Chapter 6: Almost

71 0 0
                                    

Ashton's Pov

Agad kong inihanda ang sarili ko, nagsuot ako ng itim na t shirt, pants at hoodie. Nagsuot din ako ng bonet at mask para hindi niya ako makikilala.

Nandito kami ngayon sa tapat ng bahay nila. Nakita namin na may apat na lalaki na nakapalibot kay Alyssa kaya agad akong lumapit at itinusok ko ang kutsilyo sa tagiliran niya habang ang tatlo naman nagbabantay ng signal ko. Kaya napatingin ang mga kasama niya. "Wag kayong makialam dito!" Sabi ng isang lalaki. Itinutok niya sa akin ang baril, pero nakipag agawan ako sa kanya.

Pumutok ang baril, akala ko ako ang natamaan. Nakuha ko ang baril at pinaputukan ang lalaki. Wala na ni isa sa kanila ang buhay kaya ligtas na si aly. "S-salamat ha" sabi ni alyssa. Senenyasan ko ang tatlo na umalis na kaya umalis na ang mga ito at ako na ang bahala kay Aly, Senenyasan ko rin si Aly na humiga sa sofa, pumunta ako ng kusina at nilagyan ko ng maligamgam na tubig ang isang bimpo. Kumuha rin ako ng betadine at sipit.

Bumalik ako sa kanya at agad kong pinunasan ang sugat niya. Kinuha ko ang bala gamit ng sipit, alam kong nasasaktan siya kaya hinawakan ko ang kamay niya. Nang matapos ay bigla na akong tumakbo kasi ayokong malaman niya kung sino ako. Oh shit, naiwan ko yung pocket knife ko. Hindi niya naman siguro ako makikilala. Pero bahala na, ang importante natulungan ko siya.

Alyssa's POV

Parang napakapamilyar niya, nung hinawakan niya ang kamay ko parang naramdaman ko na yun dati. Nilagyan ko ng bandage ang sugat ko sa may balikat. Sino kaya sila? At pano sila nakapasok sa bahay? Sino ba siya, gusto ko siyang pasalamatan, Hindi ko siya namukhaan dahil naka mask siya. Naglakad ako para kuhanin ang phone ko.

Nang akmang hahakbang na sana ako ng may naapakan akong matigas na bagay kaya kinuha ko ito. Ano kaya to, may nakita akong pocket knife na may naka ukit na Lán huī , pero alam ko kung ano ang ibig sabihin nun. Marunong akong magbasa dahil nakakaintindi ako ng chinese characters. May infinity na sign ito at 'Blue Ash' ang kahulugan nito. Huhuhu buti nalang dumating siya, siya na kaya yung prince charming ko?

Nakakapagtaka lang kasi, bakit niya kaya ako tinulungan? At bakit niya Nalaman kung ano ang nagaganap dito.

"Ring-ring" sino kaya to? Unknown number? Agad kong sinagot ito.

Me: hello? Sino to? Hello?

Hindi siya sumasagot. Ano ba yan, tatawag tapos. Wait! Siya kaya yung?!

Me: ahm, kung ayaw mong sumagot ok lang. Pero kung ikaw nga yung tumulong sakin, salamat ah. Kung hindi kayo dumating. Siguro deds na ako. Oh siya sige na. Pero gusto ko kayong ma kilala Lalo na sa gumamot ng sugat ko para naman makapagpasalamat ako sayo ng personal. Naiwan mo pala yung pocket knife mo, kung gusto mong isauli ko sayo, you're free to go here naman. Sige na bye.

At pinatay ko na yung phone ko. Nandiyan na ang mga tauhan ni mommy, iniligpit nila ang mga bangkay ng Apat na lalaki.

May narinig akong busina ng sasakyan sa labas ng bahay at agad na bumungad si Kuya Andres "Oh anong nangyari sayo?" Sabi niya. "May mga nagtangkang patayin ako, Apat sila at wala na silang malay at ayun na sila iniligpit na ng mga tauhan, pero wag kang mag alala kuya andres. Sugat lang ito tsaka malayo sa bituka" sabi ko sa kanya dahil alam kong nag aalala siya.

Nakita kong kinuha ni kuya andres ang kanyang phone pipigilan ko pa sana "K-kuya wag na-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil kausap niya na si mom sa phone. "Hello boss, ayos lang naman po. Opo, pero may sugat po siya. Sige po, ako na ang bahala sa kanya" sabi ni kuya na halatang kausap si mommy "Kuya naman eh, sana hindi mo nalang sinabi" sabi ko sa kanya na naiinis. Ayoko na kasing mag alala siya eh.

"ring-ring" aytss si mommy. Si kuya andres kasi eh! Sinamaan ko nalang si kuya andres ng tingin habang siya naman ay nakaupo sa sofa na parang relax na relax. Ang Echos ha!

Me: hello mom?
Mom: aly naman eh, diba sabi ko sayo mag iingat ka?!
Me: konting sugat lang naman po--
Mom: kahit na! Eh ano nalang kapag nawala ka?! Pano na ako?!
Me: ok lang naman po ako mom, tsaka may mga tumulong naman po sakin.
Mom: then who are they?!
Me: hindi ko po sila namukhaan mom eh kasi naka mask po sila at yung isa naman po, ginamot ang sugat ko.
Mom: ok, let me talk to your kuya andres.

Sabi ko sabay abot kay kuya andres ng phone ko. 'Yan tuloy, ikaw kasi eh!' senyas ko sa kanya.

Andres' Pov

Boss: i will call rio to send guards for the safety of my daughter. Protect her while i am here. 2 months pa bago ako makauwi diyan
Me: ok po boss, can i have--

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Lintik naman oh! Hihingi lang naman sana ako ng leave kaso ang sungit kasi ni boss maganda nga sana eh haha kaso mas lalaki pa sakin yun kung kumilos, buti nalang hindi nagmana si alyssa sa kanya.

"Oh ito na yung phone mo. Sa susunod na dalawang buwan pa daw uuwi ang mommy mo. By the way can i ask a favor?" Tanong ko sa kanya. "Sure kuya ano yun?" Sabi niya na nakangiti "sabihan mo naman ang mommy mo na bigyan ako ng leave kahit isang buwan lang. Sige naman oh, please" sabi ko sa kanya nakanguso at nag 'puppy eyes' pa! hahaha para mas effective "sige na nga, basta kakanta ka" sabi niya.

Putragis naman to, hindi niya nga namana ang pagkamaldita ng kanyang ina pero namana niya naman yung pagkapilyo nito.

"Aly naman oh! Alam mo naman na kapag kakanta ako magiging signal no. 10 ang bagyo at baka nga mas lumala pa ang alert level ng bulkang taal." Sabi ko sa kanya sabay kamot sa batok ko pero humalakhak lang siya. Nakakainis! "Edi wag" sabi niya "Aly naman!" Tatalikod na sana siya kaya pinigilan ko siya.

"Then sing, or no leave? Eh sana kung di ka nagsumbong kay mom, pwedi pa siguro" Sabi niya habang nakapamaywang. "Wag na ngalang" sabi ko sa kanya sabay kamot sa batok ko. Haystt mag ina nga talaga. "Oh siya sige lalabas nalang ako." sabi ko sa kanya at lumabas na.

Foul Play Between LoveWhere stories live. Discover now