Chapter 24: Starry Night

367 9 5
                                    

"Please stay here..."

Hindi ko siya maintindihan. Para siyang bangag na ewan. Hinawakan ko yung noo at leeg niya, tsaka ko lang napansin na ang taas pala ng lagnat niya.

"Jake, gusto mo ba pumunta sa clinic? Ang taas ng lagnat mo." Sabi ko sa kaniya pero.tumanggi siya. Paulit-ulit lang siya sa pagsasabi ng "No. Please stay here with me."

Wala na akong iba pang nagawa kung di ang samahan siya dito. Kinuha ko yung handkerchief ko sa sling bag na dala ko tsaka binasa ng mineral water. Pinunasan ko si Jake para bumaba man lang yung lagnat niya.

Nahiga ako pagkatapos nun. Sobrang tahimik. Napatingin ako sa  itaas at nakita ko ang langit... Sobrang daming bituin. Bigla kong naalala nung bata pa ako, palagi kong hinihintay na maggabi tapos bibilangin ko yung mga stars sa langit. Tapos hahanapin ko dun yung sa Venus, which is yung pinakamaningning sabi nila. 

"Ayun yung cancer oh, nakita mo?" biglang nagsalita si Jake tsaka tinuturo saken yung constellation ng cancer.

Nakita ko naman kaagad yung tinuturo ni Jake. Ngayon ko lang na-realize na ang dami palang pwedeng makita sa langit. Hindi lang ang venus, hindi lang iilang stars, kung di ang constellations na nagsasama-sama para makabuo ng isang bagay. Parang kami sa Dreams, nagtutulong-tulong kami para makagawa ng isang bagay. 

"Kahit kailan talaga ang drama mo. Tinuro ko lang yung isang constellation kung ano-ano na naisip mo. Tch." sabi ni Jake.Kahit kailan talaga panira 'to ng moment. 

"Teka! Jake! Tingnan mo may shooting star oh!" 

Pero huli na nung tumingin siya, nawala na yung shooting star. "Ikaw kasi eh. Ang bagal mo tumingin ayan tuloy hindi na ako nakapag-wish." pagmamaktol ko sa kaniya.

"Kasalanan ko talaga ha? Anong araw ngayon?" bigla niya namang tanong saken. Sumagot naman ako kaagad,"December 21 ngayon."

"According sa nabalitaan ko, magkakaron ng meteor shower maya-maya. Hintayin mo nalang, Panigurado na makakapag-wish ka dun." seryoso niya namang sagot.

"Sige na nga, hihin-" napatigil ako nang makita ko na natutulog na naman si Jake. Nakasandal siya sa may puno. Ang astig niya palang tingnan habang natutulog noh? Haha!

Sumandal na din ako sa puno tsaka tumingin sa langit. Mahirap na baka hindi ko pa makita ulit. Sayang may gusto pa namang akong i-wish. 

[1:45 a.m]

Kailan kaya darating yung meteor shower na yun? Eto naman kasing si Jake tinulugan ako, Hindi ko tuloy natanong kung mga anong oras dadating yun. Nakakapagod tumingala at tumingin sa taas noh. Kung di lang talaga para sa wish ko hindi ako maghihintay ng ganito.

[2:30 a.m]

Ang tagal namang dumating nung meteor shower na yun. Alam niyo ba yung pakiramdam na kanina ka pa nakatingala dito para lang sa meteor shower. Teka, baka... Baka wala naman talagang meteor shower? Baka.. Aish.

[3:45 a.m]

Inaantok na ako ng sobra. Gusto ng pumikit ng mata ko pero ayoko... Ayoko pa... Gusto kong makita yung meteor shower... Kailangan kong mag wish....

Jake's POV

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may nakasandal saken. Nakita ko si Pauleen na natutulog sa balikat ko. Tch. Bakit nga pala 'to nandito? Aish, wala akong maalala. Ginising ko si Pauleen kasi 8:00 na ng umaga at paniguradong lagot na kami nito. Ano ba kasing ginagawa namin dito? 

Bigla akong napatitig kay Pauleen. Ang ganda niya pala kapag tulog noh? Inayos ko yung buhok niya kasi nakaharang sa mukha niya. Habang inaayos ko yung buhok niya nakita ko na may nag-flash sa harap namin at nakarinig ako ng shutter sound. Nakita ko sina.. 

"Miko?! Hoy! Burahin mo yan! Mali ka ng iniisip... Hindi ganun yun!"

Hinabol ko siya hanggang sa makarating kami sa classroom. Hindi ko nakuha yung camera at sa kasamaang palad, naikalat niya na yun sa mga kaklase ko. Humanda ka saken Miko. Pero teka lang... Si Pauleen.

Tumakbo ako pabalik sa kung nasaan si Pauleen. Nakalimutan ko na nakasandal pala siya saken kanina tapos bigla na lang akong tumakbo. Tch. 

Pagbalik ko nakita ko si Pauleen, ayun natutulog pa rin. Kahit bumagsak na siya sa sahig hindi pa rin siya nagising? Sobrang puyat ba siya para makatulog ng ganiyan kahimbing? Hindi man lang nagising sa ingay dito. May nagche-chainsaw kasi sa paligid niya. Yung mga workers nililinis yung garden. Pero ang matindi, sobrang himbing pa rin ng tulog ni Pauleen. 

Binuhat ko si Pauleen tsaka dinala sa clinic. Mas tahimik at maayos. para makatulog na siya ng tuloy-tuloy. Habang buhat ko si Pauleen at naglalakad papunta sa clinic, meron na namang biglang nag-flash sa harapan ko. 

"Hikari?!" pagkasabi ko nun bigla na lang siyang tumakbo papalayo. 

Pagdating ko sa clinic, hiniga ko si Pauleen sa kama dito. Buti na lang at hindi masyadong matanong yung nurse, hindi ko alam isasagot ko. Wala kasi akong maalala. Psh.

"Jake... Anong oras ba dadating yung meteor shower?" 

Nagsasalita si Pauleen ng tulog? Atsaka anong... meteor shower?

 "Please stay here..."

"Jake, gusto mo ba pumunta sa clinic? Ang taas ng lagnat mo." sabi saken ni Pauleen.

"No. Please stay here with me."

Teka... Anong...

"Ayun yung cancer oh, nakita mo?"

Ibig sabihin...

"Kahit kailan talaga ang drama mo. Tinuro ko lang yung isang constellation kung ano-ano na naisip mo. Tch."

"Teka! Jake! Tingnan mo may shooting star oh!"

Shooting star?

 "Ikaw kasi eh. Ang bagal mo tumingin ayan tuloy hindi na ako nakapag-wish."

"Kasalanan ko talaga ha? Anong araw ngayon?"

"December 21 ngayon."

"According sa nabalitaan ko, magkakaron ng meteor shower maya-maya. Hintayin mo nalang, Panigurado na makakapag-wish ka dun." 

Ibig sabihin, hinintay niya talaga yung meteor shower? Hay. Kung alam niya lang na wala naman talagang meteor shower at wala lang ako sa sarili ko nung sinabi ko yun. Babawi na lang ako paggising mo. Pero bago yan kailangan ko munang mabawi yung mga picture. Pero pano? Aish.

_____________________

(a/n): Hi! Merry Christmas everyone! ^u^

MAYOI_03

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon