SPECIAL ZHAPTER 1: Z DISASTER

638 32 2
                                    

Location: Unknown Place.

Garcia

Di ko alam kung saan kami pupunta ng mga kabaro ko, lahat ng lugar dito endanger na. Meaning to say, zombie world na ang kinahaharap namin.

Sumimsim muna ako ng kape habang pinapanood ko ang walang malay na si Clark sa gilid. Kinumutan namin siya ng pagka-kapal-kapal dahil ng maiahon ko siya halos mag yelo na siya sa lamig.

Pero, teka bakit ganun? Nagawa niya pang mag survive sa ganong estado? Sabi sakin kanina ng kasamahan namin na medic na isa ring sundalo. Masuwerte raw siya at nabuhay pa. Dahil 'yung ibang katawan raw pag ganun na ang estado, nilalamig na at lumulubog na lang sa tubig dahil wala nang umaalalay sa kaniyang bumuhat.

Pero paano? Ni 'di ko nga nakita sila Nath at ang iba pa, o kaya katawan man lang nila.

Gusto kong ipaimbistiga ang lugar na 'yon kaso may nangyaring masama sa iba ko pang mga kasamahan. At ngayon ko lang din napansin na kakunti nalang kami dito sa aircraft. I think nasa kinse nalang kami.

Napahilamos na lang ako sa iniisip ko. Paano pa kaya kami makakaligtas sa ma-la-delubyong lugar na 'to? Ano bang kasalanan namin at ginaganto kami ng mahal na panginoon. Napayuko nalang ako sabay hawak sa rosaryo, nakapikit at taimtim na nag dadasal. Para iligtas kami sa kapahamakan. Hindi kasi ito ang tamang oras at panahon para isisi sa kaniya ang lahat.

Alam kong lahat tayo may pag kakasala kaso sa huli siya ang sini-si-si ng mga tao.

Oo, nagawa ko na rin siyang sisihin sa pag kamatay ng asawa't anak ko. Pero na realize ko sa huli, walang magagawa ang pag sisi ko sa kaniya.

He listening on us, and watching every single step we make.

Sumimsim ulit ako ng kape pag katapos tinungo ko ang mga piloto na isa rin sa mga kasamahan ko na sundalo. Tinapik ko ang balikat nilang dalawa at tumingin naman sila sa akin.

"Tired?" I asked them and waiting to their response.

"Hindi pa po sir." Na kangiting sagot ng nasa kaliwa ko.

Tinignan ko naman yung nasa kanan ko at nginitian lang din ako. I tap again their both shoulder and say. "I'm counting both of you." Siyaka ko sila iniwan.

Sila nalang kasi ang maasahan sa pag papalipad nito kaya once na mawala sila, wala na ring mag papalipad ng air craft. Para din 'tong battle plane ang kaso... may kuwarto rito at yun 'yung pinag kaiba sa eroplanong 'yon.

Papunta rin ako ngayon sa iba ko pang mga kasamahan na nag papahinga sa tatlong kuwarto, ako na kasi ang tumatayong team leader nila. Dahil ako na ang pinakamatanda at mas may experience pag dating dito. Binuksan ko yung pintuan na pinaka-una. At naabutan kong nag lalaro sila ng chess board kahit na mediyo maalog ang sinasakyan namin, pero tuloy lang sila.

"Sir..." sabay saludo ng limang sundalo sa harap ko. I gave a reponse kaya bumalik sila sa ginagawa. "Sir, sali po kayo. Pag aaya ng mediyo bata-bata pang sundalo.

"No, thank you." I waved like i can't play with them, baka kasi matalo lang sila. As I said mas marami akong experience.

Tinungo ko ang pangalawang pinto sabay bukas rito. Naabutan kong nag aayusan ang apat na babaeng sundalo kaya di ko mapigilang mamula sa kahihiyan.

Kaya ang nagawa ko napasara nalang ng biglaan.

KYAAAAAA!

Rinig kong sigaw nila kaya napadako ako sa pangatlong kuwarto. Binuksan ko ng biglaan ang pangatlong pinto ng mapansin kong binuksan ng pangalawang pintuan ang kuwarto nila.

Z DISASTER BOOK 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon