Chapter 31: Bad memories

150 8 7
                                    

Naglakad ako papalapit sa clinic. Every three hours kasi akong ni-require ng nurse doon para linisin 'yung sugat ko. Hindi ko alam pero parang sobra naman yata 'yun. I can still manage.

Pagkabukas ng pintuan ay nakita kong magkausap 'yung school nurse at si Jake. Parehas silang humahagalpak sa tawa pagpasok ko.

I clenched my fist. Ano bang magagawa ko? He's not mine anyways. Malamig ko silang tiningnan pero hindi pa rin ako nagsasalita.

Pero naisipan ko, I didn't cane here for him. Nagpunta ako para malinis 'yung sugat ko. Kaya binati ko 'yung nurse para mapansin niya ako pero hindi niya yata ako narinig pero inulit ko ng mas malakas kaya nakakasiguro akong narinig niya ako pero ayaw niya akong pansinin.

What the hell? Sa kanilang dalawa lang ba umiikot ang mundo para hindi nila ako mapansin?

"Are you jealous?" Nakangising sabi sa akin ni Jake sabay pagharap sa akin.

Naramdaman ko na umaakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko kaya tumalikod ako para hindi niya makita. Ang kapal talaga ng mukha niya.

"Bye gorgeous." Paalam niya sa akin tsaka lumabas ng clinic.

Sa ginagawa niyang 'yan hindi ko alam kung siya ba 'yung Jake na nakilala ko. He changed. Bakit parang naging arogante siya? I mean, mas naging arogante pa siya.

"Ms. Nerpy, please take a sit," nakangiting sabi ng nurse sa akin. Pero dahil sa inis ko, inirapan ko lang siya umalis ng clinic.

The nerve! Ang plastik naman nung nurse tapos higad pa. Ang kati kati. Nako. Dapat niya na sigurong gamutin 'yung sarili niya kasi baka makahawa 'yung kalandian niya.

"Boo." Biglang sabi ni Jake paglabas niya mula sa likod ng table na halos mapasigaw ako sa gulat.

"Please. 'Wag ako 'yung pagtripan mo. Iba na lang." Iritado kong sabi sa kaniya atsaka umalis.

"She's my cousin. Karissa Jimenez, the new nurse," aniya atsaka mas lalo pang lumapit sa akin.

"You're so possessive," wika niya sabay halik sa labi ko.

Nagulat ako sa ginawa niya kaya naman kaagad ko siyang naitulak. Buti na lang at kakaunti lang ang tao na nandito at hindi kami napansin. Is he out of his mind?

"Strawberries. Again," sabi niya atsaka ngumisi. "Let's eat lunch. I'm hungry at baka labi mo na naman ang kainin ko."

Napayuko ako pagkasabi niya nun. Why? Nararamdaman ko na namang nagiinit 'yung pisngi ko dahil sa sinasabi niya.

"Ganiyan ba talaga kalakas epekto mo saken?" Sabi ko.

"I'm very thankful na sinabi mo 'yan but you should stop saying those things. It's better to keep them to yourself. Baka mas lalo kitang angkinin," wika niya sabay hawak sa kamay ko at hinatak ako papasok sa cafeteria.

Kung totoo lang sana ang lahat ng 'to siguro nagtatalon na ako sa kilig at ipagyayabang sa lahat ng babae na akin ka. But no, alam kong ginagawa mo lang 'to kasi may kailangan ka sa akin.

Katulad nung nagyare sa loob ng dome. I was a fool noong sineryoso ko lahat ng salitang lumabas sa bibig mo.

***

"Jake? Jake? Nakikipagbiruan lang naman ako kanina. Please, alam kong nandiyan ka lang," nauutal kong sabi.

Alam ko na nandiyan lang siya sa tabi-tabi, nakasunod sa akin. Namanalat na ako pero wala pa rin kahit anino ni Jake.

Hinanap ko siya sa paligid. Hindi ako tumigil hanggang sa makasalubong ako ng ahas. Nakatingin 'yung ahas saken, paano na?

Sa takot ko tumakbo ako papalayo. Hindi na ako lumingon pa. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa may makita akong dalawang pigura ng tao.

Natamaan sila ng sikat ng araw kaya nakita ko sila. Si Jake at Asuna magkayakap. Nang matalisod ako sa kahoy napalingon sila sa akin. Imbes na magulat, ngumiti sila sa akin.

***


Napawi ang ngiti ko at napalitan ng ngiwi nang maalala ko 'yun. Ano bang meron sa eskwelahan na 'to? Bakit parang ang gulo gulo.

Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi ko siya tiningnan. Umalis na ako sa cafeteria. Wala ni isang salita ang lumalabas sa bibig ko.

Nang makalayo na ako, sinubukan kong lumigon. At ano pa bang inaasahan ko? Isang hallway na walang tao.

Kapag nahulog ka sa isang tao, hindi ka dapat maghintay na susuklian niya 'yon. Kasi katulad ko, masasaktan ka lang din.

Lalo na kung alam mong para sa kaniya, laro lang ang lahat.

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Where stories live. Discover now