ZHAPTER 5 : The Escaping Plan

1.6K 98 29
                                    

NATH

"Thank God!" Sigaw ko ng mahina sabay inom ng tubig.

Hinahanap na nila ang susi ni Ma'am sa lahat ng kuwarto pero itong babae na ito katabi ko sa gilid. She's still chasing his breath.

"Hi I'm Nathalie, just call me Nath in short." Pag papakilala ko at inilahad ko naman ang aking kamay

He gave me a simple smile at nakipag kamay naman siya sa akin.

"I'm Stacy grade 9 student." Pag papakilala rin niya.

So senior pala kami ni Dan.

Binigyan ko siya ng tubig na iniinom ko at kinuha naman niya.

We are staring at them na busy sa pag hahanap ng susi kaya 'di ko maiwasang ngumisi sa kanila.

"Halika tulungan natin silang mag hanap ng susi sa kotse." Sabi ko at sabay kaming tumayong dalawa.

Nag hanap ako sa mga drawer at mga box na malalaki baka kasi sa kaling nandon e.

"Wala naman dito e." Sigaw ni Jake at ganun din si Dan.

"Ito nga e, nakita ko." Sabay pakita ko ng mga susi sa isang trey.

"Sa'n mo na hanap?" Tanong ni Jake sabay lapit sa akin.

"Dito sa box." Sagot ko at inilapag na ito sa mesa.

Hinanap na nila kung anong susi ang sa van ni Mam, tumingin ako sa bintana at kita dito ang makakapal na usok mula sa pag sabog, kahit dito sa school ramdam ang pag vibrate ng sahig kaya alam kong nag papasabog sila.

"Mam, sa'n na ba yung susi mo?" Tanong ni Dan habang tuloy parin siya sa paghahanap ng susi.

"May palatandaan ako dun may key chain yun na stitch pero wala naman dito e.

"Baka ito Mam." Isang boses ang narinig namin mula sa sulok.

"Ito san mo nakita Mae?" Tanong ni Mam kay Mae habang nakangiti.

"Dito sa key holder po." Sabay turo nito kung saan niya ito nakita.

Almost six na ng gabi kaya madilim na sa buong school kahit dito sa principals office ay madilim na rin. I tried to call again pero wala talagang signal at yun pa rin ang sinasabi ng operator.

Naka upo kami ngayon sa sulok nitong kuwarto nag iisip kung ano nang susunod na gagawin.

Nag halungkat pa rin ako sa mga drawer, boxes at kahit saang gilid hanggang sa may makita akong tatlong flashlight na de-chargeable at saktong full charge naman ito.

Binigyan ko si Jake at Mam para may ilaw sila sa kaniya-kaniya naming upuan at yung isa hawak ko naman.

"Wag niyo lang sayangin yung charge ha? Connection lost tayo ngayon." Paliwanag ko at tumango naman sila.

"So ano nang sunod na plano?" Tanong ni Jake sa aming lahat.

"May emergency exit dito sa gilid ng school kaso sa kabilang hagdan pa iyon." Sabi ni Mam at tumango naman ako.

Katabi namin ang isang hagdan so, meaning to say nasa kaliwang hagdan ang sinasabi niyang emergency exit.

Sumilip ako sa maliit na salamin na nasa pinto para silipin kung may zombie pa ba sa labas.

Nag flashlight ako para makita ko kung nandiyan pa sila. Ng may isang ulo ang lumitaw sa salamin kaya naman nagulat ako, akmang kinakagat niya ang salamin pero 'di naman niya ito magawa.

I remember her, isa sa mga studyanteng narinig ko non na pinag chichis-misan 'yung tungkol sa tinapay na nasa cafeteria kahapon.

"Nakabantay sila sa labas." Sabi ko at hinawakan naman nila ng mahigpit ang kanilang mga sandata.

Z DISASTER BOOK 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon