Epilogue (Part 1 of 4)

697K 18.1K 37.6K
                                    

#CTGEpilogue (Part 1 of 4)

"Lowkey masochist ka, noh?" random na sabi ni Deanne.

"Ano?" nagtatakang sagot ko.

She pointed at something using her lips. Sinundan ng mga mata ko iyong direksyon na pinuntahan niya. Agad kong nakita si Kitty na seryosong nagbabasa ng libro. Tumingin ako kay Deanne. She wiggled her eyebrows.

Pambihira.

Imbes na sumagot, nagkibit-balikat na lang ako. Wala namang point makipagtalo kasi kahit ideny ko naman kay Deanne, alam niya naman na may crush talaga ako kay Kitty... Ewan ko ba. Kahit wala namang ginawa 'yung babae na 'yun kung hindi sungitan ako o kaya sisihin sa recit niya, crush na crush ko pa rin.

Mahilig ata talaga ako sa masusungit.

Kapag nagka-pera ako, magpapa-therapy na ako para malaman ko kung bakit attracted ako sa mga taong sinusungitan lang ako... Gusto ko lang malaman kung may underlying reason ba roon.

Dahil baka kung ano pa ang itanong sa akin ni Deanne, lumabas ako ng room para makapagconcentrate sa inaaral ko. 'Di ako masyadong nakapagbasa kagabi dahil naka-tulog agad ako pagka-uwi ko. Ang dami kasing pinagawa sa 'kin. Tapos aalis pa kami sa weekend kasi isasama ako ni Atty. Cabo. Mukhang mapapa-absent ako sa Saturday class namin. Tsk.

Nang maka-labas ako, naka-salubong ko si Jax at iyong mga classmate niya. He wasn't looking at me directly... pero kita ko na tinignan niya ako.

Labo talaga.

'Di ko talaga alam bakit tendency ng karamihan ang magka-gusto sa mga masusungit... 'Di kaya maganda sa pakiramdam ang masungitan...

Tapos na akong magbasa (inulit ko na lang naman kasi nabasa ko na 'to nung weekend). Kailangan lang sigurado dahil hindi ako pwedeng magkaroon ng pangit na grade. Lagot ako. Alam ko naman na sasaluhin ako nila Tita kapag nagka-problema ako sa pangtuition pero nakaka-hiya na kasi talaga... 'Di naman nila ako responsibilidad. Si Gracey lang kasi pasaway talaga. Sigurado ako kung may trabaho na 'yun, siya na mag-iinsist na magbayad ng tuition ko. Nanay ko talaga 'yun, e.

Bumalik na ako sa loob ng classroom nang makita ko si Atty. Moran. Akala ko finally magkakaroon na kami ng klase kasi lagi siyang absent, pero sabi ng mga brods ko, normal lang naman daw 'yun sa LegRes kasi parang kahit 5-units siya, minor subject lang kasi 'di naman daw BAR subject.

"Groupmates tayo!" Deanne said.

"Okay," sabay na sagot namin ni Kitty.

Deanne looked at me, shaking her head in disapproval. Parang tanga. Sabay lang nagsabi ng okay, e. Iwan ko silang dalawa d'yan, e. Para namang 'di namin alam tatlo na in the end, ako pa rin gagawa ng paper dito.

Lumabas si Atty habang seryosong nagmi-meeting iyong mga tao tungkol sa paper. Si Deanne, nagce-cellphone. Si Kitty, nagbabasa sa ibang subject.

Sabi ko nga, ako pa rin ang gagawa nito.

Nang magtime na, tumayo na agad si Deanne.

"Uy, alis na ko... May lakad pa ako, e," she quickly said, running away. Minsan, 'di ko alam kung ano ang trip niya.

I looked at Kitty. She was texting someone—malamang iyong boyfriend niya na patay na patay siya. Aminado naman siya na patay na patay siya kay Jax. Never niyang dineny 'yun.

At least 'di siya paasa.

"Kailan daw deadline?" Kitty asked.

"Bukas daw."

Control The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon