papa" nauutal na Sabi ko sa kanya. "Nandito na ba si Addi?" tanong ni Dad sakin "Wala pa po sila, padating na po siguro yun kasama nila mom." Sabi ko kay dad kaya tumango ito.

Foul Play Between LoveWhere stories live. Discover now