Chapter 30: Matched

Start from the beginning
                                    

"Puntahan ko nalang muna ang mga apo ko, nasaan na nga ba sila?" tanong ni Papa. "Nandun po sila kay Nana, sandali lang po at kukunin ko na sila." Sabi ko sa kanya at pinuntahan sila Nana.

"Para nagkakatuwaan kayo ah." nakangiting bungad ko sa kanila. "Oo nga eh, ang cute cute kasi nilang laruin" Sabi ni Nana sabay kurot sa kanilang pisngi. "Kunin ko muna sila Nana, nandyan kasi ang lolo nila" Sabi ko kay Nana kaya inabot niya sakin ang dalawa.

Nang makabalik na ako "Mga apo, nandito na si lolo" Sabi ni papa kaya inabot ko sa kanya si Ardie na tuwang tuwa. "Akin na muna ang dalawa, mukhang kailangan ka ngayon ni Ashton" Sabi ni Papa sabay kindat kaya ibinaling ko ang tingin ko kay Ash, at nakita ko namin itong ngumisi.

"Come here love" Sabi niya sakin habang sumisenyas na Umupo daw ako sa kandungan niya. Umupo ako sa tabi niya kaya napabuga siya ng hangin. Sige na nga pagbibigyan na!

Tumayo ako at Umupo sa kandungan niya "Masaya kana? Pinagtatawanan na tayo ng mga anak natin" Sabi ko sa kanya, niyakap niya ako mula sa likuran "Gusto lang naman nila na magkasama tayo parati" Sabi niya kaya napangiti ako.

"Mukhang nagkakasayahan kayo dito ah?" bungad ni tita Addi samin habang nasa likod niya naman sina daddy at mommy.

Iniabot ni Papa kina mom at dad sila Ariea at Ardie. "Love, puntahan mo na si Tita." Sabi ko sa kanya kaya tumango siya at hinalikan ako ng mabilis.

Third Person Pov

Lumapit si Ashton sa dalawang nag uusap. "Meron kang dapat malaman Addi" Sabi ni Leon sa kanya. Napakunot noo naman ito dahil hindi niya maunawaan ang sinasabi nito ibinaling niya ang kanyang pananaw sa dalang envelope ni Leon. "You can spill the beans if you want to." nakangiting Sabi ni Addi sa kanila.

"Can we go somewhere else, yung tayong tatlo lang." Sabi ni Leon.
"Parang ang serious ng pag uusapan natin. Sa patio, Kung Ok lang sa inyo?" Sabi ni Addi kaya sumunod silang dalawa.

Nang makarating na sila doon, agad namang iniabot ni Leon kay Ash ang envelope at kinuha ang isang papel kung saan nakalagay ang DNA Test na matched si Ash at si Addi.

Binigay ni Ash kay Addi ang paper kaya binasa niya ito. "Anong i-ibig sabihin nito?! M-matched?! Pano nangyari ito?! Matagal ng p-patay ang anak ko, impossibleng ikaw yun!" hindi makapaniwala si Addi sa natuklasan niya.

"I know that it's hard to believe, but  that's the truth. Mom-- my fake mom which is Olivia Tang drugged the both of you." Maikling paliwanag ni Ash, Ibinuhos ni Addi ang kanyang emosyon.

"24 years! 24 years niya tayong niloko! A-anak." nauutal niyang Sabi kaya niyakap siya ni Ash.
"Pano niya nagawa sakin lahat ng to!" galit na Sabi ni Addi habang yakap yakap siya ni Ash.

"Nagawa niya yun dahil m-mahal niya si Rio, hindi ko alam na niloloko niya lang ako. Pera lang ang habol niya sakin, hindi niya daw gustong magkaanak sakin D-dahil hindi niya ako m-mahal kaya Nagawa niya yun, sinet up niya ang lahat." paliwanag ni Leon.

"Kalimutan na natin ang lahat ng iyon, magsisimula tayo ng bagong simula. Alam kong sobrang sakit sa side natin ngunit wala na tayong may magagawa pa." Sabi ni Addi habang pinapahid ang kanyang nga luha.

Mabuti naman at nagkaliwanagan na silang lahat. Bumalik silang tatlo sa loob ng bahay. Nilapitan ni Addi si Ella upang ibilita sa kanya ang nalaman ya.

"Ella, naaalala mo ba ang namatay kong anak?" nanghihinang Sabi ni Addi kay Ella.

"Oo bakit?" nagtaka si Ella dahil sa tanong ni Addi sa kanya. "S-si Ash tsaka ang anak ko. Siya ang A-anak ko" nauutal na Sabi ni Addi at umiyak nanaman. "P-paano nangyari iyon, I thought olivia is his mom?" singit ni Samuel sa kanila.

Kinurot siya ni Ella kaya napadaing siya "Ikaw Talaga! Ang chismoso mo, girls talk kaya to!" sigaw sa kanya ni Ella kaya napakamot nalang ito at Pumunta sa Kambal.

"She drugged me, sinet up niya kami ni Leon! Diring diri ako nun sa sarili ko dahil ang inaakala ko, I was raped! Yun pala siya ang dahilan! Siya ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko! 24 years akong nagtiis. She even took my son." napahagulhol siya dahil sa lahat ng emosyong nagsasamo sa kanyang puso't isipan.

"Mom, if it's ok. I can handle this" Sabi ni Aly sa kanila kaya bumalik silang lahat sa loob ng bahay. Hinayaan muna ni Aly si Addi. Magaling kasi si Aly magpakalma ng isang tao, kaya hinayaan silang dalawa ni Ella.

Alyssa's Pov

Hinayaan ko muna si Tita Addi, gusto ko muna siyang pakalmahin upang kausapin. "Tita, pwedi mo namang ilabas ang galit mo. Alam kong nahihirapan ka, kailangan mo po yang mailabas. Hindi namin natin pweding pasanin ang lahat ng ito habang buhay." Sabi ko sa kanya habang pinapahid ang mga luha niya.

"I get your point Hija, I'll give it a try" Sabi niya kaya napangiti ako. "Kayo po ang nagturo niyan sakin diba, kapag nangyari na ang isang bagay wala kanang may magagawa dun ang kailangan mo lang gawin ay kalimutan ito at magsimula ng panibagong panimula" Sabi ko sa kanya.

"I guess your right, salamat sa pagpapa alala Hija. Hindi nga nagkamali ang anak ko sa pagpili sayo" Sabi niya sakin kaya naramdaman kong namula at uminit nanaman ang pisngi ko.

"Shall we go in?" Aya niya sakin kaya tumango ako. Nang pumasok kami "From now own magsisimula na tayo ng bagong panimula" Sabi ni Tita Addi kaya napangiti kaming lahat.

Hinding hindi namin makakalimutan ang araw na ito. Isa ito sa mga araw na dapat naming pahalagahan dahil sa naidulot nitong aral sa aming lahat. Alam ko namang Madami na ang nangyari saming pamilya ngunit nalampasan din namin ito, kailangan mo lang magpakatatag at kailangan mo rin sundin ang puso mo paminsan minsan. At wag kalimutan na andyan parin ang diyos na gumagabay satin.

Foul Play Between LoveWhere stories live. Discover now