Chapter 11: Preparation

757 52 10
                                    

Megumi's POV

"Good morning class, today we will have the election of the class officers..."

Election pala ngayon. Sabagay, malapit na mag open yung clubs pero sa dahil sa dami ng nangyari hindi na kami nakapag-elect. Hanggang ngayon kasi mainit pa yung issue sa mga taga-Hakuou.

"I nominate Megumi Hanazono for class president." sabi ni Miko.

Wait... WHAT??!!

Ako as class president?! Agad kong tinaas yung kamay ko para mag-object sa nomination pero bago pa ko makapagtaas ay tumayo na yung isang kong kaklase at sinabing 'I second the motion'. Siguro naman kahit ma-nominate ako matatalo ako kasi paniguradong si Jake-kun na yung mananalo.

Habang sinusulat ni ma'am yung mga nominees sinara na ni Sakura yung nominations para sa pagka-presidente. Kinabahan ako kasi hindi ko narinig yung pangalan ni Jake-kun. Bali eto yung nakasulat sa board:

1. Megumi Hanazono

2. Miko Cruz

3. Sofia Reyes

"Who is in favor of Megumi Hanazono?" sabi ni Ms. Garcia.

Nagulat ako kasi lahat sila nagtaas ng kamay nila. So it means... Ako yung magiging class president?!

"Congratulations Ms. Hanazono. Everyone likes you-"

Bago pa man matapos ni Ms. Garcia yung sasabihin niya, nag-ring na yung bell. Hindi natuloy yung election ng class officers. Next homeroom na lang daw namin itutuloy. Pero ako, na-elect na kaagad as class president. Ayoko maging isang class officer kasi alam kong hindi ko kakayanin pero...

Nakakatuwa kasi para akong si Ayuzawa Misaki tapos si Miko si Usui! Waaaaahh! Matagal ko ng crush si Miko pero ayoko kasing masira yung pagkakaibigan namin kaya eto ako, nanatiling kaibigan.

"Psst! Twinny nakatunganga ka diyan? Di ka maka-move on noh?? Haha!" sabi ng kambal kong si Hikari.

"Ha? Hindi! May iniisip lang ako," sagot ko sa kaniya.

"Si Miko yan no? Haha! Alam ko naman secretly in-love ka sa kaniya, pero wag ka na ma-di-"

"Shut up!" putol ko sa pinagsasasabi niya tsaka umalis.

Sana magkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanila na in-love ako kay Miko. Naglakad ako papuntang cafeteria para tingnan kung nandun sina Pauleen.

Pagpunta ko nakita ko sina Pauleen, Jake, Miko, Hikari at Sakura na namimigay ng flyers.

"Megumi!" tawag saken ni Pauleen.

"Ah-Hi! Tungkol saan ba yang flyers na yan?" tanong ko sa kanila.

"Pwede ba ko tumulong?" tanong ko sa kanila.

Gusto kong makasama si Miko. Ang cool niya kasing tingnan. Yung kilos niya, manners, lahat. Perfect siya para saken.

"Sure Ms. President!" masiglang sagot saken ni Pauleen.

*******************

Pauleen's POV

"Sali kayo sa otaku club!" masayang bati ko sa dumaan na babae.

"Yuck! Don't you dare touch me! I hate Anime! Those unreal pathetic things should not exist," sabi niya sabay tulak saken.

Napaupo tuloy ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak niya saken.

"Pauleen-chan!" sabi  ni Megumi saken.

Tinulungan nila akong makatayo.

"Ayos ka lang ba? Sobra naman yun!" sabi ni Hikari.

"Ayos lang ako... Bakit may mga haters dito?" tanong ko.

Anime based kasi yung pagkakagawa ng school na to. Nakakapagtaka lang kasi may hater ng anime na katulad ng kanina.

"Dito kasi sa school na 'to, kahit sabihin mong anime based pa at ang focus ay about sa anime hindi pa rin mawawala yung mga haters na katulad nung kanina. Marami kasi sa kanila yung napilitan lang or di kaya walang choice. Pero sa ayaw at sa gusto nila, pag-aaralan pa rin nila yung anime kasi dito sila nag-enroll," paliwanag ni Megumi.

"Ganun pala. Kumbaga sa isang  gubat, imposibleng mawalang ng mga ahas," sabi ni Sakura.

Sobrang lalim naman nung pinanghuhugutan nun. Akala mo talaga totoo. Haha! Pero tama naman siya. Imposible nga namang mawalan ng ahas sa gubat.

"Good vibes na tayo guys! Be happy kasi madami na kaagad tayong na-recruit ngayon. Unlike last year, mas madami pa yatang haters yung school na 'to." sabi ni Hikari.

Nagpatuloy na kami sa pamimigay ng flyers. Tapos nagkaroon na rin kami ng short meeting tungkol sa magiging agenda ng otaku club.

Nakakapagod yung preparation para sa otaku club. Nalaman ko din na ito pala yung most important club dito. Palagi ding class A yung nag-aayos nito. Kinakabahan din ako sa magiging resulta lalo na nung nalaman kong meron din palang haters ng anime yung school na katulad nito. Siguro dahil na rin sa first time ko tong gagawin.

Hay! Pero malaki tiwala ko sa mga classmates ko. Alam kong kaya naming gawin to.

******************

(a/n): Sorry ang tagal kong hindi nakapag-UD! Naging busy kasi ako ehhh~~ Sinubukan ko talagang mag-UD ngayon. Kahit maikli sana ma-appreciate niyo  :) Pinag-aaralan ko din kung pano gamitin yung third person sa mga POV. Mahirap daw kasi yung gamitin. Baka kasi kapag ginamit ko kaagad, mag-fail ako at disaster yung kalabasan ng kwento ko. Thank you sa lahat ng nagbabasa nito. (kung meron man).

The next chapter is entitled 'Plan' so stay tuned  :)

The best comment in this chapter will get my dedication ^_^

5 votes and at least 30 reads magu-UD ako KAAGAD!

Ang sabog na author,

Mayoi_03

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Where stories live. Discover now