ZHAPTER 6 : Argument Between Them

1.4K 82 15
                                    

NATH

NAG PAPAHINGA muna kami ngayon dito sa loob ng van habang nag mamaneho naman si Ma'am sa harapan, it's already been 8 in the morning. Kaya't wala pa kaming kain at kahit hilamos man lang.

Nakakahiya tuloy mag salita nang 'di pa nag mumumog lalo na't kasama mo 'yong mga 'di mo naman nakasanayan sa pagising sa umaga.

"Sa'n tayo nito ngayon?" Tanong ni Jake sa aming lima.

Nasa likod ngayon ang grupo ni sir Salvador, kasama ang pito niyang studiyante: tatlong lalaki at apat na babae.

Hindi sila kasama sa linya ng pag-uusapan namin noh, dapat kasi siya nalang yung unang kinain. Hindi yung P.E teacher namin.

"Baka sa mama ko at kapatid ko." Sagot ko at napatingin naman silang lima sa akin.

Bakit?

"E kayo?" Tanong ko sa kanilang lima.

"Parents ko wala na namatay sila noong 3 years ago pa, so wala na akong uuwian." Sagot ni Ma'am, habang nakatingin pa rin sa daan.

"Ako? 'Di ko na alam." Sagot ni Jake, sabay tingin sa labas ng bintana. "Well si lola lang naman ang nag aalaga since bata pa ako, so alam kong wala na rin si lola kasi alam kong 'di niya na rin naman kayang lumaban pa, at ayoko lang na makita ko pa siyang kasapi ng mga halimaw na 'to." Paliwanag naman niya at tumango lang ako.

"E ikaw Stacy?" Tanong ko sabay adjust ko sa ulo ni Mae na nakasandal sa akin.

"Well both of parents died sa pag nanakaw, suwerte ko nga binuhay pa nila ako e." Sagot niya at napatingin lang kami sa direksiyon niya.

"Ahm, sino nag aalaga sa'yo? Tanong ko ulit.

"Wala, I live by own life, kaya 'yung mga pamana para sa akin ng parents ko kinuha lahat ng tita ko." Madiin niyang sagot sa amin.

Napalunok nalang ako sa sinabi niya at kasabay nito ay ang pag gising ni Mae, mula sa balikat ko.

"Ikaw Mae, may uuwian ka pa ba?" Tanong ni Dan sa kaniya.

"Wala na panigurado yan." Sabi niya ng malungkot. "Dun kasi kanina sa balitang pinanood natin kahapon nakita ko si mama na katulad na rin siya ng zombie at ganon din si papa." Paliwanag niya, habang naka yuko naman siya.

"Sorry." Sabi ni Dan at nginitian naman siya ni Mae.

"May I join to your discussion?" Someone voice came from nowhere. Napalingon kaming apat sa bandang likurang bahagi ng van, at dito namin nakita si Sir, Salvador na nakatayo sa gitna.

"No one else, wants to join you here." I said.

"Oh my... My dear student, Nath, are you mad at me?" He asked and then he gave me a small smirk on his face.

Nakakaurat, pashneya!

Naramdaman naming huminto ang van sa kalagitnaan ng biyahe nito, kaya't lahat kami e, napatingin sa harapan.  All the crowd people was here, nasa gitna kami ngayon ng isang tulay, at wala nang madaanan ang sasakyan ni Ma'am, dahil ang daming sasakyan sa unahan, parang na stranded na.

'wag mag tutulakan, lahat makaka pasok sa safe zone!'

Sigaw ng isang kapulisan sa hawak-hawak niyang mega-phone.

We're safe?

'Hell, is near! Better prepared once they here!'

Sigaw ng isang lalaki na may suot-suot na karton sa kaniyang katawan. At may naka sulat pa ritong 'Death is Here'

Z DISASTER BOOK 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon