Chapter 4: Competition (Part 1)

1.3K 74 23
                                    

Jake's POV

*after 1 week...

I was amazed and shocked when I first saw her wear Momozono Nanami's traditional clothes. Hindi ko akalaing makakakita ako ng isang cosplayer na bumagay sa lahat ng genre ng anime. Ang problema nga lang yung attitude niya, pang-squater.

Pero marami pa naman kaming oras para maghanda. Dapat kasi kahapon yung performance sa cosplaying eh kaso nagkaroon ng urgent faculty meeting kaya hindi natuloy. Next week na lang daw para mas mapaghandaan din namin. Sinabi din ng teacher namin na yung mananalo ay ipanglalaban ng school sa annual cosplaying contest.

"Jake-kun! Pinapatawag  kayo nina Pauleen-chan ni sensei sa office niya, may mahalaga daw siyang sasabihin"- Hikari

"Ah sige susunod na ko, andun na ba si Pauleen?"

"Hindi ko nga siya mahanaop Jaake-kun, alam mo ba  kung nasan siya?"- Hikari

"I'll try to find her, magpahinga ka na," sabi ko sa kanya kasi mukhang kanina niya pa kami hinahanap at pagod na pago na siya.

"Arigatou Senpai," - Hikari

Sinubukan kong hanapin si Pauleen bago ako pumunta sa office ni sensei. Tiningnan ko siya sa cafeteria pero wala siya dun. Tiningnan ko din siya sa classroom pero wala din. Sinubukan ko siyang tingnan sa rooftop. Doon ko siya nakitang nakatanaw sa buong Dreams Academy.

"Hindi ka pa rin makapaniwala no?"

"Ah~ Kanina ka pa diyan?"- Pauleen

"Hindi kakarating ko lang," sagot ko sa kanya.

"Ah, eh kasi ang hirap talaga paniwalaan na ganito kaganda yung school ko. Parang fairytale lang siya,"- Pauleen

Tapos tingnan mo parang bata na ngayon lang namulat sa tunay na hitsura ng mundo. Kung hindi mo siya kikilalanin aakalain mong probinsiyana at ignorante tong babaeng to. Lalo na nung unang araw, gusto ko talaga siyang patulan dahil sa tinawag niya kong 'Manong Guard' buti na lang nakapagtimpi ako.

"Sanayin mo na ang sarili mo kasi ito na ang bago mong tahanan, ang bago mong mundo,"

Hindi ako yung ganitong tipo ng tao na nagpapagaan sa pakiramdam ng iba. Pero gusto ko lang kasi matigil yung pagiging ignorante niyang tingnan. Gusto ko rin pagaanin yung loob niya kasi para talaga siyang naninibago. Katulad nung pagbibigay ko sa kaniya ng otakuzine.

"Pinapatawag nga pala tayo ni Sensei ngayon sa office niya,"

"Ha? Eh bakit daw?"- Pauleen

"Hindi ko rin alam eh. Tara na? Sabay na tayo baka maligaw pa,"

Tapos sabay na kaming nagpunta sa office ni Sensei. Sinabayan ko siya kasi mamaya maligaw na naman to. Mahirap na.

****************************************

Pauleen's POV

*at sensei (Mr. Hayate) office

"I wont take this any longer Mr. Dreams and Ms. Nerpy. Since you topped our first quiz, I want you to join a quiz bee. You will be competing with other schools. The contest is already tomorrow. I'm very sorry because we are just informed about this contest yesterday. I'm expecting a lot from the both of you. Good Luck," sabi ni Mr. Hayate samin ng dire-diretso.

Napaka-straight forward naman ni Mr. Hayate, ni hindi man lang kami pinaupo as in dire diretso!

O_O  <----- Reaction ko sa lahat ng sinabi niya.

Lately, napapansin ko rin na madalis akong magulat dahil sa mga pinagsasabi at mga nangyayari saken dito sa Dreams Academy. Pagkatapos ng ilang segundo tsaka lang nag-sink in sa utak ko yung mga sinabi niya ...

"As in bukas na po yung contest?! Waaaaahhh! Pano kapag natalo kami? Pano ka--"

"We will do our best Mr. Hayate. Thank You," biglang sabat ni Jake.

Hindi ba to kinikilabutan sa mga sinasabi niya? Baliw na ata tong si Jake or sadyang mataas lang ang tingin niya sa sarili niya?

Pagkatapos nun pinayagan na kami ni Sir Hayate na umuwi para makapag-review. Grabe! Nakaka-pressure tong competition na to!

"I'm expecting a sweet victory from both of you tomorrow, good luck. You may now leave."

Speechless na ko pagkalabas na pagkalabas sa room. Hindi ko alam gagawin ko kasi nape-pressure talaga ako! Pano kung madisappoint ko si Mr. Hayate? Ano na lang magiging first impression niya saken? First impression lasts di ba? 

****************************

Pagkauwi ko naghanap kaagad ako ng mga otakuzine, anime movies at kung ano anong related sa anime. Balak ko pa ngang mag-movie marathon sa mga anime na matagal ko ng napanuod. Pagkatapos ko maghagilap nakita ko kung gaano kadami yung naipon kong gamit.

"Kaya ko kaya to?"

Sinimulan ko na ang pagre-review. Binigyan pala kami ni Mr. Hayate kanina ng list of animes para ma-review. Kadalasan daw kasi yun yung pinipili ng mga judges na anime.

Here is the list:

1. Black Lagoon

2. Death Note

3. Detective Conan

4. Dragon Ball

5. Haruhi Suzumiya

6. Hayate the Combat Butler

7. Naruto

8. One Piece

9. Pokemon

10. Soul Eater

Yung list daw na yan ay based sa mga questions na lumabas for the past ten years. Tiningnan ko yung mga otakuzines na collection ko. Ang tagal ko na palang addict sa anime no?

Medyo familiar naman akong sa iba diyan kasi karamihan diyan napanuod ko na. Lalo na yung Detective Conan. Halos lahat yata ng episodes niyan napanuod ko na. Feeling ko nga tuwing manunuod ako nun ako si Sherlock Holmes na nagso-solve ng case eh!

Nag-research ako sa bawat anime na alam ko at sa mga nasa list. Every single detail na makikita ko kinakabisado at tinatandaan ko.

Inabot ako ng 3:30 ng umaga sa pagre-review para sa competition na yan. Kakayanin ko kaya to?

____________________________________

(a/n): Paula, special mention ka. Love you~ Wag mo irereport to ha? Wala po tong bad scenes T.T Kathang isip ko lang po ang lahat. Love na love kita ehh ^_^

Alam ko na sobrang ikli ng chapter na to, kasi yung next chapter po ay sobrang haba >_<

At sa ibang otaku diyan nakaka-relate ba kayo? ^_^

Keep Supporting ^_^

Ang sabog na author,

Mayoi_03

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Where stories live. Discover now