ZHAPTER 25 : Owen, Please Stay!

629 39 1
                                    

Location: Underground Facilities_

Nath

"Walang mag hihiwalay." Bulong ni Clark ng makapasok na kami sa isang pintuan na bumukas kanina.

Tahimik at walang gustong mag salita ni isa sa amin. Siyempre sino ba naman ang gugustuhin mag salita kung buhay naman namin ang magiging kabayaran. Quite place ang peg, haha.

"Shh!" Pag harang ni Clark ng kamay sa harapan ni Stacy, kaya't napatigil rin kami sa pag lalakad.

Kasalukuyan kaming nasa pinto at binabagtas ang madilim na kuwartong ito. Ang nasa harap namin ay si Clark, at si Owen naman ang nasa pinakalikod at ako ang nasa gitna. Ang iba naman nasa harap at likod ko.

"Bakit?" Mahina kong tanong sa kaniya.

Madilim at wala ring ilaw dito katulad ng nasa una. It makes me creepy dahil sa katahimikan.

Agad na bumukas ang mga ilaw na pa isa-isa at unti-unti nang lumiwanag ang napakalawak na kuwarto na ito.

Walang kahit isa na gamit dito o maski anong bagay na importante, as in wala, kun'di kaputian lang ng kuwarto.

"Sa'n ang labasan dito?" Tanong ni Owen na nasa likuran namin.

"Ito ata." Bulong ni Stacy dahilan para hatakin namin siya ng kaunti, pabalik sa puwesto namin.Tumingin kami kung saan nakatingin si Stacy at tumambad sa amin ang napakalaking elisi na nakadikit sa pader.

Duggg....

Napatingin kami sa tumunog at ngayon naka sarado na ang pintuan na kaninang dinaanan namin. Sumilip ako sa bawat kanto ng mga pader at makikita ko rito ang mga CCTV na nanonood sa amin. Kulay pula  ang ilaw nito kaya for sure na naka-active 'to sa kabilang linya.

"I think 'yan ang puwede nating daanan wala nang iba." Sabat ni Jake sa tabi namin ni Dan.

"But how?" Tanong ni Clark na nag katinginan kami sa bawat isa.

"Alam kong may daanan diyan sa likod ng mga elisi na yan." Sagot nito at tumango nalang ako. I think his right kasi may nakita rin akong ilaw na nasa likod ng mga elisi na 'to.

Tumakbo ako papalapit sa elisi at agad akong hinawakan ni Clark sa braso, dahilan para mapaharap ako sa kaniya.

"What are you doing?! Are you insane?!" Naiirita niyang tanong sa akin.

"Wala nang iba pang puwedeng pumasok diyan, kaya ako na ang unang susubok." Pag piprinsinta ko.

No choice kami, alangan namang si Nathan bata pa 'yan. Si Dan e maharot yan baka mamaya 'di pa siya nakakarating sa likod nito may sugat na agad siya.

"Ako na!" Pag prinsinta ni Clark na nakaputol sa iniisip ko. I want to protest, but, he gave me a simple glance at agad siyang pumasok sa maninipis na elisi na 'to, at 'di ko na siya naabutan dahil mabilis siyang nakapasok dito.

Kaba, takot, at iba pang emosiyon ang nag halo-halo sa damdamin ko. Dahil baka mamaya habang nasa loob siya nito baka biglang umandar ito, at mawala siya nang tuluyan.

The silence eat, us.

"Clark!" Sigaw ni Owen.

But, he didn't respond.

Untill.....

"Safe, kayo naman!" Sigaw ni Clark sa kabilang dako.

Nawala ang kaba ko at takot ng tignan ko sila Dan na lumuwag rin ang pag hinga nila. Isa-isa na kaming pumasok at pinauna ko naman sina Stacy and Nathan.

Z DISASTER BOOK 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon