EPILOGUE : The Final Battle

714 33 7
                                    

Location: Underground Facilities_

Nath

Narinig ko ang mga pag sabog mula sa kuwarto na 'to. At nakita ko naman si Nathan na hila-hila ako sa sahig at takot na takot ang itsura sa tinitignan niya. Agad ko ring tinignan kung saan siya nakatingin at nakita ko si Salvador na iba na ang kaniya itsura. Hindi na siya ang Salvador na maayos ang itsura katulad kanina.

Mukha na siya ngayong halimaw na kita ang mga muscle sa braso at hita niya, nakakaduwal tignan pero kailangan namin siyang mapatay.

Agad kong inilibot ang paningin ko at siyaka ko na kita ang double handgun ko sa gawi ni Dave. Agad akong gumapang palapit rito at siyaka niya ako binatuhan ng computer sa uluhan, inida ko ang sakit pero hindi ito ang oras para mag drama.

Agad kong kinuha ang baril sa kamay ni Dave at siyaka ko binaril si Salvador sa dib-dib.

"Ate, useless ang bala sa kaniya, nag re-regenerate lang ulit siya." Sigaw ni Nathan sa gilid ko.

Tinignan ko si Salvador at oo nga nag re-regenerate lang siya sa ginagawa ko. I need to think something na hindi na siya mabubuhay. Narinig ko na ang pag sabog sa buong paligid dahil lahat ng nandito ay nag kalasog-lasog na at ang iba naman ay nag sisiputakan katulad ng kuryente.

"Kuryente!" Bulong ko sa sarili. "Tama yung kuryente. Katulad ng ginawa namin sa na unang kinalaban namin."

Tumakbo ako sa kinaroonan ni Salvador at siyaka ako tumalon sa uluhan niya. Dito ko na kita ang kuryente na ka-kailanganin ko. Agad ko 'tong binunot sa pag kakadikit nito sa pader, at bigla kong naramdaman ang pag hampas sa tagiliran ko.

Tumalsik ako sa pader at ininda ko talaga ang sakit rito. Kahit nga pader nayupi dahil sa pag hampas niya sa akin. "Aghh!" Agad kong hinawakan ang labi ko at tiyaka ko na kita ang dugo rito. Kahit sa pag ubo ko meron naring lumabas.

"ATE!" Sabay sigaw ni Nathan at Stacy ng may kalayuan sa akin.

Tinignan ko naman sila at tiyaka ako tumakbo sa puwesto ni Salvador. I punch him in his face at ganun din ang ginawa niya. Basagan na ng mukha kung kina-kailangan basta matapos na 'to. He punch me on my face, sa tiyan ko, sa tagiliran, at salahat ng parte ng katawan ko.

"Wuaggh!" Pag suka ko ng dugo ng tumasik ako sa huling suntok niya.

Ginawa ko na ang lahat ano pa ba ang kailangan kong gawin.

God damn it.

I smashed the ground at nalabas na talaga ang galit ko. But in the end sinuntok niya ulit ako sa tiyan.

Bugbug na ang laman ko sa tiyan, the fuck.

Nasan kaba Clark, I need you right now. 'di ko siya kaya ng mag-isa. Naramdaman ko ang pag yanig ng sahig ng makita ko na papalapit na sa akin si Salvador.

'di ko na alam kung ano na ang susunod kong gagawin. I think ito na talaga ang nakatadhan sa amin. Ang sama-sama nang mawala sa lugar na 'to.

"ATE!" Sigaw na naman nila Nathan at Stacy ang maririnig ko.

Sobrang lapit na niya sa akin, at napapikit nalang ako sa mga mangyayari. Pero ilang segundo rin ang nakalipas at wala akong naramdaman na kung ano na dumapo sa akin.

Z DISASTER BOOK 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon