ZHAPTER 1 : Ang Simula

3.9K 109 60
                                    

Before that day...

NATH

"I'm starving!" mahinang bulong ko sa aking sarili sabay hawak sa tiyan ko. Ramdam ko na kasi ang pag-aaway ng mga bulate mula rito, dahil hindi ako naka pag almusal bago man lang umalis ng bahay. So kasalanan ko rin kung bakit ganito ngayon!

And nandito rin pala ako ngayon sa Cafeteria nag hihintay sa pag dating nila Dan at Jake. Sila lang kasi ang mga kaibigan ko this grade 10 at wala ng iba. I'm waiting for them dahil may uunahin lang daw sila.

Almost ten minutes narin akong nag hihintay at medyo madami na rin ang tao rito sa cafeteria, may bulung-bulungan kasing may bagong tinapay na itinitinda rito si Aling Beki, na sabi-sabi masarap daw. Kaya itong dalawa nakipag pilahan pa para lang makabili. Dahil meron lang daw silang stock na nasa 150 pieces at ayaw naman ng dalawa na maubusan.

Hinayaan ko nalang silang dalawa dahil alam kong mag babangayan pa 'to pag kabalik sa puwesto namin.

"Teh, masarap?" dinig kong tanong ng isang studiyante, na sa tansiya ko nasa grade 8 or 9.

"Oo, dai. Basta si Aling Beki gumawa ang sarap grabe!" gatong pa ng kausap niya.

Ganiyan ba talaga kababaw mga panlasa niyo?

"Akin na nga 'yan ako unang kumuha niyan e!" iritang sigaw ni Dan, kahit mediyo malayo pa silang dalawa rinig ko na mula sa kinauupuan ko ang bangayan nilang parang aso't pusa.

Sabi na e, ganito 'tong dalawa lagi. As in araw-araw, hays. Pero kahit ganto 'tong dalawa mahal ko naman ang mga ito, dahil sila lang ang nag papasaya sa akin sa araw-araw.

"E, ako namang unang nag bayad n'yan." reklamo ring ganti ni Jake.

"Akin nga 'yan e, wala na kaya silang stock dun." Pag mamakaawa pang sabi ni Dan.

Napahilamos naman ako sa sarili ko bago lapitan ang dalawa. Agad kong kinuha ang hawak ni Jake na tinapay at tiyaka ko ito hinati sa dalawa.

"Oh ayan! Para kayong mga bata, tinapay lang nag a-away kayo. Baka gusto niyo ring ako na ang maging nanay niyo handa ako, basta sa-sahuran niyo ako sa isang linggo." Irita kong saad sa dalawa. Bakas naman sa kanila ang pag kabigla dahil sa ginawa ko.

RIIINNNGGGG!!!! RIIINNNGGGG!!!

Narinig kong tumunog na ang bell, kaya naman padabog akong bumalik sa classroom dahil sa kanilang dalawa.

Hindi na kasi ako nakakain dahil ang tagal nilang bumalik, nakakainis lang dahil nagawa pa nilang mag away at natapos pa ang lunch break namin ng hindi man lang ako nakakain. Maski, stick-o man lang. Hindi!

Padabog akong bumalik sa upuan ko at mukhang napansin naman 'yon ng iba kong mga kaklase at ni Owen ang pag ka upo ko sa silya.

Napansin ko namang lumapit siya sa bandang gawi ko kaya naman tinaasan ko siya ng tingin.

"Oh, babe ba't galit ka?" Tanong agad ni Owen na nasa harapan ko.

"Ulol, 'di kita boyfriend!" Sagot kong pabalang at napa atras naman siya. "And could you please stop? Wala ako sa mood ngayon ok?" Dagdag ko.

Dadag-dag pa 'tong kupal na ito. Nauurat na nga ako kila Dan sasabay kapa. Take note gutom na talaga ako. As in!

"Ohhh~!" Narinig ko naman ang iba naming kaklase na nag si alulong na parang mga aso sa kalye.

Agad namang binatukan ni Owen ang isa niyang kasama at ngayon 'yung kasama naman niya ang inaasar.

"Mga baliw." Bulong ko sa sarili ko.

Z DISASTER BOOK 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon