Chapter 28: There's no way out

126 6 4
                                    

Pauleen's POV

"Mirror."

Pagkasabi ko nun nagkaroon ng kidlat pero walang kulog. As in yung kidlat lang na nagsusulat sa pader na hindi ko alam nasa harap pala namin.

Sois toi même...

Sois toi même...

Sois toi même...

Sois toi même...

Sois toi même...

Sois toi même...

"Sois? Hindi ba 'yung nilalagay sa noodles para magkalasa? Tapos yung toi 'di ba laruan 'yun? Meme... Meme.. Ah! Pictures 'yun di ba tapos may caption na jokes?" sabi ni Asuna.

Binatukan ko siya dahil sa sinabi niya. Mukha ang nantitrip lang yung naglagay niyan? May sugat na nga't lahat lahat nakuha pa ding magbiro. Pero napaisip ako, saan ko ba narinig yung sois toi même? It seems familiar yet hindi ko talaga matandaan. Sinubukan kong i-check sa phone ko 'yung mean but then I realized na nasa virtual world nga pala kami. Sigurado ako nandito lang ang sagot.

Habang iniisip nami ni Asuna kung anong ibig sabihin ng nakasulat sa pader lumabas ulit 'yung villain. Pero hindi katulad kanina, kalmado na siya at parang hindi na kalaban. Nakatitig siya sa amin pagkatapos may boses kaming narinig. Hindi ko alam kung sa kaniya ba nanggaling o hindi kasi hindi naman bumubuka 'yung bibig niya. Paulit-ulit lang 'yung sinasabi niya.

Ne soyez pas dupe...

Ne soyez pas dupe...

Ne soyez pas dupe...

Paulit-ulit niya itong sinasabi na tila hindi naming naririnig. Kung sana tina-translate niya para naiintindihan naming 'di ba? Hindi niya pa kailangang paulit-ulitin.

Tiningnan ko ulit 'yung phone ko. Meron nga pala akong translator dito. Una, nilagay ko yung sois to meme pero nage-error palagi. Sunod naman 'yung Ne soyez paz dupe. Ang sabi dito 'Don't be fooled'. Saan? Pati ba naman dito may manloloko? Mundo nga naman oh.

"Be yourself." Sabi ni Asuna.

Akala ko naman alam niya talaga. "yun pala may translator din. Haha! So Be yourself pala 'yung ibig sabihin ng sois to meme. So, anong gusto nilang iparating?

Nagulat ako nung biglang nag-transform 'yung pader na nasa harap naming. Naging isa isang gate. Napakaganda nito at aakalain mo na papasok ka na sa langit. Parang 'yung nasa greek mythology na mga golden gate tapos madaming ulap.Kung wala nga ako sa sarili ko iisipin ko na patay na ko at sinusundo na ako ni Papa God.

Sabay kaming pumasok ni Asuna sa gate. Pagpasok naming ay kusa namang sumarado 'yung gate. May isang bagay sa loob na nakakuha kaagad ng pansin ko. May bahay sa gitna. Hindi ko alam kung ano 'yun pero sa nakikita ko, madaming patibong na nakapalibot-

"Pauleen, dapa!" sigaw ni Asuna sabay hatak sa akin para dumapa.

Pagtingin ko sa puno sa likod ko, may pana na nakausok. Hindi ko pa rin alam kung anong nangyayari pero ano pa ba aasahan ko? Pero pagdapa ko parang may naaninag ako sa kabilang parte nitong dome. Parang may kasama kami dito.

Hinatak ako ni Asuna palayo sa dome. Mukhang langit sa labas, impyerno sa loob. Ito ba 'yung ''Don't be fooled'' na sinasabi nung villain? Ang dali naman. Habang tumatakbo kami nakakagulat 'yung mga dinadaanan naming. May parte na parang disyerto, may snow tapos ngayon may dagat. Wala pa namang 1km 'yung tinakbo namin ah? Kakaiba talaga.

"Pauline look oh! There's something na mahuhulog from the sky. I'll make tingin lang ha." Sabi ni Asuna na hindi na hinintay 'yung sagot ko, bigla na lang kumaripas ng takbo.

Ilang Segundo lang ang lumipas nakarinig ako ng matinis na sigaw. Sinundan ko 'yung pinanggagalingan ng boses at nakita ko si Asuna na hinahatak ng mga dahon. Sinubukan ko siyang habulin pero napalibutan ng usok 'yung lugar na kinatatayuan ko/ Hindi lang basta basta usok, masakit sa balat 'yung usok na para bang asido. Masangsang din 'yung amoy nito.

Pinilit kong tumakbo papalayo sa usok at hindi ko namalayan na nasa kalagitnaan na pala ako ng... Pool? Paano ako napunta dito? Nararamdaman ko na para bang lumulindol sa ibaba. Unti-unting lumulubog 'yung kinatatayuan ko. Sinubukan kong lumangoy pero parang kumunoy 'yung tubig. Hindi ako makagalaw. Hanggang sa unti-unti ng nagdilim 'yung paningin ko.

Nagdilim 'yung paningin ko pero may malay pa rin ako. Pero teka, bakit parang nakadilat ako? 

Sa ilalim ng tubig makikita mo... Humihinga silang lahat samantalang ikaw ay nalulunod...

Sa ilalim ng tubig makikita mo... Humihinga silang lahat samantalang ikaw ay nalulunod... 

Sa ilalim ng tubig makikita mo... Humihinga silang lahat samantalang ikaw ay nalulunod...

Paulit-ulit na naman 'yung naririnig ko. Hindi siya katulad nung kanina kasi mas malalim at mas nakakatakot 'yung boses. Samantalang ako, nahuhulog pa rin sa tubig. Palalim ng palalim. Habang paulit-ulit kong naririnig 'yung nagsasalita pumapasok sa isip ko 'yung mga masasamang nagyare sa akin dati. Hindi ko mapigilan na alalahanin. Epekto kaya 'to nung boses? Pero... Nahihirapan na akong huminga dahil mas lumalalim pa 'yung kinalalagyan ko. Asuna, nasaan ka na ba? Konti na lang at nararamdaman kong mawawalan na ako ng malay. Ilang saglit lang naramdaman ko na may humawak sa akin, tinatawag niya ako pero hindi ko siya makita, wala akong magawa. Hindi ako makakilos. 

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora