ZHAPTER 18 : Evacuation City

783 47 2
                                    

Nath

"Gising bilis!" Rinig kong sigaw ni Dan habang inaalog ako sa kinahihigaan ko. Bumangon ako at siyaka kinusot ang mga mata ko para maka-pag adjust sa titignan ko. I saw her with a smile on her face. At kita ko rin mula rito ang talagang kasiyahan niya.

"Bakit ano'ng meron?" Naka ngiti kong tanong sa kaniya.

"Nandiyaan na sila labas." Sagot nito.

"Sino?"

"'yung tutulong sa atin." Masaya niyang saad sa akin. Nung mediyo nire-recall ko ang mga sinabi niya do'n ko na pag tanto kaya't dali-dali akong tumayo at siyaka ko binuksan ang zipper ng tent na tinutulugan ko, nakita ko na nakatayo ang mga sundalo dito sa harap namin at tinutulungan kami sa mga iilang gamit namin.

Lumabas ako para makita pa sila lalo, at ngayon sumisilay na sa mukha ko ang ngiti. Agad na umakbay sa akin si Clark sa aking balikat at agad ko rin siyang tinignan.

"Ligtas na tayo." Sabi nito at ngumiti naman ako."Thanks for your beautiful speech, yesterday." Dagdag niya at tiyaka siya ngumiti sa akin.

It's almost a minute din bago ilagay ng mga sundalo ang mga gamit namin mula sa armored truck nila.

Kaya 'di namin mapigilan na ngumiti sa bawat segundo na makita namin sila na inaasikaso kami, akala kasi namin wala nang mag liligtas sa amin. 'yun pala meron pa.

"OK LET'S MOVE OUT!" Sigaw ng isang sundalo at sinunod naman namin ito.

Merong limang truck na nandito dahil walo kami hiwa-hiwalay kami ng sasakyan.

"Dito na ako, tatabi ako kay Dan at Nathan." Sabi ko pero agad akong hinatak ni Clark sa braso.

"No you don't, in every hour and minute you are always by my side." Sabi nito at napairap nalang ako.

Bakit naman? Every hour and minute talaga e'di, 'di ko na makakasama 'yung kapatid ko.

"Bakit naman ako sasabay sa'yo?" Tanong ko dito pero nginisian lang ako.

"Because your my girlfriend. Mamaya ma-pa'no ka pa. Wala pa ako sa tabi mo." Sagot naman niya at napataas na lang ang kilay ko.

"Sige na girl, baka lagnatin pa 'yan pag wala ka sa tabi ng baby mo." Pangungutiya pa ni Dan sa amin.

"Oo nga, HAHAHA!" Gatong pa ng mabait kong kaibigan na si Jake.

Ok lang naman sa akin e, pero si Nathan...

"Ok lang ate." Sagot nito.

'di pa nga nag tatanong e, oo agad. Hayss.

"Ok ka lang ba talaga?" Tanong ko ulit.

"Oo naman, nandito naman sila ate Dan at kuya Jake e." Sagot nito at ngumiti nalang ako. "Kuya Clark, bantayan mo si ate Nath a, shotgun hawak ko. Handgun lang sa'yo." Pagbabanta pa ni Nathan at napangiti nalang kami.

"Yes Sir!" Malakas na saludo ni Clark kay Nathan, at tumawa naman kaming lahat sa ginawa ni Clark. Sumakay na kami ni Clark sa pangalawang truck at yung iba kasabay namin sa likod.

'yung puwesto namin dito sa loob ng sasakyan nila e, mag kaharap kami ng mga sundalo. Habang nararamdaman na namin ang pag galaw ng sasakyan, dito tumingin ang isang sundalo sa harapan namin ni Clark.

"Bakit ho, sir?" Clark asked, and then he gave me a simple glance, parang na o-awkward siya na ewan.

"Anak ho, ba kayo ni sir, Ramon Villanueva?" Tanong ng isang sundalo na nasa harap namin ni Clark.

Lumingon ako kay Clark, at bakas sa mga Maya niya ang pag ka-gulat. "O-opo paano niyo po siya nakikilala?" Tanong din ni Clark sa kaniya.

"Naging mag ka-kaklase kami ng tatay mo, sa isang campus ng militar, kaya kilala namin siya.  Ako nga pala si Garcia, but you can call me tito Garcia nalang for short. So kamusta naman siya, ba't 'di mo nga pala siya kasama?" Tanong din nito.

Lumingon ulit ako kay Clark, dahil sa tanong ni Tito Garcia. "My father died, dahil sa mga zombie na 'yon. And I will never forget them." Nakayukong sagot ni Clark at agad kong naramdaman ang pag ka-kuyom ng mga kamao nito sa kamay ko.

It's hurting me that much, kaya agad ko siyang hinawakan sa braso to stay-calmed.

"Sorry to hear that..." Bulong ni tito Garcia sabay hawak sa balikat nito.

Tumahimik na ang buong byahe namin hanggang sa marating na namin ang evacuation center ng dapit hapon na.

May matataas na pader at para na siyang nasa attack on titan na palabas, dahil sa laki ng mga pader nito.

"Bakit po tayo tumigil?" Tanong ko ng may marinig akong mga ingay mula sa labas nang armored truck.

"Arghh! Arghh!"

"Million na ang zombie dito sa labas ng evacuation, kaya mediyo mahihirapan tayong pumasok." Sagot nito sa tanong ko.

Kung ganon paano kami makakapasok sa loob kung million-million na pala ang nandito sa labas?

"Pa'no po tayo makakapasok sa loob?" Tanong ko ulit. Huminga siya ng malalim at siyaka bumuga ng malalim na pag hinga.

"Nakikita mo yung parang pa-slide na 'yan?" Sabay turo nito na nasa harapan namin.

"Opo!" Sagot ko.

"Diyan tayo dadaan, kaya tinayo yang pa-slide na 'yan para 'di sila maka-akyat." Paliwanag nito at napatango tango nalang ako.

Umandar na ulit ang sasakyan namin, pero 'di pa rin mawala sa dibdib ko ang kaba na baka mamaya e, itumba na ng zombie ang armored truck na 'to. At dito na matapos ang buhay namin.

May isang flashlight ng ilaw ang nakatutok sa amin pa akyat sa slide na ito, mediyo mahirap na ang pag akyat dito dahil parang ramdam ko ang dulas ng sahig nito. Siguro dahil sa dugo na nang galing sa mga zombie.

"Humawak kayo dito." Sabay turo ni tito Garcia sa handling bar kaya napakapit nalang ako.

"Put your hands down." Utos ni Clark sa tabi ko.

"Why?" Nakataas na kilay kong tanong sa kaniya.

"'di ka ma poprotektahan ng handling bar na 'yan, yumakap ka sa akin." Utos na naman nito.

Pero di ko naman sinunod ang utos niya ano siya boss? Manigas ka.... haysss...

Nakaramdam nalang ako ng bigla nitong paghila sa braso, ko kaya naman napaharap ako kay Clark ng nakataas ang kilay. Agad naman niyang pinulupot ang dalawang braso ko sa bewang niya sabay tali nito sa dalawa kong kamay ng panyo.

Kaya ngayon literal na 'di na ako makakaalis sa kaniya. I forcedfully escaped from his body pero wala mahigpit ang pag kakatali nito sa paniyo kaya ito nakayakap na ako sa kaniya.

"I will protect you no matter what happen." Bulong nito sa tenga ko, kaya naman nakaramdam ako ng konting kiliti rito.

Napailing at napangisi nalang si tito Garcia sa ginawa ni Clark sa akin, kaya naman 'di ko nalang matiis na ngitian nalang si tito Garcia para naman 'di masiyadong awkward dito sa loob.

"Sir malapit na po tayo sa entrance gate!" Sigaw ng driver na nasa harapan lang namin.

"Ok, prepare yourselves. Papasok na tayo sa loob." Utos ni tito Garcia sa amin. Paano naman ako makakapag prepare e nakatali ako sa kaniya, Haaa! Please lord, help me!

Z DISASTER BOOK 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon