Chapter 23: Camping

358 12 4
                                    

Pauleen's POV

Malapit na mag alas tres pero hindi pa rin ako tapos maghanda. Kulang pa yung mga gamit na kailangan ko. Mayroon kasi kaming overnight camping ngayon. Tiningnan ko ulit yung list ng mga dadalhin ko at inisa-isa.

THINGS TO BRING

Flashlight
Extra clothes
Sling bag
Big handkerchief
Toiletries
Pocket money (optional)
Snacks (optional)

Sinubukan kong kumpletuhin yung mga bagay na pinapadala. Naghanap ako ng flashlight at big handkerchief pero wala talaga akong makita kaya umalis na ako baka kasi mahuli pa ko.

Dumaan ako sa pinakamalapit na grocery store. Mura lang kasi dito yung mga snacks. Bumili ako ng ilang pagkain at coffe latte. Sabi kasi ng iba, wala daw tulugan yung camping.

Pagdating ko sa Dreams academy, nakasalubong ko sina Hikari.

''Hi Pauleen! Nakita mo na ba group mo?" Sabi niya saken.

Umiling ako. Kasunod naman ay paghatak niya saken papunta sa bulletin board. Nahihirapan akong sumiksik sa harap kasi ang daming tao yung nagkumpulan at may dala pa akong backpack. Pero matapos ang ilang minuto, narating ko rin ang pinakaharap at sinubukang hanapin ang pangalan ko.

Nakakadalawang ulit na ako pero hindi ko pa rin makita yung pangalan ko sa listahan. Nakita ko na nga yung sa iba kong kaibigan pero ako wala talaga. Lumapit na lang ako sa teachers para iinform sila. Na-realize ko na madami din palang walang pangalan dun, nagkaproblema daw kasi.

Papunta na sana ako sa may auditorium nang makasalubong ko si Jake.

"Erudite." Sabi niya tapos nilampasan niya na ko ulit.

Erudite? Ano yun? Parang nabasa ko na sa libro yun?

Nakita ko yung ibang student na walang group, nagkukumpulan sila sa gilid ng stage.

Meron palang nga i.d pala na pinapamigay dun. Yung nga walang section, kung ano makuha mo yun na yung section mo.

'Erudite...'

Bigla kong naalala si Jake. Erudite? Ano ba yun?

Basta humatak ako ng isang lace dun tapos sinuot ko as the teacher instructed everyone. Tiningnan ko kung saang group ako and nakalagay dun ay 'Seirin'. Hinanap ko yung pila ng seirin, merong isang placard na red akong nakita, agad naman akong pumila dun. Katabi ng pila ko ay ang Touo at Shutoku. So tungkol sa Kuroko no Basuke 'to?

"Good day campers. I would like to welcome all of you here in the Dream camp. As you can see, the name of the groups are all base on Kuroko No Basuke, Hitman Reborn, Sailormoon, Divergent and Harry Potter. Hindi lahat ng groups ay tungkol sa anime, some are..."

Nagpatuloy lang yung head sa pagsasalita sa mic. Inaantok ako. Gusto ko na umuwi. Wala kasi akong kaklase na naging ka-group ko.

******

Matapos ang ilang oras nag-dinner na kami then nag-start na yung activity. Merong 25 stations, each station may game and corresponding point na makukuha mo. I guess it'll be a long night afterall.

*****

"Guys, I'm Mich your leader. Please take a picture of the map given to us. Para in case na mawala kayo, alam niyo kung saan niyo kami hahanapin."

Pinasa niya yung map tapos pinicturan na ng members. Meron 20-25 members each team. Sa team namin, we have 20 members.

Yung first stop namin, merong mat sa sahig with letters. Then sa wall naman may nakalagay na parts of the body. Magsasabi ka ng word related sa anime then using your body parts, ii-spell niyo yun.

The first word is 'Harem'. Natawa ako dun sa nag-volunteer kasi siya lang nagspell nung buong word. Bali katawan niya yung nakadikit dun. Mukha siyang nakahiga na may bulate sa pwet. Alam niyo yun? Na-iimagine niyo ba?

Natapos yung first stop. Our next stop is located in one of the oldest building here. Nang makarating kami, pumili sila ng 5 member and unfortunately, isa ako dun. Nilagyan nila ako ng blindfold at pinadaan sa isang creepy na hallway. May pinahawakan sila saken at binalik na ako sa mga ka-grupo ko.

Kailangan ko daw i-describe yun para mahulaan nila yung pinahawak saken. Sinabi ko sa kanila yung nahawakan ko. Medyo uneasy yung feeling ko nung hinawakan ko yun. Malambot siya na parang gelatin, tapos mamasa-masa pa. Madulas din siya.

Natapos yung oras namin ng walang nahuhulaan. Okay lang naman saken yun. Though nabo-bored na talaga ako.

"People! Naunahan tayo sa next stop. Nag-overlap yung map kaya kailangan natin maghintay." Sabi nung leader namin.

Pagkatapos nun madami pang ibang stations na na-late kami kasi nag-overlap yung schedule sa map. Nakakita kami ng empty station kaya yun na lang yung sinalihan namin.

The game is about finding missing things. Nakakalat sa buong garden yung mga parts of the body na kailangan namin hanapin. Madilim na pero sinubukan ko pa ring maghanap. Wala kasi akong dalang flashlight kaya mahirap talaga.

Nang makalapit ako sa may dulo ng garden, may nakita akong kamay. It looks so real... and yet creepy. Sa takot ko, hinatak ko yung kamay at sa gulat ko, sumigaw yung... may-ari neto?

"I've been waiting for you."

"JAKE?! Ano ginagawa mo dito?"

Pero hindi niya ako sinagot. Sa halip, hinatak niya ako. Nahiga kami sa may bush. At si Jake? Ayun, natutulog. Nanaginip lang siguro siya kanina.

Narinig ko na nag-ring yung bell. Ibig sabihin, next station na. Tatayo na sana ako ng biglang hawakan ni Jake yung kamay ko.

"Please stay here..."

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz