Chapter 26: Tournament

311 8 8
                                    

Pauleen's POV

Inaayos ko yung files dito sa storage room ng school. Kanina pa ko dito pero parang wala rin naman akong naaayos. Bakit nga ba ako nandito?

-Flashback-

"Anong sasabihin mo Jake?" I asked out of my curiosity.

"Pictures. The journalism club took them from Miko and I'm sure that they will publish it in the next volume."  sagot niya.

Another bad news. Pero since ako yung president, may access ako sa lahat ng room. I have keys and connections, plus reasons. 

"Ngayong gabi, nanakawin natin pabalik yung pictures galing satin." sabi ko. And there our mission for today started.

Isa-isa naming ino-open ang dekstops ng journalists pati yung mga gamit nila such as cameras and others. Fortunately, nakita namin yung pictures and unfortunately, lahat sila may kopya. Ano bang makukuha nila sa pictures na yun? Issues? Psh. Well,hindi naman masama kasi gwapo naman si Ja- Aish! Mali, mali mali! Ano ba 'tong iniisip ko? Argh!

"Kung tutulala ka na lang diyan, malamang abutin na tayo ng umaga dito. Merong 32 journalists and yet were only 2. Kailangan nating bilisan." sabi ni Jake. Gwapo na sana, masungit lang. 

Pumunta na ako sa next dekstop.Nakita ko na si Sakura Kitaguchi yung owner. Sounds familiar yet I have an unsure feeling about her. Something is not right. Binuksan ko yung folders... pictures... secrets...

Wait, what?

"Jake! Ano yung file location ng mga pictures natin?"

"Ah, Users, Journalist, Pictures, Se- Pauleen! Ipatay mo lahat ng computer!" biglang sabi ni Jake tsaka hinatak niya ako sa loob ng CR. Nakita ko siya na nag-sign ng 'Sssh.' 

"Sakura! Akala ko ba pupunta sila dito para i-delete yung pictures? Nasan na sila? Ang tagal naman. Sigurado ka ba?"

"Oo naman. Tinanong ko yung nurse kanina. Sigurado ako. Hindi naman siguro bingi yung nurse di ba?"

"Fine. Pero wait, nasan ba yung CR? Naiihi na ako."

Nag-panic ako that moment pero sumenyas si Jake na kumalma lang ako. Nakita ko na pinutol niya yung wire at tinanggal yung ilaw. Sinenyasan ko siya at tinuro ko yung bintana. Alam ko na kasya kami dun. Pero umling siya. Nakita ko na may hawak siyang daga, nilagay niya sa lapag and there, narinig namin na tumili yung kasama ni Sakura.

"Help! May monster! Waaah!"

Monster? Eh sa pagkakaalam ko daga lang naman yung binato sa kaniya ah? Tiningnan ko si Jake pero nawala siya. Nakita ko na lang yung bintana na nakabukas. Iniwan niya ako? Lagot na.

"Sak? Nasan ka? We can't see you." Narinig kong sabi nung kasamahan niya. Sinubukan kong umakyat sa bintana pero hindi ko maabot. Pano na ko makakalabas nito?

"Nag-iisip ba kayo? Buksan niyo yung ilaw!" Sigaw ni Sakura.

Pumikit na lang ako at hinintay na magbukas yung ilaw. Pagbukas, malamang nakita nila ako.

"You! Anong karapatan mong pumasok dito? Ikaw yung nagbato nung creepy na creauture kanina?!" Galit na sabi niya.

-End of flashback-

And here I am. Punishment ko 'to dahil sa violation na nagawa ko, I mean namin ni Jake. Pero sa kasamaang palad ako lang yung nandito.

"Pauleen! Halika dito!" Nakita ko si Hikari at hinatak niya ako palabas.

"Teka hindi pa tapos yung-''

"Iwanan mo na yan." Sabi niya at ni-lock niya ulit yung storage room.

"Kasi urgent 'to. Kailangan na magpasa ng application sa sasalihan mong sport para sa tournament." Paliwanag niya.

Tournament? Eh ang alam ko lang gawin jack en poy tsaka chinese garter, counted ba yun?

"Eh Hikari, ano ano ba yung laro dun? Kasama ba dun yung tagu-taguan? Bente uno? Luksong baka?"

Tinawanan lang ako ni Hikari imbes na sumagot. Eh sports naman yun eh. Nakakapagod.

"Haha! Pauleen, eto yung list ng sports na meron kasama yung location ng registration. Be sure to register before the end of the day. Sayonara!" Sabi niya tsaka umalis.

Tiningnan ko yung list nung sports. Hmmm....

Badminton? I don't think so. Marunong ako pero hindi naman ako ganun kagaling.

Table tennis? Eh parang badminton din 'to. May table nga lang. Kaya nga table tennis eh -.-

Volleyball? Err, marunong ako kaso may unforgettable moment ako. Nung nasa fifth grade kasi ako natamaan ako nito sa mukha. Sobrang nakakahiya.

Ang dami pa nung nasa list kaso wala naman yata akong kayang gawin kaya naglibot na lang ako. Ano kayang pwede kong salihan?

Napunta ako sa may basketball court. Nakita ko si Miko at Jake. Magtatry out yata. Lagot saken 'tong Jake na 'to mamayan. Umupo ako sa bench at nanuod.

Yung try out dito kakaiba. By team yata. Nung maglaro na sila parang familiar yung movements nila.

Habang nagdi-dribble ng bola si Jake bigla na lang siya nawawala tapos nalalampasan niya yung nasa harap. Si Miko naman palagi niyang pinapasa yung bola kay Jake tapos parang hindi siya nakikita nung ibang players sa court. Invisible yata siya.

Tapos si Jake nasa shooting position kahit wala naman siya hawak na bola? Eh? Nagulat ako nung biglang nasa kamay niya na yung bola at naka shoot sa kalahati nung court. Wow.

Pati yung way ng pag-block nila sa bola. Nakita ko na talaga yun eh. Kapag tiningnan mo si Jake, parang nakikita niya yung lahat ng tao sa loob ng court. Possible ba yun?

Pero para talagang nakita ko na 'to eh. Sword art online? Ay mali wala palang basketball dun. Prince of tennis? Ay naman tennis nga eh hindi basketball.

Naalala ko yung kwarto ko. Tama! Kuroko no Basuke yun. Yung vanishing drive, eagle eye, phantom shot at iba pa. Tsaka ko lang naalala. Ang galing nila grabe.

"Jake! Kung nakakatunaw lang ang tingin malamang lusaw ka na kay Pauleen. Haha." Sigaw ni Miko at lahat ng tao lumingon saken.

Naman nakakahiya. Mabilis akong lumayo sa court. Argh. Nakakahiya. Humanap ako ng lugar kung saan mag-isa lang ako.

Napunta ako sa pool ng school. Ang laki nito. Ang sarap siguro ng feeling na nandito ka lumalangoy habang nagchi-cheer yung buong school sa'yo.

Naupo ako sa gilid ng pool at nilublob yung paa ko. Ang lamig ng tubig. Ang sarap sa pakiramdam. Masarap sigurong lumangoy dito. Kung sana nga lang...

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora