Chapter 17: Hospital Moments

52 3 0
                                    

Alyssa's Pov

"Can we continue what we were doing before" sabi niya sakin sabay kindat. Sinamaan ko siya ng tingin "Come here baby" sabi niya habang sinesenyas niya na umupo ako sa tabi niya.

Lumapit ako sa kanya, hinawakan niya ang pisngi ko at muling sinakop ang mga labi ko.

"Ash, baka may makakita satin" Sabi ko, tila wala na ako sa tamang pag iisip dahil sa pinag gagawa niya. Umakyat ang mga kamay ko papunta sa batok niya at mas diniin ko pa ang pagkakahalik niya sakin.

"Ahm, oops wrong timing hehe" nagulat kami nang biglang may nagsalita mula sa pinto, si Cara Bestfriend ko "A-ah, Cara nandito ka pala" nauutal kong sabi. Napakamot ako sa ulo ko dahil sa kahihiyan.

Tinignan ko si ash, nakangisi siya kaya kinurot ko siya ulit sa tagiliran. "Nakakailan kana ha, yari ka sakin kapag nadischarge na ako rito" bulong niya sakin. Pinunasan ko ulit ang mga kiss mark ko sa labi niya.

"A-ah Cara, maupo ka muna" alok ko kay Cara kaya umupo siya sa isang couch, nilapitan ko siya "Besy, ang swerte mo naman. Naku besy ha hospital to at hindi dito ang tamang lugar" natatawa niyang sabi sakin at tinusok pa ang tagiliran ko.

Pero nginitian ko siya ng sarkastiko at pumunta ako sa table kung saan may isang supot ng tinapay at isang bowl na soup na binili ko kanina. Buti nalang mainit pa ang sabaw.

Nang papalapit na ako sa inuupuan ni cara bigla siyang tumayo. "Ah, besy. Punta muna ako ng cr at tsaka pwedi niyo nang ituloy ang ginagawa niyo kanina at wag kayong mag alala, babagalan ko talaga ang kilos ko para naman may enough time kayong dalawa. Alam mo na." nakingiting sabi ni cara.

Kaya hinampas ko siya, nakita kong tumawa siya "Grabe ka naman Aly, ang sadista mo talaga. Ganyan ka din siguro kapag nag aano kayo no--" hindi ko na siya hinayaang ipagpatuloy ang kanyang sasabihin dahil nilagyan ko ng sapilitan ang bunganga niya ng tinapay.

"masarap diba?" sarkastikong sabi ko sa kanya kaya tumango nalang siya at lumabas na sa pinto.

Nang papalapit na ako sa hinihigaan ni ash bigla siyang nagsalita "Sadista" nakangising sabi niya kaya tinakpan ko ang pisngi ko dahil naramdaman ko na uminit ito.

Umusod siya upang makaupo siya nang maayos. Nabigla ako nang sapilitan niyang kinuha ang mga kamay ko mula sa mga pisngi ko at inilapit niya ang mukha naming dalawa.

Hinalikan niya nanaman ako, mas madiin at mapusok ito. Dahan dahan kong nilagay sa batok niya ang mga kamay ko habang naghahalikan kami at ang kamay niya naman ay nasa bewang ko. Bumaba ang mga halik niya sa leeg ko.

Huminto siya "i-lock mo muna ang pinto para kapag may kumatok, makakapag handa tayo" sabi niya sakin kaya sinunod ko siya. Hindi ko nga alam kung ano ang pumapasok sa isip ko dahil sunod ng sunod ako sa kanya.

Lumapit ako ulit sa kanya, tumayo siya kaya nagulat ako. Akmang magsasalita ako "kaya ko na, no more chitchats" sabi niya sakin.

Nang makatayo na siya "lie down baby" utos niya kaya sinunod ko siya at nahiga ako sa hospital bed niya. Hinalikan niya nanaman ako at nasa ibabaw ko na siya ngayon. 

"(toktoktok)" napahinto kami nang marinig namin na may kumakatok sa pinto. "Bullshit." sabi niya kaya agad namin inayos ang sarili namin at nagpalit kami ng puwesto.

Binuksan ko ang pinto "Oh, aly kamusta na si ash" nakangiting tanong ni mom sakin at kasama niya si cara na nakangiti. Pumasok kaming dalawa. Shit ang lipstick ko sa labi ni ash.

"Ano nanamang milagro ang nangyari dito?" natatawang tanong ni mom habang si Cara ay humahalakhak "Kanina pa nga yan tita. Naabutan ko nga silang--" hindi ko na itinuloy ang sasabihin niya nang bigla kong tinakpan ang bibig niya.

"Ikaw Ash ha, grabe ka talaga" sabi ni mom at kinindatan pa si ash. "A-ah mom maupo muna kayo" nauutal kong sabi kay mom kaya natawa siya nang mahina.

Ilang oras na ang lumipas at lumabas narin si mom at umalis din si cara kaya kami nanamang dalawa ang naiwan sa loob. Buti nalang dumating si doc "Ayon po sa condition ni Mr. Lee, pwedi na po siyang ma idischarge dahil maayos na rin po ang pakiramdam niya." sabi ni doc pero nakita kong semesenyas si Ash pero hinayaan ko lang siya.

Habang naglalakad kaming dalawa, may napansin akong banner at siya ang nasa picture. "Ash?!" nagtatakang tanong ko sa kanya habang tinuturo ko ang banner.

"Ahm, ok. Hindi ko sana babanggitin sayo to. But because ikaw na mismo ang nakikita so I'll tell you. I am the CEO of this hospital" sabi niya sakin na ikinagulat ko. "B-bakit hindi mo sinabi. Kaya Pala nakapag discharge ka nang maaga" sabi ko sa kanya at nakita ko siyang ngumisi.

"Of course. I really want to spend my night with you" sabi niya sakin sabay kindat. "Ewan ko sayo" sabi ko sa kanya.

Foul Play Between LoveWhere stories live. Discover now