Chapter 16: Moments <3

532 20 8
                                    

Pauleen's POV

"Jake? Uy! Nakikinig ka ba?" sabi ko sa kaniya habang tinatapik siya.

''Ah, oo. Ano nga ulit sabi mo?" sagot niya saken.

Nasisiraan yata 'to eh. Nakikinig daw tapos magtatanong kung anong sinabi ko. Ilang alikabok ba nasinghot nito?

"Sabi ko saan ba makakabili ng ibang detective conan merchandise?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Di ko alam." sagot nito saken at umalis.

Grabe naman yun. Parang may PMS. Nagtatanong lang naman ako eh.

Pumunta na lang ako sa cafeteria para bumili ng pagkain.

"Hmmm... Ano kayang masarap kainin?"

"Masarap yung side salad nila dito at yung mga dishes nila na may pasta. Specialty dito yun." biglang nagsalita yung lalakeng katabi ko na tila tumitingin din ng pagkain.

"Ahhh, thanks?" sagot ko sa kaniya.

"Christian Sy." sabi niya.

Sy? Hmmmm... Saan ko ba narinig yun?

"Sy?" bigla kong nasabi.

"If you were thinking about Rosemarie Sy, she's my younger sister. Well, just so you know..." sabi niya saken.

"Ahh, ok?" sagot ko.

Ang weird niya naman. Bigla bigla na lang sumusulpot tapos malalaman ko na lang na may kapatid pala siya sa Class XI-A.

"See you around Ms. Nerpy." sabi.niya with a playful smirk on his lips.

How come na kilala niya ako? Nakuwento kaya ako ni Rosemarie sa kaniya?

"Baka nga- Teka! Si Jake yun ah?"

Napatingin ako dun sa lalakeng palabas ng gate. Bakit naman siya lalabas? Mamaya pa naman yung dismissal eh. Saan kaya siya pupunta?

Third Person's POV

Nang dahil sa pagtataka ni Pauleen, naisipan niya na sundan si Jake sa pupuntahan nito.

Makalipas ang ilang minuto, kaagad namang napansin ni Jake ang pagsunod sa kaniya ni Pauleen kung kaya naman naisipan niyang iligaw ito.

"Waaaah! Nasaan na ba yun? Nasaan na ko?" pagmamaktol ni Pauleen nang mawala si Jake sa kaniyang paningin.

Nagpatuloy siya sa paghahanap kay Jake ngunit nang dalawin siya ng pagod, nagpasiya siya na bumalik na lang sa Dreams Academy.

"Ahh, saan nga ulit yung daan pabalik?"

Napaupo si Pauleen sa lapag nang mapansing naliligaw na pala siya. Ngunit hindi lingid sa kaniyang kaalaman na kanina pa siya pinagmamasdan ni Jake at hirap ma hirap na sa pagpipigil nang tawa kay Pauleen.

"Boo~" sabi ni Jake kay Pauleen habang bahagyang tinutusok ang tagiliran nito.

"Waaahh! Tuloooongg!" pagsigaw ni Pauleen habang si Jake ay walang ginawa kung hindi ang tumawa lamang.

"Bakit mo ko sinusundan?" biglang tanong ni Jake na siya namang nagpatahimik sa kanilang dalawa.

"Ehh... Hindi kaya kita sinusundan!" pagsisinungaling ni Pauleen.

"Tch. Tara punta tayo dun."

Walang nagawa si Jake kung di ang isama si Pauleen sa kaniyang pupuntahan.

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Where stories live. Discover now