Chapter 22: Ang pagtatagpo

43 2 0
                                    

Samuel's Pov

Kailangan kong umalis dahil alam kong susundan ako ni rio. Siya ang may kagagawan ng lahat, I'll make sure his soul will suffer in hell.

Agad akong tumakbo papunta sa isang gubat para walang may makakita sakin. Nang makarating ako sa pinakadulong bahagi.

"Ella?!" nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko. Si Ella, na pinakamamahal ko.

Agad akong kumaripas ng takbo na halos madapa ako dahil sa bilis ng takbo ko. "Sweetheart, I've missed you" sabi ko sa kanya.

Ella's pov

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil parang lumundag ang puso ko sa tuwa. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil nakita ko na siya.

"Ang daya mo naman, bakit mo ako iniwan?" umiiyak kong tanong sa kanya.

"Please sweetheart, don't cry. Nandito na ako at hinding hindi na ako mawawala sa tabi ng a-anak natin" halos pabulong ang mga huling salita niya.

"Samuel, wala ka namang kasalanan. At tsaka ayos lang naman kami ng anak mo" nakangiting sabi ko sa kanya habang nakahawak ang isang kamay ko sa kamay niya.

"Anak natin sweetheart" pagtatama niya sakin kaya napangiti ako sa sinabi niya. "Mr. and Mrs. Shin kailangan na nating umalis dahil baka makita nila tayo" sabi ni Anthony samin.

Mabilis kaming naglakad dahil baka maabutan kami ni rio. Alam ko na siya ang may kagagawan ng lahat, naikwento na lahat sakin ni samuel kung ano ang nangyari sa kanya noong naaksidente kami.

Napadpad daw siya sa isang isla at habang palutang lutang siya may mga tumulong sa kanya, ang akala niyang tutulong sa kanya ay sila pa pala ang magpapahirap sa kanya. Kinuha daw siya ng mga mangingisda, hindi sila basta bastang nangingisda dahil isa sila sa mga drug exporters sa pilipinas. Grabe daw ang paghihirap na dinanas niya sa kamay nila, hanggang sa nagkaroon siya ng timing para makatakas hanggang sa napadpad siya sa isla kung saan may mga baryo at nakita siya ni Inang na siyang nag alaga sa kanya.

Nandito kami ngayon sa sasakyan, nasa backseat kaming dalawa ni Samuel at si Anthony ang nagdadrive.

Nabali ang pag iisip ko nang biglang nagsalita siya "Sweetheart I've missed you" nang aakit niyang sabi sakin. Nabigla ako nang hinalikan niya ako, malagkit na halik ang binibigay niya sakin.

Para akong nalalasing sa halik niya at para kaming uhaw na uhaw sa isa't isa. Nang ma realize ko na hindi lang kami ang tao sa sasakyan.

Kinurot ko siya sa tagiliran na kinadaing niya. "sweetheart, I'm sorry namiss lang naman kita" sabi niya sakin habang nakangiti. "Che" sabi ko sa kanya at inirapan ko siya.

"Parang ang sungit mo ngayon ah, buntis ka ba? " tanong niya sakin kaya mas uminit ang ulo ko "Anong buntis?! Pano ako mabubuntis kung nawala ka nang ilang taon" bulyaw ko sa kanya.

Nakita kong ngumisi ang baliw "Oh bakit nakangisi ka diyan?" mataray na tanong ko sa kanya. "Akala ko kasi naghanap ka ng lalaki nung umalis ako" sabi niya sakin at ibinaling ang tingin kay Anthony kaya hindi ko siya pinansin.

Lumapit siya sakin at may ibunulong "May gagawin tayo mamaya" nang aakit na bulong niya sakin. "Mukha mo!" mataray na sabi ko sa kanya.

"Oo, itong mukha ko ang magpapaligaya sayo mamaya" sabi niya sakin. Kinurot ko siya ulit kaya napadaing siya. "You're such a sadist sweetheart" sabi niya sakin.

"Gusto mong patayin kita?" banta ko sa kanya. Ngumisi lang siya "Baka gusto mo akong patayin sa sarap sweetheart" sabi niya sakin. Talaga bang hindi ka pa titigil ha, pwes ito ang dapat sayo.

Siniko ko siya kaya napadaing siya "Easy sweetheart, easy" sabi niya sakin habang hinahawakan niya ang kanyang tiyan. Ngumisi ako dahil sa reaksyon niya

"Yan kasi hindi nakikinig" nakangising sabi ko sa kanya kaya napakamot siya sa ulo niya at hindi na ulit umimik.

Huminto na ang sasakyan dahil nandito na kami sa mansion. Hay sa wakas, mabubuo na ang pamilya ko. Pinagsiklop ni Samuel ang kamay namin at bumaba na kami mula sa sasakyan.

Alyssa's pov

Saan na kaya sila mommy, sana mahanap na nila si dad. Umupo ako sa sofa dahil kanina pa ako balisa. Nakita ko si Ash na papalapit sakin na may dalang gatas kaya napangiti ako.

"Love, drink this para kay baby" sabi niya sakin at inabot sakin ang gatas. "Thank you love" sabi ko sa kanya, umupo siya sa tabi ko at hinalikan ang noo ko.

"Alam mo love excited na ako na lumabas ang mga baby" nagtaka ako kong bakit 'mga baby' ang sinabi niya. "Anong mga baby?! wag ka nga!" mataray na sabi ko sa kanya.

"Love naman syempre dadagdagan ko pa yan" sabi niya sakin habang nakangisi.

"Wag ka nga! Batukan kaya kita diyan. Hindi mo lang alam kong gaano kahirap mabuntis!" bulyaw ko sa kanya kaya natawa siya ng mahina.

Foul Play Between LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon