Chapter 1

115 5 0
                                    

“Winnie!!!!!! BUMANGON KANA! LATE KA NA NAMANG BATA KA!HALOS ARAW-ARAW NA LANG KITANG GINIGISING! PANO PAG ISANG ARAW UMALIS NALANG AKO AH?! SIGURO MAGHAPON KA LANG MATUTULOG! KAYA KA NANABANG BATA KA EH! GAYAHIN MO ANG KUYA MO.. NAPAKA RESPONSABLE!”


Magigising nalang ako sa alarm ko.. Sa bunganga ng nanay ko. Kahit weekends ganyan yan… Kailangan magising sa tamang oras. Hays..

“Winnie! BUMA-”


“ETO NA POOO!!!” hindi ko na pinatapos sa pag bubunganga ang nanay ko dahil kung ano ano na naman ang sasabihin nito.


Nagmadali na ako kumilos para makapaligo na at makapag-ayos hanggang sa kakain na ako.. Pero ang bunganga parin ni mama ang almusal ko.


“nay! Alam nyo po sa alam ko na ireregalo ko sayo” habang nanguya ako ng kanin at ulam na ginisang sardinas sa itlog.


“Ano naman ABER?!” nakabusangot na sabi nito. May talent pala ang nanay ko yung nagsasalita na hindi natalsik ang kinakain sa bibig.. Hehehe…


“Recorder po...para di kana po mahirapan sa araw araw na pag ngawa sakin po.” nakabungisngis na sabi ko dito. Napatingin ako kay kuya habang iiling-iling at tatawa tawa eto.


“ABAT! ikaw na bata ka talaga! Gayahin mo nga si kuya mo!” nakangiting sabi nito kay kuya. Si kuya naman naka evil smile sakin… BWISIT TALAGA TOH!!!!


Hindi natapos ang pagkain namin sa panenermon sakin ni nanay at pagpuri nito na hinayupak kong kuya.


Nakarating na kami ng school ni kuya ng hindi umaabot ang 15 mins. Kasi nakabike kami este si kuya lang pala kasi angkas lang ako. Bawal daw ako magbike kasi pangit na nga daw ako baka magalusan pa daw ako.. Wala na daw maganda sakin! Bwisit diba?!





Pag ba mataba pangit na agad?! Makapang judge ang tao talaga! Kahit pamilya mo nagiging kontrabida sa paningin ko pag binabanggit ang katabaan ko! Haller! Chubby lang ako! Mga bwisit!!!! Pag tag gutom unang mamatay ang mga payat! Hahaha char!



“Oh! Aantayin kita dito mamaya ah?! Wag kang mahuhuli.. Baka makipaglandian ka pa dyan eh hindi BAGAY!” sabay bunghalit ng tawa ng kapatid ko.




“Wow perpek kuya?! Eh ikaw nga dyan eh! HINDI KA YUMMY! Mukha kang buto’t balat bwisit ka! Kung makapang lait ka!” sabay belat dito at nagtatakbo papasok ng gate ng school namin.



Iniwan ko syang mukhang maninipa sa asar sakin. HUH!! Kala nya siya lang may karapatang manlait? Hindi noh!



So, eto na nga papasok na ako ng building namin. Ang kuya ko ay kaschoolmate ko kaya wag na kayo magtaka kung bakit hinatid nya ako kasi dito rin punta nya. First year highschool ako at si kuya naman ay 4th year naman… kaya malas ko kasi magka schoolmate kami ni kuya.



“Bes!” tinawag ako at kinawayan ng kaibigan ko na si sheryl kaya napahinto ako para sabay na kami paakyat.



“grabe! Ang taas naman ng hagdan na to… bakit ganon? Ang Unfair ata.. Tayong 1st year ang nasa taas samantalang ang higher section nasa ibaba?!” kasi naman nagrereklamo na ang 1 layer na bilbil ko. Oo! 1 lang talaga layer.. Kaya hindi ako mataba.. Chubby lang talaga!.




“siguro bes… parang step lang to ng pagaaral habang  tumatagal dumadali?” paliwanag nito sakin.



Ewan ko dito.. Kaya minsan ayaw ko kausap to eh.. 1st year pa nga lang kami kaya dapat medyo madali diba? Eh yung last year yun ang mahirap kasi graduating na.. Asar talaga magexplain to minsan eh.. Hahaha



Madami dami na ang tao nung dumating kami ni she sa room namin buti nalang kasection ko to at syempre kacheatmate ko din sya.



AAAAAAHHHHHHHH….



“ANG GWAPO TALAGA NILA!”


“SANA KA YEAR LEVEL NALANG NATIN SILA”


“HAYS! PAG GANTONG MGA MUKHA ATA ANG ARAW ARAW NATIN MAKITA SISIPAGIN TAYO PUMASOK.. AHH!!!”


nagkatinginan kami ni bes kaya hinihintay namin na dumaan sa pinto ang tinitilian ng classmates at ibang section namin sa labas ng room.



AY POTEK! Si kuya lang pala.. HUH?! SIKAT SYA SA SCHOOL NAMIN?!



Napatingin ako kay she at nabasa ata nito iniisp ko kaya nagkibit balikat nalang ito.


Plus! Kasama nito ang friend nyang suplado.. Si jesthle :( bwisit!



“Winnie” tawag sakin ni kuya. Syempre lahat nakatingin sakin.. Kay sasarap tusukin ng mga mata kung makairap.


“WTF?!! sya ba yung hinahanap ni sean? Duh!”



“sister ata yan ni sean kasi laging magkasabay pumasok yang dalawang yan”



“TALAGA?! weehh? Parang hindi naman eh!”


Kung warfreak lang ako may tigiisa silang sampiga at suntok sakin!makapang husga wagas?!



“Oh notebook mo.. Nasakin nakalimutan ko ibigay kanina sayo.” inabot nya sakin ang notebook na hinahanap ko kagabi pa nasa kanya lang pala.



“pfftt.. Hindi sila naniniwala na magkapatid tayo” pabulong na sabi ni kuya sakin habang tatawa tawa..


Inapakan ko nga ang sapatos nito para matigil kakatawa. Kaya sinamaan nya ako ng tingin at sinamaan ko din sya ng tingin. Pero napatingin ako sa mata ng taong nasa likod nya..



Shit! Self tumigil ka nga! Kalma lang!



Sinamaan nya ako ng tingin kaya napabaling ako ng tingin kay kuya sabay sabing “THANK YOU KUYA!”



NILAKAS KO TALAGA PARA IPAMUKHA SA MGA NANGHUHUSGA NA MAGKAPATID KAMI! MGA TSISMOSANG FROGLETS!



“OH..sabi ko sayo friend magkapatid sila eh!”




“swerte nya! May gwapo syang kapatid!”




“dapat pala makaclose natin sya!KYAHHH!!!”



MUKHA NYO! Kaya umubob nalang ako para di nila ako makausap.. Nasusuka ako sa kaplastikan nila! PWE!



Pero bakit ganon? Hanggang ngayon crush ko parin ang taong yun.. Hays! Konting malapitan ko lang sya nagsusungit sya sakin. Hindi ko sya maintindihan… Wala naman akong maalalang pinagawayan namin. Basta ang alam ko lang simula ng unang nakita ko sya.. Sya na ang nagpatibok ng kirengkeng kong puso.. Anebe! Kaya kahit anong sungit nya sakin.. Gustong gusto ko parin sya. Alam mo yung sinasabi ng iba na kahit andyan lang sya tila kay layo layo nya?! Ganern! Mula grade 1.. Gusto ko na sya.. At hanggang ngayon kinikilig parin ako sa kanya!




“Tandaan mo! Wag na wag ka maglalalapit kay jesthle.. Ayaw non sa pangit!”




Natatandaan ko pang sabi ni kuya sakin nung mga bata pa kami.. Paulit ulit nya yan sinasabi kaya paulit ulit na nagrerewind sa utak ko pag laging nagpapantasya ako sa taong yun. Kaya isang malaking BWISIT si kuya!



Pero nalulungkot parin ako.. Kaya siguro masungit sakin si jesthle kasi tama sinasabi ni kuya na ayaw nito sa pangit? Pero di naman ako pangit eh… chubby lang ako. 😢




Kung magtataka man kayo kung bakit di ko sya tinatawag na kuya? Nagkakamali kayo.. Kasi pag magkaharap kami kuya ang tawag ko sa kanya.. Kasi baka mahalata ni kuya na may gusto ako.. Kung ano na namang sabihin nun sakin.



Matatapos nalang ang maghapon na walang pumapasok sa isip ko kasi buong araw si jesthle at ang mga mata nito ang naiisip ko.. aarrrggghhh!!

My Brother's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon