Epilogue (Part 4 of 4)

554K 22.1K 35.7K
                                    

#CTGEpilogue (Part 4 of 4)

"Iñigo, you done?" tanong ni Yago sa 'kin kasi kaka-balik ko lang galing sa presinto kasi may inayos ako para sa mga Villamontes... Grabe talaga 'yung pamilya na 'yun. Pero ang laki din naman ng binabayad nila sa 'min.

"Alis na ba kayo? Sige, ako na lang magla-lock," sagot ko sa kanila kasi may kailangan pa akong ayusin. Gusto ko kasi pag-uwi ko, wala na akong iisipin sa trabaho kasi gusto ko na na kay Cha at Lily lang 'yung atensyon ko.

Shit. Miss ko na mag-ina ko.

Nang matapos ko 'yung binabasa ko sa laptop, mag-aayos na sana ako pero nagulat ako dahil nandun pa pala sina Jax at Yago. Si Yago, nagcecellphone habang si Jax, natutulog sa may sofa. Nakaka-pagod din, e. Ang dami naming ginagawa araw-araw... Kailangan na namin ng dagdag na man-power bukod sa secretary.

'Di ko lang din alam kung kailan babalik si Cha sa trabaho kasi parang aliw na aliw siyang alagaan si Lily. 'Di ko nga mabuhat, e! Ang daya! Kasama niya na nga buong araw tapos kapag uuwi ako, tulog na! Tapos kapag minsan na naabutan kong gising, si Cha din bumubuhat. Tsk! Dapat talaga kambal anak namin para tig-isa kami.

"You done?" Yago asked nang mapansin niya ko.

Tumango ako. "Bakit nandito pa rin kayo?" tanong ko.

Sanay naman kasi ako na naiiwan ako sa opisina. Uwing-uwi kasi palagi sina Yago at Jax para uwian mga asawa nila tas alagaan 'yung mga anak nila. Ganon din naman ako kaya lang gusto ko ring tapusin trabaho dito tapos siguraduhin na maayos lahat. Aware naman ako na ako dahilan kung bakit nagsimula 'tong BGY Law Firm—they really risked their careers to go work here, so I really felt pressured. Kaya kailangan bago ako umuwi, maayos lahat dito.

"Kallie's 10th month," Jax replied.

Umawang ang labi. "Wala akong regalo."

"It's fine," he replied. "She's barely one. She doesn't know anything," he continued.

Sabay-sabay kaming naglakad palabas. Sobrang grabeng nanay si Kitty... Bawat buwan ni Kallie, may dinner o lunch sa bahay nila. Bale pang sampu na 'yung ngayon. Grabe din iyong binyag nila. Akala mo debut, e. Ibang-iba sa binyag ni Lily na bente lang yata kami.

Sumakay na ko sa sasakyan ko tapos tatawagan ko sana si Cha kaya lang nakita ko na may text siya na na kina Kitty na raw siya kaninag hapon pa. Ang ingay siguro 'dun! Tatlong baby na nag-iiyakan!

Binilisan kong magdrive kasi gusto ko ng makita mag-ina ko. Pagdating ko doon, narinig ko agad iyong tunog ng videoke dahil nagkakantahan ata sina Kitty at Rory. Asa naman ako na sumama si Cha 'dun. Never ko pa ngang nariing kumanta 'yun... Kahit sa pagligo, 'di kumakanta.

Kikilabutan talaga ako nang sobra kapag narinig kong kumanta si Cha. Iisipin ko na end of the world na.

"Hi," sabi ko sabay halik sa pisngi ni Cha. Hahalikan ko na rin sana si Lily kaya lang hinarang ni Cha iyong kamay niya sa mukha ko.

"Toothbrush, alcohol, and change your clothes," sabi niya.

Tsk.

Mabilis akong bumalik sa sasakyan at kinuha 'yung spare t-shirt at toothbrush ko. Pumunta ko sa CR at saka nagtanggal ng longsleeves at nagpalit ng white t-shirt. Nagtoothbrush din ako at naghilamos at naghugas nang mabuti ng kamay. Seryoso kasi 'yun si Cha na 'di ako papabuhatin sa anak namin na tumulong akong gawin!

Sperm donor lang ba ako?! Bakit 'di ako maka-buhat kay Lily?!

Pagbalik ko, naka-salubong ko si Jax na buhat si Kallie. Nakapagpalit na rin siya ng damit.

Control The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon