Chapter 7: Yuki Akimoto

1.1K 58 17
                                    

Pauleen's POV

Masaya ako sa nakuha namin kahapon. Kahit pangalawa lang kami sobrang proud na ko sa sarili ko. Naglalakad ako papasok sa school nang mapansin ko na kumikirot yung sugat ko sa tuhod. Naisip ko na maghanap ng shortcut papunta sa school tutal maaga pa naman.

"Ate! Ate! Pwede magtanong?" sabi ko sa babaeng nagtitinda ng mga bulaklak. "Ano yun neng?" sagot nito.

"May alam po ba kayong mas mabilis na daan papunta sa Dreams Academy?"

"Ay oo ineng! Nakikita mo ba yung eskinita na yun? Pumasok ka dun, diretso ka lang. Sa dulo may makikita kang pader, mababa lang yun at sa palagay ko kaya mo namang akyatin. Paglabas mo makikita mo na ang hinahanap mo," sabi niya sakin.

"Salamat po!" sagot ko sa kaniya.

Tapos sinunod ko si ate. Naglakad na ko papasok dun sa eskinita. Tama nga siya may pader sa dulo, mababa lang kaya ki namang akyatin.

Inakyat ko yung pader ngunit sa di inaasahang pangyayari, nahulog ako sa kabila.

"Araayy..."

Pagtingin ko sa paligid nagtaka ako. Nasaang parte na ba ako ng dreams nakapasok? Parang hindi naman namin nalibot to ni Hikari...

"Oh my gosh! Look guys oh! There is a student from dreams ditoooo!" sabi nung isang babae na nakakita sakin.

Eh? Di ba Dreams Academy naman to? Nagulat na lang aako ng batuhin nila ako ng paint ball.

Waaaaaahhhhh! Yung uniform ko sobrang dumi na!

"Sino ba kayo haa? Ano bang problema niyo?!" galit na tanong ko sa kanila.

Ano bang ginawa ko para batuhin nila ako ng paintball di ba?!

"Alam mo ba sinasabi mo miss? Estudyante ka ng dreams! Hindi mo alam?! Huh!"

Tapos binato pa nila ako ng paintball. Etong babaeng to na hindi ko pa rin kilala ay kinaladkad ako papunta sa isang kwarto na madilim. Bodega yata to eh.

"Oh! I forgot to introduce my precious name, I'm Yuina Kawai. Kaibigan ako ni Yuki Akimoto, just wondering if you know her." sabi niya tapos iniwan ako dito sa loob ng room.

Nakakatakot yung room. Feeling ko nga may multo eh. Huhuhu! Sana makalabas na ko dito.

*******************

Miko's POV

"Hikari! Nakita mo ba si Pauleen-chan?" tanong ni Megumi kay Hikari.

Kanina pa sila nag-uusap tungkol diyan. Normal lang naman kung mag-absent si Pauleen eh.

"Psst!"

Napalingon ako sa tumawag.

"Oh? Bakit yun Sakura?"

[a/n: Si Sakura Kitaguchi po yung nasa cosplaying. Totoong tao po si Sakura na kalahating bampira! xD]

"Alam kong pinupuntahan mo pa din si Yuki," bulong niya sakin.

Kinabahan ako sa kaniya. Tama siya nakikipagkita pa din ako kay Yuki. Alam kong hindi pa din kasi nakaka-recover si Yuki sa nangyari.

"Manahimik ka nga Sakura! Ano bang gusto mong sabihin ha?!"

"Nakita kong papunta sa Hakuou kanina si Pauleen," pagkasabi ni Sakura nun napatakbo ako papuntang Hakuou.

Possible kayang may nangyari kay Pauleen?

Pagkarating ko sa Hakouo sinalubong kaagad ako ng kaibigan ni Yuki na si Yuina. Kasama niya yung isa niya pang kaibigan na si Kumiko.

"May nakita ba kayong babae na taga Dreans kanina? Yuina? Kumiko?"

Isa sa mga kaibigan ni Yuki si Yuina Kawai. Hindi ko gaano gusto ugali niya kasi may pagka-maldita siya. Halos lahat inaaway niya lalo na yung mga taga-Dreams, malaki galit niya sa mga taga-dreams dahil.sa nangyari kay Yuki. Mabait naman siya sakin kasi alam niya naman na close friend at mabait ako kay Yuki.

Si Kumiko naman ang palaging tumutulong sa mga inaaway ni Yuina. Ayaw ni Yuki ng may inaaway kaso hindi niya mapigilan si Yuina, lalo na kapag wala siya.

"Ahh, Miko-kun--" sabi ni Kumiko pero tinakpan ni Yuina yung bibig niya.

"Oo! May taga-dreams dito kanina... Mukha ngang hindi niya alan yung pinasok niya eh! Pero Miko---"

"Nasaan si Pauleen? Kung ayaw niyong makarating to kay Jake," pagbabanta ko sa kanila.

"Grabe natatakot ako Miko! Hahaha! Yung Jake na yun?," sabi ni Yuina.

"Miko-kun nasa storage room--," sabi ni Kumiko.

"Kumiko ano ba!" sigaw ni Yuina.

Pumunta na kaagad ako sa storage room para kuhanin si Pauleen. Wala siyang kinalaman dito at hindi dapat siya madamay.

Pagdating ko sa storage room wala na dun si Pauleen. Nakatakas na kaya siya? Nasaan na siya?

************************

Pauleen's POV

"Huhuhuhuhuhuhuhu," iyak lang ako ng iyak dito.

Nakakatakot kasi kanina pakiramdam ko may kumagat sa paa ko. Napatakbo tuloy ako tapos may natapakan ako. Pakiramdam ko dumudugo na nga yung paa ko eh. Wala pa naman akong sapatos kasi tinapon nila kanina.

Sana naman hindi ko pa katapusan to'. Madami pa po akong pangarap sa buhay. Papakasalan ko pa yung mga crush kong anime characters. At tsaka kawawa naman yung mga boyfriend ko sa Exo at CN Blue.

"May tao ba diyan?"

Waaaahhhh! Thank God dininig mo yung prayers ko!

"Opo! Opo! tulungan niyo po akooo!"

Pumasok yung babae tapos tinulungan niya ko. Dinala niya konsa clinic kasi daw nagdudugo yung paa ko. Pinahiram niya rin ako ng damit at sapatos. Yung uniform na pinahiram niya uniform ng school nila. Baka daw kasi mapag-initan ako kapag uniform ng Dreams yung sinuot ko.

"Ok ka na ba? Ano nga ulit pangalan mo?" tanong niya sakin.

"Pauleen Vaughn Nerpy, ikaw po?" tanong ko sa kaniya.

"Yuki Akimoto," sagot niya.

Teka? Bakit parang familiar sakin yung pangalang Yuki? Yun yung sinabi sakin nung babae kanina, yung Yuina ata yun? Atsaka yun din yung tawag sakin ni Miko. Nagtataka ako kasi ang bait niya rin sakin samantalang si Yuina ang init ng dugo sakin. Sino ka ba talaga Yuki? Ano bang meron sa'yo?

_________________________________________

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat