ZHAPTER 27: Jake! Don't leave us!

525 36 1
                                    

Location: Underground Facilities_

Stacy


Kumikislap ang mga ilaw sa sealing ng unti-unti kong marinig ang pag ungol ng nasa pintuan na kaharap ko. 'di ko siya maaninag ng maayos dahil patay sindi ang pulang ilaw at ang sakit sa mata titigan.

"Arghhrh..." Singhal nito ng makapasok na sa pintuan.

"Shit, anong gagawin ko wala akong armas." Bulong ko sa sarili ko ng makita ko na siya ng harap harapan.

Katulad siya nung unang nakaharap namin, nung pinabagsak nila Jake.

"ARRRGGGGHHHHAAA!" Sigaw nito dito sa kuwarto kaya 'di ko matiis na mapatakip ako ng tenga dahil sa lakas nito.

Oo nakikita ko siya pero 'di ko maaninag. Namumula ang mga mata. At tumutulo ang laway nito sa sahig.

"Kadiri." Umarte pa ako na naduduwal at mukhang napansin niya ito.

Tumakbo siya sa gawi ko at siyaka ako napatalon sa bandang kanan ko, nag tago ako sa ilalim ng computeran at iniusog ko ang swivel chair sa tabi ko para makatago.

Wala akong magagamit na pang laban sa kaniya. Nasan ba ako? Haysss...

"GRHRHRHHH." Rinig kong kaluskos ng mga kuko nito sa pader.

Tinakpan ko ang bibig ko para walang ingay na mangyari. Anong gagawin ko wala akong armas.

God damn it!

Agad niyang pinagbabato ang mga gamit dito sa kuwarto dahilan para makalikha ito ng malakas na ingay sa loob, nasa'n ba ako kailangan ko muna malaman kung nasan ako. Inilibot ko ang paningin ko at siyaka nito napukaw ang atensiyon ko sa isang ilaw na may pangalan.

"Audio studio?" Bulong ko sa sarili ko.

Agad niyang hinampas ang swivel chair na nakaharang sa akin, kaya ngayon nakikita na niya ako kung na saan ako.

Bwiset!

Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at akmang ihahampas na niya sakin 'to, pero mabilis akong nakagulong palayo sa kinatataguan ko. Nag kalat ang mga bubog na pinaghampasan niya at kalat kalat na ang mga gamit dito. Kahit mga comluter nag kalasog-lasog na sa lakas niya.

Masiyado siyang malakas anong gagawin ko. Stacy mag isip ka!

Iwinasiwas niya ulit ang kaniyang kanang kamay at makikita ko na rito ang mga matutulis niyang kuko. Agad akong yumuko ng mabilis at bumakat na ang kuko nito sa pader. Nag si talsikan ang mga nakasabit rito at kahit mga wire e nag ka putol putol na. Nag sisikislap na ang mga kuryente rito at naputok na silang lahat. Makakapal na usok na ang nangingibabaw sa aming dalawa at mediyo nanlalabo na ang paligid dahil sa usok.

Dagdag pa 'to, 'no bayan. Umatras ako nang umatras dahil 'di ko na talaga makita, maliban nalang sa pula niyang mga mata.

"Ah, takte!" Pag iinda ko ng sakit ng madampian ko ang kuryente sa sikuhan ko.

Bumalik sa alaala ko ang ginawa ni Dan na pag kuryente rito, kaya kailangan ko rin 'yun gawin. Para makaligtas ako. Hinatak ko ang mga wire dito sa ding-ding at siyaka hinawakan ng mahigpit ang wire sa mag kabilang kamay. Dalawang wire ang hawak ko kaya kailangan kong mag-ingat at umilag sa gagawin niya.

Agad na sumirit ang emergency distinguisher mula sa kisame, kaya ngayon ramdam ko na ang tubig sa katawan ko. Patay sindi ang red light at 'di ko siya kayang maaninag.

Agad niyang winasiwas ang usok na nasa harap niya at ngayon nakikita na namin ang isa't-isa.

Napangisi nalang ako at ramdam ko ang pag gapang ng tubig mula sa labi ko. I sip it, at ngayon mediyo basa-basa na ang lalamunan ko. Agad siyang tumakbo sa kinaroroonan ko at ganon din ang ginawa ko. Agad niyang itinaas ang kaliwa niyang kamay at mabilis ko 'tong nakita, nag pa dulas naman ako sa sahig katulad ng ginawa ni ate Nath noon sa supermarket. Nag padulas ako sa ilalim niya at siyaka idinikit sa mag kabila niyang hita ang dalawang wire.

Z DISASTER BOOK 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon