Chapter 29: And you call this love?

85 3 5
                                    

Magkasama kami ngayon na naglalakad sa kawalan. Hindi ko alam kung hallucination ko lang ba o talagang ang laki pala nitong dome. Saan ko naman hahanapin si Asuna? Sana si Asuna na lang nagligtas sa akin. Hindi 'tong asungot na 'to.

"Mabilis pang maglakad ang pagong kesa sa'yo." iritado niyang pagkasabi sa akin.

"Eh di sana pagong na lang 'yung niligtas mo at hindi ako." sagot ko sa kaniya tsaka ko siya inunahang maglakad.

Napalapit ako sa isang puno na merong mga atis. Pumitas ako ng isa dahil gutom na gutom na ako. Bago ko pa man maisubo ay kaagad na itong nahatak ni Jake mula sa akin.

"Pwedeng nakakalason 'to. Eto may dala akong mansanas." wika niya at pagkatapos ay tinalikuran na ako. Kinain ko na lang dahil gutom na talaga ako.

Habang naglalakad kami ay may narinig akong kaluskos galing sa paligid. Sigurado akong narinig din ni Jake 'yun dahil nakita kong naging mas alerto siya.

"Stay behind my back." sabi niya tsaka hinawakan ang kamay ko na nanlamig na lang bigla.

Sa gulat ko, hindi na ako nakapagsalita sa biglang lumitaw na malaking hayop sa harapan ko. Hindi siya hayop, mas mukha siyang demonyo.

Ilang segundo pa ang lumipas at hindi ko napansin na hinatak na pala ako ni Jake papalayo doon. Nang nakahanap siya ng tiyempo, hinatak niya ako sa may puno at nilagay niya 'yung hintuturo niya sa labi ko.

Nang nakita kong nakalampas na 'yung malaking hayop, napansin ko 'yung posisyon namin ni Jake. Nakaakap siya sa akin at 'yung mukha ko ay nasa dibdib niya. Mahigpit 'yung yakap niya na para bang ayae niya akong pakawalan.

Pero natigil ang pagpapantasya ko nang bitawan niya ako. "Maghiwalay na tayo."

Ano? Maghiwalay? Hindi ko maintindihan. Wala namang kami ah?

"Maghiwalay? Pero-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng tumalikod na siya sa akin. Nakita ko 'yung matipuno niyang likod na papalayo sa akin.

Mali pala na umasa. At dito ko pa talaga naisipang lumandi? Natatakot ako sa mga puwedeng mangyari pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.

Susundan ko ba siya? Hahabulin ko ba? Magmamakaawa ba ako? Hindi ko alam. Natatakot ako sa sasabihin niya.

Naupo ako sa ilalim ng puno. Ngayon ko lang napansin na nagdudugo pala 'yung tuhod ko. Kanina pa ba 'to? Hindi ko napansin ko naramdaman.

Napansin ko na nag-iinit na 'yung mata ko. Ako? Iiyak? No way Pauleen. Alam kong nakikita nila ako at ayokong makita nila na mahina ako.

Pagkagising ko napatingin ako sa sugat ko at laking gulat ko nang makita ko na nagamot na 'yun.

"You're hurt. Pagkatapos nakaupo ka sa delikadong lugar na 'to? Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyare," wika niya.

Hindi alam kung concerned ba siya sa akin o nakokonsensiya. Gusto kong mag-assume na gusto ko siya. Hindi naman siguro masama 'yun.

"I like you..."

Pagkasabi ko nun ay natakpan ko kaagad ng kamay ko 'yung bibig ko. What the hell? Bakit ko sinabi 'yun?

"You better keep that in your mind. They can control you." sabi niya sa akin na tila ba nagbabantang iiwanan niya na naman ako.

"I love you." malambing niyang pagkakasabi sabay hatak sa akin papalayo sa lugar na 'yon. Kinakaladkad niya ako at ilang beses na akong muntik madapa.

Nagpumiglas ako tsaka ko siya pinagsabihan. "And you call this love? This is bullshit!"

"I told you. Kontrolado tayo. Don't take it seriously. Halika na." sabi niya pagkatapos ay tumalikod na siya at naglakad ulit.

"I'm not going with you." matigas kong pagkakasabi.

"Don't be so stupid." iritado niyang sagot.

"I'm going to find Asuna. Wala kang dapat ipagalala. Don't worry, wala akong sineryoso." At umalis na ako kaagad pagkasabi ko nun.

Pagkatalikod ko naramdaman ko na naman na nag-iinit 'yung mga mata ko at anumang oras ay nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko. Damn.

Bago pa man ako maiyak, umulan ng napakalas. Nakikisabay siguro 'yung langit sa pag-iyak ko. Siguro masyado lang akong nangarap.

Nagkamali ako. Hindi pala siya 'yung hinahanap ko na Kei Takishima o Usui Takumi ng buhay ko. But scratch that, hindi ako si Hikari o Megumi para magustuhan niya. At mas lalong lalo na wala kami sa 2D or 3D world para mangyari ang mga bagay na 'yun. They're all fictional. Maling mali ang umasa ako na mangyayari sakin 'yun sa totoong buhay.

Lilingon ba ako? Kung tanga ako, oo. Kaya lumingon ako. At nakita ko 'yung dinaanan ko. Ang layo ko na pala. Bakit ba ako umasang susundan niya ako?

Hindi dapat sineseryoso ang mga taong arogante at pilit kang tinataboy.

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon