Chapter 15: Otaku Club (Part 2)

536 23 3
                                    

Megumi's POV

"Let there be the excitement!" sigaw ni Miko.

Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to akala mo megaphone. Dinaig pa mga babae.

"Ang ingay ko Miko alam mo yun?" sabi ko sa kaniya.

"Masama ba? Atsaka dapat naman talaga masaya tayo di ba? Woooohh~~" sabi niya saken.

Nakakapuno na 'to. Katabi ko pa man din siya tapos kung magsalita akala mo yung kausap niya ay nasa kabilang bundok.

"Aish." napabuntong hininga na lang ako.

"Ayiiieee~~" pang-aasar ni Hikari saken habang tinutusok yung tagiliran ko.

Hindi ko na lang siya pinansin kasi panigurado sasabihan na naman nila ako na 'Defensive'.

*********

Matapos ang ilang oras nakatingin lang ako sa ginagawa ng mga club members at officers. Para ngang wala akong silbi dito eh. Liban na lang sa katabi ko na nambibwisit pa rin. Simula kanina sigaw ng sigaw si Miko at hindi pa rin siya tumitigil hanggang ngayon. Pagod na pagod na ako simula kaninang umaga tapos ayaw niya pa akong patahimikin. Nakakapagod kayang maupo at panuorin yung iba.

"And for the last part, manunuod tayo ng anime!" sigaw ni Pauleen.

Yes! Eto lang naman hinihintay ko eh. Sa totoo lang kanina pa nila ako pinapauwo pero ayoko. Gusto ko kasing panuorin yung short anime.movie na ginawa nila. Akalain mo yun? Kahit nasira yung ibang gamit natira pa rin yan. Lumapit na ako sa may screen para makapanuod.

Third Person's POV

"3... 2... 1..." sabay-sabay na sabi ng mga bagong member ng otaku club.

Tuwang-tuwa silang panuorin yung anime na club officers mismo nila ang gumawa.

"Awww..." pagrere-react ng mga members nang biglang mamatay ang screen kasabay ng mga ilaw sa paligid nila.

"Jake, pwede mo bang tingnan kung anong nangyare?" sabi ni Megumi.

"Sige." sagot naman nito at agad na pumunta sa electricity room para tingnan ang nangyari.

Pagkarating ni Jake sa kwarto ay agad niya namang inayos ang mga kable ng kuryente. Nasira pala ang mga ito. Pero nagtataka siya kung bakit wala man lang bantay o kahit sinong tauhan ng paaralan ang nagpunta upang ayusin ito.

"Ouch!" sigaw ng isang babae sa di kalayuan.

"Sino yan?" sigaw ni Jake at hinanap kung saan nagmula ang tinig.

Nang makalapit siya, nakita niya ang isang babae ng naka-jacket na itim. Hindi niya 'to makilala dahil sa may takip ang mukha nito at nakayuko.

"Jake? Nasan ka? Si Sakura 'to. Naayos mo na ba? Jake? Ahhhhhh-"

Napalingon si Jake sa nagsalita at nakita niya si Sakura na nadulas. Napatakbo siya upang tulungan ito.

Pagkatapos ay naalala niya yung babae. Nais niya 'tong balikan ngunit kailangan niyang unahin si Sakura dahil baka kung ano pa ang mangyari dito.


__________________________

Long time no update. :3

-MAYOI_03

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon